Nung bata pa ako madalas akong nakakakita ng mga kakaibang nilalang. Yung lolo ko naging mangagamot dati sa probinsya nila (Visayas) bago sila lumipat dito sa Luzon. Nung bata pa ako lolo at Lola ko and nag aalaga samin, minsan daw nakikita ako ng Lola ko na naglalaro ako mag isa at parang may kausap. First time ako nakakita nung elementary ako, natutulog kami ng kapatid ko nun sa sala, tapos bigla akong naalimpungatan, napatingin ako dun sa bintana nagulat ako kasi may ulo na nakasilip as in ulo lang talaga yung pugot tapos pulang pula yung mata, sobrang pinagpapawisan na ako ng malamig nun, pumikit ako tapos sabi ko ""panaginip lang to"" tas pagmulat ko nandun parin sya, kaya nagtaklob ako ng kumot di ko namalayan nakatulog na ako.
Pangalawa, inutusan ako ng nanay ko bumili ng diaper ng kapatid ko, eh bago ka makarating sa may tindahan madadaanan mo yung malaking bakanteng lote na puro puno ng mangga tapos walang street lights, sobrang dilim, nung papunta na ako ng tindahan nakayuko lang ako habang naglalakad ng mabilis (kunyari matapang). Tapos nung pauwi na ako mas binilisan ko pa yung lakad ko, pero nung nandun na ako sa tapat ng bakanteng lote may nakita akong matandang babae nakaputi at mahabang damit, tapos sobrang haba ng buhok nya kulay gray tapos nakaupo sya, pero wala naman syang inuupuan. Naka dyakwatro kasi sya at nakalutang. Sa sobrang takot ko kumaripas ako ng takbo.
Minsan naman kapag naglalaro kami ng kaibigan ko tuwing gabi, nakikita daw nung nanay nya na may nakikipaglaro samin na pari na walang ulo.
Marami pa akong karanasan, mas nakakatakot pa. Pero nung nag highschool na ako Hindi na ako nakakakita kasi mas natuto na along magdasal.
Cavitenya_
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories
HorrorKababalaghan, Katatakutan, Misteryo, Masamang Espirito, Demonyo Multo, Engkanto, Tiyanak. Handa na ba kayong matakot? Kaya nyo bang harapin ang takot nyo? Alamin natin yan sa librong 'to.