BABAENG NAKAITIM SA HALLWAY

72 1 1
                                        

A/N: di po totoo ang storyang to. Gawa gawa ko lng po to.

Hi sa inyong lahat! Ako nga po pala si janine 19 yrs old. Nakatira ako sa bulacan.

Nag ta-trabaho ako sa call center sa bulacan.

Sabi ng iba kong ka-trabaho na may babaeng nakaitim na gumagala sa hallway tuwing 3:00 am ng madaling araw.

Syempre dahil sa di naman ako mapaniwala sa mga multo at di pa ko nakakaranas kaya binalewala ko na lng.

Pero ang pinaka mas katakot-takot na naranasan ko ay nakita ko ang babaeng nakaitim na dahang dahan na naglalakad sa hallway.

Nakalikod sya sakin kaya di ko makita ang mukha nya.

Kinusot kusot ko ng tatlong beses ang mata ko.

Pero di ako nagkakamali!! Sya nga yun!!

Napatigil sya sa paglalakad, at humarap ng unti-unti sa direksyon ko.

Sa tindi ng takot ko di ko nagawang sumigaw ng tulong, o gumawa ng ingay para marinig nila ko.

Putspa lng papalapit sya ng papalapit sakin.

Habang umaatras ako mas lalong bumibilis ang paglapit nya sakin.

Nang medyo naka-recover na ko sa takot, di ko na hinintay pang tuluyan syang makalapit sakin at ako'y agad na tumakbo.

Takbo lng ako ng takbo ng makasalubong ko ang ka-trabaho ko na si janice.

''oh? Anyare sayo? Bat ka tumatakbo?" nagtatakang tanong sakin ni janice.

Sinabi ko sa kanya ang nakita ko.

Natakot na lng din sya at tumakbo kami pababa ng hagdan.

Nang makalabas na kami ng opisina dun na ko naiyak ng todo.

Pano ba naman nakakatakot ang itsura nya. Yung buhok nya kasing haba ng buhok ni sadako.

Ewan ko ba kung kamag-anak sya ni sadako.

Tapos yung mata nya itim na itim wala kang makikitang ni isang puti. Itim lahat.

At mas nakakatakot nagsusuka sya ng dugo!!

Niyakap na lng ako ni janice at pilit na pinapatahan.

Nung medyo tumahan na ko sinabi ko sa kanyang uuwi na ko at nag wave sa kanya.








----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/N: nagustuhan nyo ba ang storya? Kung oo i-comment nyo lng at mag-vote na din kayo😊 bye guys😉😘

Tagalog Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon