untold vision

158 2 0
                                    

Just wanna share my Mom's experience. Ininterview ko pa sya para lang maikwento ko ito sa inyo ng ayos. Isipin nyo na lang na ako ang teller (si mama).
Tagpuan: Isla ng Simara
"UNTOLD VISION"
Dumating noon ang mga bangkay ng mga taga-simara sa isla namin na nasawi sa paglubog ng Pagoda sa Bocaue, Bulacan taong 1993. Isa ang pinsan ko sa mga nasawi, pumunta kami sa daungan upang kumpirmahin ang bangakay ng pinsan ko na kabilang sa karamihan ng bangkay na nakahilera sa daungan. 5:30…takip-silim na nung umuwi kami ng tiya ko . Mula sa daungan, madadaanan ang isang bahay na pinaniniwalaan naming aswang. May madadaanang school bago sumapit sa bahay ng matanda, isang maliit na kubo na pinagigitnaan ng mga kawayang kahoy. Pagkalampas sa bahay ng matanda, masukal na damuhan ang sunod na madadaanan. Bukod sa bahay ng matanda, wala nang ibang bahay na matatanaw mula sa kasukalan. Layo layo kasi ang pagitan ng bahay sa Simara, sa gawing kabundukan. Kahit kasama ko ang tiya ko ng mga panahong yun, di maalis sa akin ang takot. Malayo layo narin kami sa bahay ng matandang aswang, ilang saglit pa, isang pamilyar na boses ng batang babae ang tumawag sa akin. Sa paglingon namin ng tiya ko, nakita ko ang aking nakababatang kapatid... na halos dalawang taon nang patay. Gaya ng damit na suot nya noong nilibing sya, ang damit na suot parin nya sa tagpong yun. Nakaramdam ako ng takot, kaba at paninindig ng balahibo na alam kong naramdaman din ng tiya ko. Mula sa kinatatayuan namin, kitang kita ng mga mata ko ang kapatid ko na lumulutang sa hangin. Papalapit sya ng papalapit sa amin habang tinatawag akong "Ate!" . Wala kaming nagawa kundi tumakbo. Kaalinsabay ng aming pagkaripas ang aming paglingon sa bata na mas bumibilis pa ang paghabol sa amin. Nananatili ang kanyang paa sa hangin, na mas nag udyok sa amin upang bilisan pa ang takbo. Sa paglampas namin sa kasukalan, tila isang bula na naglaho bigla ang batang humahabol sa amin. Hindi iyun ang kapatid ko. Naniniwala ako na hindi sya yun, ginaya ng matandang aswang ang wangis ng aking kapatid ! Pagsasahangin ang kakayahan ng matandang aswang na ngayon ko laang lubos na naunawaan.
~jzsmmrs

Tagalog Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon