I experienced this kamakailan lang. Around August ng 2017. Hindi siya masyadong nakakatakot pero hindi ko sya makalimutan talaga. Pauwi ako nun from school. Madilim na sa labas kasi 6:30 kami pinapauwi. So ito na nga. Nasa harap ako ng gate ng may sumutsot saken sa from the other side of the road. Noong una hindi ko sya pinapansin dahil naglalagay ako ng earphone ko. Kaso palakas na ng palakas yung sutsot hanggang sa marecognize ko kung sino yun. I recognized it as my father everytime he would call me when I was still outside late. Napalingon ako sa kabilang side ng kalsada at doon ko nga nakita si Papa. Nakatayo lang sya at hawak nya ang backpack nya. He wore a plain white shirt at camoflague na pants saka brown na boots - ang typical na damit nya tuwing umuuwi sya. Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya dahil dalawang taon ko ng hindi nakikita si Papa. Hindi ko alam ang mararamdaman ko kung matutuwa ba ako o magugulat. Dahil umuwi na si Papa. Tulalang tulala ako at parang wala akong marinig or wala akong kasama. Ngunit parang may iba sa kanya. Ang putla nya at pulang pula yung mga mata nya. Pero nagising ako sa hypnotized state ko ng hilahin ako ng best friend ko pabalik sa side walk. Gulat na gulat sya at pinapagalitan nya ko. Hindi daw ako makausap tapos bigla nalang akong naglalakad ee puro truck at sasakyan ang mga dumadaan. Muntik pa'kong masagasaan ng jeep. Sumagot ako na: Si Papa kasi nakita ko, pero nung pagtingin ko sa dulo ng kalsada ay wala na sya dun. Bigla akong kinabahan at parang masama ang kutob ko.
Dali-dali akong nagopen ng FB at chinat ko si Papa. Sakto na oras ng break niya at papasok na daw sana sya. Halos magmakaawa ako na wag muna syang pumasok sa trabaho, na doon muna sya sa dorm nya at wag syang lalabas ng dorm nya kahit anong mangyare. Hanggang alas kwatro ng madaling araw kausap ko si Papa para lang masigurado kong walang masamang mangyayari sa kanya. Nakatulog nalang ako bigla kaya pumasok na ng trabaho si Papa kahit late na sya. Kinagabihan, nagchat si Papa sakin na nagkaroon daw ng parang aksidente dun sa department nya, nagkaroon ng loose wire at nasunog ang halos kalahati ng department, kasama na dun ang kung saan nagtatrabaho si Papa.
Sana mapost po ito. Hindi siya nakakatakot but I learned something from this experience. Thanks Spookify😁💕 paweer!😂☝
BbyGrl💕
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories
HorrorKababalaghan, Katatakutan, Misteryo, Masamang Espirito, Demonyo Multo, Engkanto, Tiyanak. Handa na ba kayong matakot? Kaya nyo bang harapin ang takot nyo? Alamin natin yan sa librong 'to.