Okay, first time ko mag sesend ng kwento dito, silent reader lang po ako and I want to share this story para mainggit kayo. Nyarot lang! Hahaha. Mejo pangit din yung title pero related kasi sya sa kwento ko kaya ito sisimulan ko na.
3rd year high school ako nito, at month yun ng november kasi English month or may book week celebration kami sa school non. So ayern, since English month nga, may pa contest sa school. Search for Ms. English 20** . So ayun, feeling ko kasi maganda ako, at talented ako kaya sumali ako. Pinupush din kasi ng nga kaklase ko at adviser ko kaya sumali ako, syempre kailangan may pag pilit para kunyari pabebe ganern. So ayern na nga nag 3rd runner up ko (4 lang kasi kaming naglaban laban. Hahaha nyarot! 15 din naman kami non hahaha). So ito na nga, yung month kasi ng november ng mga panahon na to, ito yung konth na sobrang napaka emotional kong tao. Yung tipong ang extreme ng emotion ko. Sobrang saya, sobrang lungkot ganern. Bakit? Basta madami akong pinag daanan; pinapalayas ng magulang, tapos muntik na kami mg hiwalay nung 2yrs kong jowa, tapos ito masaya kasi nanalo ako sa pa contest na to.
After nung pa contest na yon, ang saya saya kong umuwi ng bahay, hinatid ako ng jowa ko pa uwi, tas bati kami ng nanay ko, tapos ito pa nga nanalo ako. So ayun, dahil pagod na pagod na ko, nag half bath na ko para makapag pahinga na, tapos sinuot ko yung dress na minsan ko lang talaga suotin. Yung pula kong dress, edi ayun, nahiga na ko (double deck higaan namin sa taas ako kaya wala akong katabi). Matutulog na kaming lahat ng biglang pumutok yung ilaw namin pag matutulog na, edi no choice walang pa ilaw festival ang gabi namin non. So total darkness talaga sa kwarto namin. Ito na nga at mahihiga na ko at ipipikit ko na ang aking mata nang magulat ako at nananaginip na ako agad pagka pikit ko. Nakikita ko yung labas ng bahay namin, yung tipong parang gumagapang ako palabas ng bahay, pero yung vision ko green tapos parang naka telescope ako ganon. Edi ayun na, gusto kong magising pero di ko kaya feeling ko ang himbing ng tulog ko tapos biglang kumalma ako at yung paligid, maya maya naramdaman kong may humahakbang sakin, mga tatlong beses akong hinakbangan. Tapos dinaganan na ako ng maputing mataba na hindi ko makita yung mukha sa di ko malamang dahilan. Sobrang nahihirapan na ko huminga non pero di talaga ko magising. Pero mejo powerful ako at nagawa kong magising pero hindi ko magalaw yung katawan ko, mata ko lang yung kaya kong pagalawin, at since mata ko lang kaya kong pagalawin ito na nga at nilibot ko ang tingin ko sa paligid ko, laking gulat ko na lang ng makita ko ang sarili ko na katabi ko na naka tingin sa taas ang mata habang tumatawa. Sobrang natakot talaga ako nun at gusto ko ng gumising kung nananginip man ako kaya nilibot ko ang paningin ko upang maka aninag ng kahit kaunting liwanag sa paligid, pero nag sisi ako na nilibot ko pa ang paningin ko, tumingin ako sa bandang paanan ko dahil dun ang bintana, nag baka sakali akong makakita ng liwanag dun ngunit hindi liwanag ang nakita ko, isang anino ng lalaki at may kulay pulang mata ang mistulang gumagapang papalapit sa akin. Bigla kong na alala ang sinabi ng guro ko na sa twing makaka experience ng ganon ay laging magdasal, nag dasal ako ng Ama namin, ipinikit ko ang aking mga mata at nagdasal ngunit habang sinasambit ko ang bawat salita sa dasal ay syang sampal ang ina abot ko, hanggang sa maka tulog na ko at pag gising ko ay umaga na.
Napakamalas talaga para sakin ng kulay pulang damit, dahil sa twing mag susuot ako ng gantong kulay ng damit, inihahanda ko na ang sarili ko sa kapahamakan. At kababalaghan. Nangyari na din kasi ito nung bata ako na naka pula akong damit, nagulat na lang ako hindi ako pinapansin nung yaya ko, busy sa kakapanuod ng tv, ina asar ko kasi sya, kaya nung napagod ako kasi di nya ko pinapansin nag pasya na lang akong matulog pero laking gulat ko ng makita ko yung sarili ko na nakahiga sa kama. Pagkatapos ng mga ganong pangyayari di ko na alam yung mga nangyayari after. Lagi din akong hinahabol sa panaginip ko ng pulang tela or naka pulang tao. At nabugbog din ako ng naka pulang damit ako, may nang away din sakin nung naka pulang damit ako, binangga din ako nung matabang babae pero di man lang nag sorry at naka pula din ako. Kaya hindi ako nag pupulang damit na kahit birthday ko man, baka kasi sa sunod mamatay na ko. Ito lang naman yung kwento ko, sana naman nag enjoy kayo magbasa kasi nag enjoy ako mag kwento.
Ateng maganda
Las Pińas
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories
TerrorKababalaghan, Katatakutan, Misteryo, Masamang Espirito, Demonyo Multo, Engkanto, Tiyanak. Handa na ba kayong matakot? Kaya nyo bang harapin ang takot nyo? Alamin natin yan sa librong 'to.
