Nakakahiya lang dahil mababasa ito ng lahat esp. classmates ko at kapatid ko. lol. So ito na nga yung story ko:
Nangyari ito noong 10 or 9 yrs old ako. Alam niyo yung palabas na 'Dream High'? Diba hatinggabi na ipinapalabas yun? Mga 12:00 na ng gabi, siguro. Eh laging inaabangan pa naman namin yun ng isa kong kapatid na mas nakakatanda sa'kin hanggang sa matapos ito. Siguro mga 12:30 ang tapos nun. So after naming manood, tutulog na kami.
4 kaming magkakapatid sa isang kwarto. Puro babae tapos ako ang ika-third. Dati, yung isa kong kapatid (#2) katabi ko sa kama kaso lumipat naman sa isang folding bed na malapit naman sa'kin. Bale ang arrangement ng hinihigaan namin (nung lumipat na siya) ay si #1, #4, #2, tapos ako.
Matatakutin pa naman akong tao kaya ayokong walang katabing matulog. Pero napasarap na ata si #2 sa hinihigaan niya kaya hindi ko siya katabing matulog. T___T (Huhu. Akala nila matapang ako. Mahilig lang naman ako sa horror stuffs pero matatakutin din)
Noong gabing iyon, nakatulog naman ako ng ayos hanggang sa nagising ako. Hindi ko lang alam ang oras. Mga 2 or 3 ata. Nakakumot pa rin ako that time pero naiinitan na ako dahil kulong. Ayoko namang mag-alis ng kumot dahil baka may makita ako. (Kasura nga si Mama. Tinatakot ako/kami na pag may bakante ang kama mo ay may tatabi sa'yo sa pagtulog. T____T)
Still, hindi pa rin ako makatulog. Pero kakaiba na ang nararamdaman ko nung mga oras na yun. Kaya ang ginawa ko, inipit ko nang todo ang bawat sulok ng kumot ko. (Naiisip ko kasi, baka hilahin) And oo nga, may humila dito. Matinde! Ayaw pang tigilan. Nanginginig na ako at namamawis that time. Ang ginawa ko? Hindi ako nagpatalo. Inipit ko yung kumot ko para hindi makuha hanggang sa tumigil na din ito. Alam ko namang hindi yun yung mga kapatid ko dahil ang tahimik ng paligid eh.
BTW, may butas nga pala yung kumot ko. Noong una, gusto ko sanang silipin kung sino kaso naisip kong baka mas matakot pa ako lalo kapag may nakita akong ano. Hahaha. Good thing tama ang decision ko na wag nalang. XD
Then next day, tinanong ko lahat ng members ng family kung sino yung gumawa nun sa'kin. Sabi naman nila, hindi sila yun. Worst part, hindi pa nila ako pinaniwalaan. T____T Imagination ko lang daw. Since that day, natulog na ako nang maaga tapos nagdadasal na din ako tuwing gabi. (Dati kasi, halos hindi ako nagdadasal. Sa school lang siguro.)
***Lesson learned: Wag matulog nang may kumot baka hilahin din. (Charot) Haha. I mean, wag matulog nang sobrang gabi na dahil base sa mga nababasa ko dito, kapag natutulog sila nang late ay may nagpaparamdam sa kanila. And! Wag kalimutan mag-pray tuwing gabi este--araw-araw. Magaling na panlaban ito sa demonyo. :)
PS: Salamat kay multo dahil ibinalik niya sa'kin ang faith ko kay God. :) Ngayon di na ako lapitin and mas lumakas pa pananalig ko sa kanya.
PPS: Try kong mag-post ng iba ko pang experiences sa susunod, with the same code name.HorrorLover
L.C.
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories
TerrorKababalaghan, Katatakutan, Misteryo, Masamang Espirito, Demonyo Multo, Engkanto, Tiyanak. Handa na ba kayong matakot? Kaya nyo bang harapin ang takot nyo? Alamin natin yan sa librong 'to.