computer shop

251 4 0
                                    

Hello po, first time ko po mag share ng story hehe sana magustuhan nyo, may kahabaan to ng konti.

Eto na nga , noong 2010 nagkaroon kami ng computer shop na naka connect sa bahay namin. Di naman kalakihan bahay namin pero naipagkasya namin ung 12 units including ung server namin. Ang formation ng computer namin ay pag pasok mo ng shop, sa right side mo unit 1 2 3 4 , tapos sa harap 5 6 7 tapos sa left side eh 8 9 10 11, tapos sa likod ng 11 ay yung server namin. Ung server naman pag nasa loob ka para kang nasa maliit na box, tapos may onting space para sa pag abot ng bayad sayo ng customer (Sinasabi ko to para maintindihan nyo ng mainam ung kwento). So eto na nga, since dota player ako noon uso samin mag puyat so walang problema ung pag babantay sa shop, mga bandang 3 am na nun, nag lalaro nako. Ako lang mag isa as in. Tapos alam mo yung feeling na may nanonood sayo? Pero pag lilingon ka wala naman. Nasa pc 6 ako nun. At sa likod ko 8 9 10 11. Ung 11 ung pinakadulo at patago kaya pag may customer na alam nyo na dun sila pume pwesto. Balik tayo, nag c clash na nun ng may narinig akong ingay ng keyboard, pero dahil sa ako nga lang mag isa d ko pinansin. Tapos nun palakas ng palaks alam mo yung sobrang bilis ng type na parang nag dadabog kasi d mo pinapansin? Tapos pag lingon ko, biglang mawawala ung sound. Tapos humarap ulit ako sa pc, nasa base lang ako, d ako nakahawak sa keyboard at mouse pero putspa! May naririnig ka nanaman nagdadabog, this time kasama na ung mouse ung kini click tapos dinadabog narin. Shitness kahit On game ako tumakbo ako sa loob ng kwarto. (May pintuan sa likod ng server papasok sa kwarto). Takbo ako ng mabilis tapos ni lock ko yung pintuan. Kaya simula non, d na ako nag laro mag isa.

Eto naman experience ng ate ko, since nadala nako, sa server nako mag lalaro habang kumakain tapos ung ate ko naman sinarado nya na yung shop. Dinalaw ako ni antok kaya natulog nako since yung ate ko naman yung nag sara. Yung pintuan ng computershop namin eh kahoy tapos yung sa bandang shoulder pataas salamin na. Bale makikita namin sino ung papasok everytime na naka lock yung pintuan. So eto na nga nag close na sya ng shop (kadena lang nakikita parin namin kung sino yung tao sa labas) tapos dumeretso na sya sa server. Naka open yung pintuan ng server kasi mataba sya lol . D sya kasya sa server kaya nakaopen yun. Tapos may kumatok sa pintuan ng shop, sinilip nya pero wala syang nakita so inisnob nya. Kumatok ulit, tapos may nakita siyang damit lang sabi nya close na po. Hindi nya makita yung mukha kaya lumapit sya kasi katok ng katok. Hanggang sa malapit na sya sa pintuan ng shop... OMAYGASH!!! RUN PIGGY!!! WALANG ULO YUNG KUMAKATOK!!!! UNG KWELYO LANG NG DAMIT NG NASA LABAS NG SHOP UNG NAKITA NYA!!! TUMAKBO NG NAPAKABILIS YUNG ATE KO PERO NADAPA!! NADAPA SIYA!!! TAPOS MAY HUMAWAK SA PAA NYA MGA BES!!!! PERO NAG PAKA STRONG ANG ATE NYO WALANG LINGON LINGON SOBRANG PIGLAS LANG GINAWA NYA HANGGANG SA NAKAPASOK SYA NG KWARTO. Pag pasok ng ate ko nagulat kami, kasi ang lakas ng pagkasara nya sa pintuan pero may parang tumutulak sa pintuan! Tapos sabi ng tatay ko anong nangyare. Nakangiti lang yung ate ko parang tanga di alam pano i explain hahahaha. Hanggang sa na lock nya yung pintuan. Tapos kumuha ng samurai yung tatay ko (ewan ko bat may ganun si papa) tapos nag dasal kami (muslim po kami) at saka inopen ni papa ulit ung pintuan para tignan pero wala na.

Solid reader dito bf ko haha di ko pa kasi na kwento sa kanya to pero malalaman nya na ako to dahil sa name ko.

Sana magustuhan nyo kahit na mahaba at daming explanation. 😊😊😊

Palalabs mong baisan
Manila

Tagalog Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon