jogging

185 2 0
                                    

Napakasarap pagpawisan. Napakasarap ng feeling pagkatapos ng ehersisyo. Oo. Matatawag akong adik sa fitness. Sumasali sa lahat ng Zumba sessions, laging babad sa gym. Parang pangalawang bahay ko na ata yun eh.  Lahat ng bagay na pwede akong pagpawisan ginagawa ko. Pero lahat ng yan ginagawa ko tuwing araw at minsan sa gym pag gabi. Di ako mahilig gumising ng madaling araw para mag jogging. Nakakatamad eh.Sarap pa kaya matulog nyan.

Pero isang madaling araw, nagising ako. Tinignan ko ang relo,eksaktong alas tres. Pumikit ako ulit pero di nako makatulog. Kaya bumangon nalang ako. Eh linggo naman. Tsaka Di bukas ang gym tuwing linggo. Kaya naisip kong mag jogging nalang para naman makapag ehersisyo sa araw na yun. Sinubukan kong gisingin yung kapatid kong lalaki para naman may kasama ako. Eh wala eh tulog mantika. Kaya lumabas ako mag-isa.

Masyado pa palang madilim sa labas. May mga poste ng ilaw pero ang layo ng agwat sa isa't isa. Kaya may mga parte ng street na maliwanag may parte ring madilim. Tsaka ang lamig. Mas lalo akong ginanahang magpapawis.

Nagsimula na akong maglakad. Inilagay ang earphones saking tenga at nakinig sa paborito kong music.
Pagliko ko sa kanto nagsimula na akong mag jogging. Maliit lang naman ang subdivision namin kaya naisip kong daanan bawat street.

Nung paliko na ako sa huling street. Yun yung street na hindi pa masyadong gawa. Marami pang mga puno. Di rin sementado. Mabato pa ang daan at isa lang ang poste. Sira pa. Kaya madilim. Ang nagsisilbing ilaw lamang ay ang liwanag ng buwan. Eh di naman ako matatakutin kaya dumiretso lang ako.

Pagpasok ko palang biglang humangin. Ang lamig. Yung tipong tumatagos sa'king kalamnan hanggang buto.Pero nagpatuloy lang ako sa pag jogging.
Nung nasa kalagitnaan na ako ng street. Medyo madilim na dito banda kasi malalaki ang mga puno na wari'y sumasayaw sa ugoy ng hangin at natatabunan din ang liwanag ng buwan. Wala pang ilaw.
Nang biglang may sumabay sakin.
Nagtaka ako eh wala naman akong napansing nakasunod sakin. Pero di ko na inisip at nagpatuloy. Naisip ko nalang batiin siya ng di lumilingon dahil nagfocus ako sa daan kasi medyo madilim at mabato pa.
Tinanggal ko muna earphones ko at sinabing ""Magandang umaga"". Ngunit walang sagot. Inulit ko ""magandang umaga"". Pero di pa rin sumasagot.  Sa pangatlong beses kong pagbati eh nilingon ko na sabay sabing "" Magandang uma---. Pero di ko na natapos dahil paglingon ko. PUCHA! Tumambad sakin ay isang nilalang na lumulutang. Oo! NAKALUTANG siya bes !
Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. Nanginig lahat ng kalamnan mula batok hanggang paa.! At ang mas nakakatakot pa eh dahan dahang lumilingon ang ulo niya saking kinaroroonan ng hindi gumagalaw ang katawan. Ang lakas na ng tibok ng puso ko ng makita ang dalawang nanlilisik na mga mata niya. At mas lalong lumakas ng dahan dahan siyang ngumingiti kasabay ng dahan dahang paglaki ng mga mata niya.
Kaya kumaripas na ako ng takbo ng walang lingon lingon. Di ko alam kung sinusundan niya ako basta tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa nakarating ako sa bahay namin at dali-daling pumasok.
Simula non di na ako nag jogging mag-isa ng madaling araw.

-A

Tagalog Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon