manila city hall

149 1 0
                                    

I hope na mapost tong ishe share kong story. Just call me Jj, my nickname. Sigurado akong marami na sa inyo ang pamilyar at nakarinig na ng mga Horror stories sa City Hall. Alam niyo na rin siguro na ang city hall ay hugis kabaong na may cross sa itaas pag tinignan sa itaas. Sa mga hindi pa nakakakita, search niyo siya sa google maps. And i satellite mode niyo siya. So balik tayo, yung pinsan ng kaibigan ko ay nag tatrabaho sa City hall. Di ko alam kung ano trabaho niya kase nasabi lang saken ng pinsan ko eh. Pero madalas daw inaabot yung pinsan niya ng night sched. Sabi sabi nga daw dun, na kailangan pag patak ng 6pm dun mag uumpisa ang mga creepy something na mangyayari kaya ang natitira na lang lagi pag 6pm is yung mga aabutan ng night sched. Sanay naman na yung pinsan ng kaibigan ko, like gabi gabi daw nakaka rinig sila ng mga footsteps na nanggagaling sa hallway. Mga strange voices, at minsan nga umiiyak pa. A lady wearing a white dress ang laging nagpapakita tuwing gabi. Duguan yung mukha at palakad lakad. One time sinama ako ng pinsan ko, siya kase nag hahatid ng pagkain nung pinsan niya. Pero hindi daw siya nag iistay ng matagal kase natatakot nga hahaha. Pero ako, pinilit ko siya na kahit mag stay man lang kahit konti. So pagpasok palang namin ng city hall, babalot na agad yung malamig na hangin sa katawan mo. Ang creepy kase ang dilim pa. Habang naglalakad kame sa hallway, nagsimula na kameng mangilabot kase alam mo yung feeling na para bang may nagmamasid sa inyo? yung parang may nakatingin sa inyo. Ang creepy talaga. Tapos ayun nahatid na namin yung pagkain. Pagkabalik namin sa hallway, may narinig kaming footsteps. Eh wala namang ibang tao dun, napatigil kame kase parang palapit ng palapit samin yung tunog ng footsteps. Hanggang sa bumungad samin yung babaeng duguan na nagpapakita don. Nakatingin samin, nakangiti ng nakakakilabot. Hindi kame makatakbo, alam mo yung parang naparalyze ka. Tangina lang diba? Sinuntok pa ko ng malakas ng kaibigan ko para bumalik ako sa diwa ko at tumakbo papunta sa pinsan niya. Kinwento namin yung nangyari sa pinsan niya at sa mga katrabaho niya. Di naman sila nagulat, kase mga sanay na nga. Ikaw ba naman mag trabaho sa city hall di ka kaya masasanay? Nag stay kami dun hanggang sa makauwi yung pinsan niya at mga katrabaho niya para samahan kame kase talagang ayaw naming dumaan na sa hallway. Simula nun di na ko sumama sa pag hatid ng pagkain. 

Matatakutin

Tagalog Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon