Hello po😊 pangalawang send ko na to, nung una sa messenger kaya siguro di na post. kuwento ko lang po yung kuwento ng mga Tita ko at pinsan ko mahilig kasi sila magkuwento😀 baka hindi ito nakakatakot pero sana basahin niyo, at sana maipost😊
""Biik""
Yung kuwento ng bunso na tita ko (mother side): Noong panahon na nag-aaral pa sila, naglalakad lang sila mula bahay hanggang school kahit sobrang layo, dahil na rin sa hirap ng lugar nila at pati yung mga pamilya na nakatira don, liblib yung lugar nila kaya yung daan ay maraming puno at mga bato sa gilid. Isang beses, pauwe na ang tita ko at yung mga kasabayan niya na estudyante, madadaanan nila yung kuweba sa gilid ng kalsada, sa kabilang gilid naman nun ay ilog, nung mismong tapat na sila dun sa kuweba biglang may nahulog na biik tas agad na tumakbo (imaginin mo nalang😂) napaka imposible naman daw nun kasi mataas talaga yung lugar na yun at walang tao dun, yung mga biik naman daw sa kanila ay talagang may kulungan. Bago pa man sila maka takbo ay may napansin sila dun sa may ilog, isang nilalang hugis tao pero maitim at malaki na parang hindi normal na tao, tumatawid sa ilog yung nilalang(kapre siguro) naaabot ng dagat yung ilog kaya kung low tide ay maliit lang din ang tubig dun at kayang tawiran ng tao, tapos kumaripas sila ng takbo.
""Lalaki""
Kuwento naman ng Pangalawa sa panganay na tita ko: Pauwe din sila galing sa school at as usual daw naglalakad lang sila kasama ang ibang nag-aaral din, tahimik lang ang tita ko maingay naman ang mga kasama niya, nagpahuli siya sa mga kasama niya, siguro mga limang hakbang ang layo niya, nasa huli lang siya at tahimik na naglalakad, nung nasa may kuweba na sila (yung kuweba din sa unang kuwento) biglang may sumulpot daw na lalaki na nakaputi, pero hindi kita yung mukha, sumama sa paglalakad yung lalaki dun sa maiingay niyang kasama, takot na takot na tita ko nun pero di niya pinahalata at lakad lang din siya ng lakad, nung medyo malapit na sila sa mga bahay may nakapansin sa kanya na kasama nila at tinanong kung bakit namumutla yung tita sumagot naman siya na “May kasama kasi kayong naglalakad na lalaki” natakot ang mga kasama niya dahil lahat sila babae, kumaripas silang lahat ng takbo pauwe, huling sulyap ng tita ko maka-ilang hakbang siya sa pagtakbo ay naglaho ang lalaki, dun mismo sa may altar na bato ni Mama mary sa gilid ng kalsada naglaho at kung saan din sila nagsimulang tumakbo.
""Matandang babae""
Kuwento naman ito ng pinsan ko-anak ng tita ko na nakakita ng lalaki na nakisabay sa pag uwe nila: halos magkadikit lang ang bahay ng lolo at lola ko sa bahay ng Tita at Tito ko, sa probinsiya ito nangyare, sayawan dun sa lugar dahil malapit na ang Fiesta, nagising ang pinsan ko, gabi na, around 9 or 10 (di ko sure), walang kuryente dun sa lugar, lampara palang ang gamit o di kaya ay kandila, generator naman sa plaza. Ayun na nga, pagkagising niya, tanaw niya mula sa kuwarto hanggang sa mesa nila ang isang matandang hindi niya kilala, maputi ang buhok at kulubot na ang balat, paharap yung matanda sa kanya na naglalaway pa (natatakot ako😂😱) umiyak ang pinsan ko sa takot na narinig naman ng lolo at lola ko, pinuntahan siya at dinala sa bahay nila, iniwan mag-isa ang pinsan ko ng tito at tita ko dahil natutulog, di nila sinama sa plaza para manood ng sayawan. Nakita ulit ng pinsan ko yung matandang babae sa harap ng bahay ng lolo at lola ko, sa may puno ng saging, nakatayo at nakatingin sa kanga (😱😨).
Mahaba ba?😂😂 sorry po kung di nakakatakot, pero totoo yan.
-Doraemax
QC
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories
TerrorKababalaghan, Katatakutan, Misteryo, Masamang Espirito, Demonyo Multo, Engkanto, Tiyanak. Handa na ba kayong matakot? Kaya nyo bang harapin ang takot nyo? Alamin natin yan sa librong 'to.
