Hi guys may gusto ako ishare sa inyo. Silent reader ako dito sa page na ito. Sana ma ipost to. Napanood ko kase yung sa mapagpakailan man kagabi so nakarelate ako. Maybe hindi siya masyadong nakakatakot pero creepy para sa akin.
Nangyari ito nung 6 years old ako. Nag start to nagkaroon ako ng sakit. Halos di tumitigil yung lagnat ko. Then creepy talaga kase tuwing matutulog ako may nakikita akong mga duwende hinahabol ako gusto nila akong kuhanin. So ganon lumipas na yung isang linggo. Akala ko okay na ako kase wala na kong lagnat pero isang gabi nilagnat na naman ako so si mommy na tataranta kase sabi ko daw habang nakapikit ""Mommy nandyan na sila kinukuha ako"" nung time na yon alam ko talaga hindi panaginip na lumalapit sila sa akin yung tipong ang liit ko tapos sila mas malaki sa akin. Wala akong magawa. Ginising ako ni mommy tapos ayon kwinento ko na marami sila mga itim tapos hinahabol nila ako di ako tinitigilan. May nagpunta na na albularyo sa bahay pero ang sabi hindi daw niya kaya yung ""mga duwende"". Natakot si mommy kase sa tuwing nilalagnat ako ganon lagi ang sinasabi ko. Nagpapasama na si mommy sa katulong ng tita ko kaso umalis rin kase di daw niya kaya sobra daw siyang kinikilabutan kase tinatabihan daw siya. Ang ginagawa na lang namin ay magdasal ng magdasal
After non, Nakatanaw ako sa may bintana sa may tindahan namin tapos may isang babaeng lumapit sa akin. Di ko siya kinausap agad tapos lumapit si mommy tas sabi bigla nung babae may sakit daw ako. Tinanong ni mommy yung babae kung tiga saan daw siya sabi niya malayo daw ang lugar niya. So nagtaka kami kase bat niya alam. Sabi niya may misyon daw siya dito na kailangan niyang gawin dito daw siya dinala sa bayan namin. Ganon nga tapos sabi niya pumunta daw silang dalawa lang ni mommy sa bahay wag na daw ako sumama baka daw kase may gawing masama sa akin kung ano man daw meron sa bahay. Ang kwento sa akin ni mommy. Edi pumunta na sila ng bahay tapos nauna pumasok yung babae screen lang yung pintuan namin kaya madaling buksan kaso hindi mabuksan nung babae yung screen namin ang sabi nung babae ayaw daw siyang papasukin sa loob kaya nauna na yung mommy ko. Then, ang sabi niya kay mommy may mga duwende daw sa bahay, itim at puti yung itim daw yun daw ang dahilan kung bakit di matigil yung lagnat ko. Ang sabi nung babae gusto daw nila ako kuhanin. Tapos kinausap nung babae yung duwendeng itim sabi niya tigilan ako kaso mukhang di ata ako titigilan kaya sabi nung babae gagawa na lang daw siya ng paraan para mapaalis daw yung itim. Ayon may mga ginawa nilagyan ng asin yung bawat kanto ng bahay namin tapos marami pa may dasal pa nga yon e. Hanggang sa natapos may ibinigay kay mommy na garapon ang sabi nung babae itapon daw yon sa parang bukid na malayo sa amin at pagtapos itapon huwag na huwag daw lilingon. May dinagdag pa yung babae. Sabi niya kung hindi daw niya napaalis yung itim na duwende ay gagambalain kami hanggang sa makuha nila ako. At kaya hindi daw nila ako mahawakan dahil binabantayan ako nung puting duwende, yun nga lang mas malalakas yung itim at mas marami daw. Kaso yung puting duwende mapaglaro kapag may bisita kami sa bahay tas sa taas matutulog laging kinukulit hinahatak yung paa, yung kumot, minsan bigla bigla nawawala yung gamit tas pag di na hinahanap tsaka makikita. Pero salamat rin sa kanila dahil binantayan nila ako laban sa itim na duwende. "
BabybabeM
Rizal
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories
HorrorKababalaghan, Katatakutan, Misteryo, Masamang Espirito, Demonyo Multo, Engkanto, Tiyanak. Handa na ba kayong matakot? Kaya nyo bang harapin ang takot nyo? Alamin natin yan sa librong 'to.