Nangyari po ito nung taong 2015 nang nagbakasyon kami na magkakaibigan sa Pangasinan. For the first 2 days eh inenjoy namin ang kagandahan ng Pangasinan, lalo na ang Hundred Islands. Sa huling araw namin, nagtungo kami sa Baguio (since 1 hour lang ang byahe mula pangasinan) para mamili ng pasalubong at mamasyal na din. Ang huli naming destinasyon ay ang PMA, at sa pag-uwi namin (6pm na kami nakaalis) ay babagtasin namin ang Kenon Road. Pagod ang lahat at sinubukan na magsitulog habang bumibyahe. Habang binabagtas namin ang daan, nagtataka na ako bakit paunti ng paunti ang mga bahay. Matagal bago ko napansin kasi ganun din na man ang napansin ko sa Kenon, pero mas kakaunti at hiwa-hiwalay, hanggang sa wala nang mga bahay or any establisment na nadadaanan. Nagtaka na din ako dahil wala na kaming nakakasabay or nasasalubong na sasakyan. Kumakapal na din ang fog (typical naman sa baguio) pero sa isang oras na maluwag na byahe ay nakapagtataka na parang nasa Baguio pa rin kami dahil sa lamig at sa fog. Lumipas ang 30min ay narealize sa isa samin na tila naliligaw na kami, hanggang sa dumating kami sa isang mining firm ( hindi ako sigurado, pero naluwagan na kami ng loob dahil nakakita na kami ng tao). Doon nga kami nainform sa aming pagkakamali. So bumalik kami hanggang PMA.
Gising na ang lahat at aware na naligaw kami. Habang binabagtas namin muli ang aming dinaanan pabalik sa PMA, naisipan na ng mga babaeng kasama ko na magpatugtog ng worship songs at sabayan ito sa pagkanta. Hindi ako sumabay sa pagkanta dahil nais kong matulog. Sa huling verse ng worship song ay may sumabay na lalaki. Puro babae ang nagkakantahan kaya dinig na dinig mo sya. Lahat sila napatigil at nagtataka, pero kinontra ko na lang sila na walang boses ng lalaki ang nakisabay para hindi na magtakutan pa. Nagdasal na lamang kami para sa ligtas na byahe. Nakabalik kami sa PMA at tinahak na ang tamang daan hanggang sa makauwi. Noong pinagku-kwentuhan namin ang nangyari, nagsabi ang isa sa aming kaibigan na kung hindi daw huminto dun sa mining firm at nagtanong, at nagdiretso pa kami (o may mali pa kaming nilikuan) ay makakapunta na kami sa lugar na maraming NPA. Ang isang kaibigan ko naman ay nagkwento na sa bridge na dinaanan namin ay may nakita syang babae na akmang tatalon sa bangin.
Note: hindi kami gunamit ng WAZE or google maps dahil wala o mabagal ang signal noon. Sa dinaanan namin ay wala talagang signal.
First time din ng driver namin ang tumahak sa daan na iyon.
Kaya payo po sa mga bakasyonista, sana po ay mag-ingat sa mga daan na tinatahak. Hindi man naging parang horror movie ang experience, pero the mere thought na naliligaw ka ng gabi sa lugar na walang tao at hindi ka makahingi ng tulong ay sadyang sapat para magdulot ng takot at panic."EmperorM
Caloocan
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories
HorrorKababalaghan, Katatakutan, Misteryo, Masamang Espirito, Demonyo Multo, Engkanto, Tiyanak. Handa na ba kayong matakot? Kaya nyo bang harapin ang takot nyo? Alamin natin yan sa librong 'to.