manggagaya

288 1 0
                                    

Nangyari ito nung nasa Meycauayan pa kami nakatira. Broken family kami. Si mama ay nakatira nun sa Valenzuela City at kami naman nila papa ay sa Meycauayan nga.

Isang linggo kaming nagbakasyon sa tinutuluyan ni mama kaya bale si papa lang ang naiwan sa bahay namin. Taxi driver kasi si papa kaya tuwing makalawa lang siya nasa bahay (isang buong araw na pamamasada at isang buong araw na pahinga sa bahay)

So eto na nga, paguwi namin sa Meycauayan, linggo yun (di ko na tanda yung araw at kung anong taon) eh binati ako ng kapitbahay naming teacher. Tinanong niya ko kung anong oras na raw ba ako nakapasok ng bahay dahil nga raw matagal ako pagbuksan ni papa ng pintuan kasi dis oras ng gabi na raw yun. Syempre nagulat ako dahil nung araw lang na yun kami umuwi at si papa ay wala din sa bahay nung gabing yun dahil nga nasa byahe siya.

Kinilabutan yung kapitbahay namin na yun dahil nung "nakita" raw niya ako nung gabing yun na kumakatok sa pinto ng bahay namin eh tumingin pa nga raw ako sa kaniya.

Kinagabihan, nilalagnat na yung kapitbahay naming teacher at pinatawas nga ng asawa niya dahil naniniwala sila na ibang nilalang yung nakita ng asawa niya.

Aminado ako na mayroon ngang ibang nilalang sa compound namin dahil nga matalahib at maraming puno dun, at maging kaming tatlong magkakapatid ay natatakot din sa bahay namin kapag wala si papa lalo na't kami lang matutulog sa bahay.

Sa sinabi ng kapitbahay namin na teacher na nakita raw niya ako eh hindi ako naniwala dahil iniisip kong baka tinatakot lang ako nun. Maging si papa ay sinabing tinatakot lang ako nun.

Habang tina-type ko ito ay kinikilabutan na naman ako

Ilang araw lang kasi mula ng mangyari yun eh ako naman ang nakaranas ng ganoong pangyayari. Gabi na kami nakauwi ng dalawa kong kapatid galing sa pinaglalaruan naming video game eh saka ko lang naalala na pinaglalaba pala ako ni papa. Eh di kumain muna kami ng mga kapatid ko at nagpahinga na sila at natulog na rin sa sala dahil nga takot kami sa kwarto matulog kapag wala si papa kaya nila-lock namin yung kwarto.

Madaling araw nako nagsimulang maglaba at natapos ako magbanlaw mga bandang past 3 am na. Nung malapit nako matapos magsampay eh napatingin ako sa bintana ng bahay dahil binuksan ko yung bintana na may kurtinang puti pero tanaw ang loob ng bahay dahil sa liwanag ng ilaw. Nakita ko yung bunsong kapatid kong lalaki na nakatingin sa akin ng matalim na nakangisi at biglang papunta sa kwarto namin. Eh paanong papasok sa kwarto yung kapatid ko eh numero unong takot yun. Kaya ako naman dali dali akong tumakbo papasok ng bahay dahil kinilabutan na ako at alam kong hindi yun ang kapatid ko at pagpasok ko sa bahay ay himbing na himbing silang natutulog ng isa ko pang kapatid na babae.

Sa pag aalala ko ay agad kong ginising ang mga kapatid ko dahil natakot na rin ako. Yung kapatid kong lalaki naman ay biglang umiyak dahil pagtingin niya sa labas ng bahay ay may nakita siyang lalaking maitim, na sa sobrang itim ay parang anino lang.

Hindi pa diyan natatapos yung mga kababalaghang naranasan ko nung nandun pa kami nakatira sa lugar na yun.

PS: pasensya na po kung medyo magulo ang pagkakakwento ko at pasensya na dahil mahaba.
PPS: Kwento ko sa susunod yun tungkol kay mama nung pumasyal sya sa amin.

Tagalog Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon