Noong ako'y bata pa
Hi, ako si A. 21 na ako pero ang mga ikwekwento ko ay naganap noong bata pa ako.
Elementary ako nun, uso pa ang show na ""Nginig"", at dahil nga bata pa kami, kung ano ang pinapanuod namin sa t.v ay ginagaya namin. Isang hapon binigyan kami ng teacher namin ng free time kasi may PTA meeting sila, nung una nagkwekwento lang kami tungkol sa mga stories ng ""Nginig"" hanggat sa nagkayayaan ng sumubok ng spirit of the glass. Kumuha kami ng mga gamit sa locker namin at nagprepare na sa mga gagawin namin. Lima kaming magkakaklase ang nagdecide na mag spirit of the glass, wala sa amin ang marunong nun kaya kung ano talaga ang ginawa nila sa t.v yun lang din ang ginawa namin. Sa isang manila paper nagsulat kami ng letters at numbers pati na rin ang mga salitang ""YES"" at ""NO"". Ang iba naming kaklase busy sa pag laro, yung iba audience namin. Leader namin dun sa spirit of the glass si M, siya ang nagtatanong habang kami apat ay tagasunod lang sa baso. Sa unang tanong palang ni M kung may spirit ba ay gumalaw agad ang baso sa word na ""YES"", nung una di kami natakot mas nasiyahan pa nga kami nung gumalaw kaya pinatuloy pa namin, di pa natapos ang pangalawang tanong ni M ay biglang bumagsak ang wooden chart sa wall namin kaya tumigil kami. Naghanap kami ng logical way kung bakit nahulog ang wooden chart, ang weird lang is nasa pwesto pa ang nail kung san siya ipinako, sinubukan naming igalaw ang nail pero di naman maluwang. Ang mga iba kong kaklase sinabihan lang kami na baka raw sa hangin, pero imposible parin kasi sa pagkakaalala ko sobrang init nun, at bago-bago pa kaming natapos lunch kaya mga nasa alas dos na yun ng hapon. Katabi ng wooden chart are open windows, habang tinigtignan ang nabagsak na chart ay may napansin kaming black figure sa window ni M, sinubukan naming lapitan pero dali dali itong umalis. Dun na ako kinilabutan kasi hindi maexplain ang bilis nito, di ko exactly madescribe pero parang finast forward yung takbo niya, stupid man pakinggan pero parang ninja ang bilis niya. Dun na nagpasya si M na itigil na ang spirit of the glass.
Pagkalipas ng ilang araw ay di parin ako mapakali yung curiosity ko parag umaapaw kaya sinabihan ko ang best friend kong si T na gusto ko pang sumubok maka encounter ng mga gaya ""nila"". Sabi ni T may alam daw siya na paraan, dinala niya ako sa girls cr, pinatay niya ang ilaw at sinira ang door ang tanging ilaw lang ay ang mga nanggaling sa butas ng cr. Kaya nakita parin namin ang reflection namin sa mirror, hinawakan nya kamay ko at paulit ulit nyang binanggit ang ""Bloody Mary"", after ilang beses niyang sinabi yun wala pang nangyari kaya sabi ko alis nalang kami. Na una akong nakalabas sa cr, after nun biglang nag close ang door sa cr, na nasa loob pa si T, pilit kong binubuksan pero naka lock, sumisigaw na si T nun kaya humingi na ako ng tulong sa mga teachers namin, nung nabuksan na ang door umiiyak si T at puno ng pawis. Kinausap kami ng teacher namin at nalaman niya yung nangyari sa cr pati narin yung spirit of the glass. Di niya ako isinumbong sa parents ko, basta't di ko na daw uulitin. After ilang weeks biglang nagsuka si T, appendicitis daw pero di kami naniniwala ni M. Alam naming may mali.. Ilang araw nagstay si T sa hospital, nung gumaling siya ayaw niyang magkwento about sa nangyari. Nirespeto naman namin ang decision ni T. Kwento-kwento, nagpa albularyo daw si T at di talaga siya nagpahospital.
After ilang years may bagong gawa na building sa school, ginawa naming opportunity ni M yun para mag ghost hunting, kasama ang ilang lower grades at ibang classmates namin pumunta kami. Nung una parang wala lang, pagakyat namin ng second floor dun na bumigat ang feeling ko, ang kasama ko dun ay ang kapatid ko na babae at mga classmates niya, sa isang room may nakita kaming babaeng nakaputi ng kapatid ko, nung tinawag ko ang iba para makita nila ang nakita namin at i-confirm kung totoo ba ay sumara ang door dali-dali kaming tumakbo palabas at dun na kami nagkita ni M. Sabi niya may nawawala daw na lower grade na kasama niya, bilang leader2, kaming dalawa ang naghanap sa nawawala naming kasama. May kasama na din kaming guard nun, kaibigan namin yung guard kaya nangako siyang di nya kami isusumbong. Ilang oras na kaming paikot ikot sa building pero wala parin.. Time na para umuwi kami ni M dahil nandyan na sundo ko tapos si M naman tinatawag na ng kanyang mama. Kinabukasan sabi ni guard natagpuan daw nila ang nawala naming kasama na walang malay sa isang room sa building, nung nagpaturo kami ni M kung saan nila natagpuan, di ko na nakayanan at tumakbo na ako palabas dahil sa takot, tinanong ako ni M ano daw nangyari sakin. Ang lugar kasi kung san natagpuan yung kasama namin is ang lugar kung saan namin nakita ng kapatid ko yung babaeng nakaputi. Sinubukan namin tanungin yung kasama namin pero wala daw siyang naalala. After nun di na kami nag ghost hunting.
Akala ko matatapos lahat nung tinigilan ko ang pag seek sa ""kanila"" pero after ilang weeks nun may mga napaparamdam sa akin, paminsan sa swing sa school may kasabay ako kahit walang tao, umaalis nalang ako kapag nangyayari yun, minsan may mga naririnig ako, pero hinahayaan ko na.
Marami pa akong na experience these past years up til now, sa aming magkakapatid, ako lang ang nakakaexperience, nung nagka strength na ako para sabihan si mama, may shinare siya sa background ng family namin. Pero kwento ko sa ibang time na. Salamat sa pagbasa.
A2
![](https://img.wattpad.com/cover/124460703-288-k161693.jpg)
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories
HorrorKababalaghan, Katatakutan, Misteryo, Masamang Espirito, Demonyo Multo, Engkanto, Tiyanak. Handa na ba kayong matakot? Kaya nyo bang harapin ang takot nyo? Alamin natin yan sa librong 'to.