Ang Batang Demonyo

73 0 0
                                        

A/N: Di po to true story gawa gawa ko lang po tong chapter na to. And ang iba true stories po talaga. Enjoy reading guys!😊

Hi spookify ako nga pala si laura (not my real name) ako ay taga pasig city at ako ay nakaranas ng kababalaghan saming bahay.

Yung pasok kasi namin ay 12:00 ng tanghali at ang uwian namin ay 6:00 na ng gabi. So medyo madilim na sa dadaanan ko. Habang pauwi ko galing school, parang biglang bumigat ang balikat ko. Parang may nakasabit o ano.
Pero kahit nabibigatan ako sinikap ko pa ding umuwi agad. Mag 7:00 na nun medyo malayo layo kasi yung bahay namin. Kailangan ko pang daanan yung ilog pasig bago ako makarating sa bahay.

Pagkauwi ko ng bahay, nagalit si mama sakin bat daw ang tagal kong umuwi. Sabi ko naman natagalan lang sa paglalakad. Umakyat na ko sa taas at pumasok ng kwarto ko. Bigla bigla na lang nawala yung parang mabigat na bagay sa balikat ko. 

Kinabukasan paguwi ko ganun ulit biglang bibigat ang balikat ko hanggang sa makarating ako sa bahay. Bat ganun?  Nagtaka na ko. Halos gabi gabi kong nararanasan yun.


Medyo natakot na ko kasi sino o ano ang naka akay sa balikat ko. Multo kaya?



Sinabi ko kay mama yung nangyari sakin. Tapos sabi naman ni mama baliwalain ko na lang daw yun baka daw guni guni ko lang yun.


Pero ng di ko na nakayanan ang nangyayari sakin, binilisan ko ang lakad ko pauwi at pagkarating ko sa bahay bigla na lang namutla si mama ng makita ako at may tinuro sa may balikat ko. Nakatulala lang syang nakatingin sakin at takot na takot.

Nagpunta ako ng CR. Kailangan kong malaman kung ano ang tinitingnan kanina ni mama.




Buti na lang may salamin sa CR namin kaya ayun makikita ko na ang naka akay sa balikat ko. Pero pagtingin ko sa salamin putcha! May nakita akong bata. Batang lalaki sya. Itim na itim ang balat nya at pagkatapos pula ang mata at nakangiti sakin ng nakakatakot. 

Ang creepy nya ngumiti! Nagulat ako ng bigla na lang syang nagsalita. Yung boses nya halo halo may babaeng boses may lalaking boses. Basta halo halo. Ang creepy t*ngin* sabi nya naghahanap daw sya ng bagong mommy at ako ang napili nya.

Bigla na lang akong hinimatay bigla. Pagkagising ko nasa albularyo kami.




Sabi sakin ng albularyo may batang demonyo na gusto daw kumuha sakin. Ako ang natipuhan nyang maging ina. Ang kailangan lang daw para layuan ako ng demonyo ay magdasal at magdala ng rosaryo.

Ginawa ko yun tuwing dadaan ako sa kalye na yun ilalabas ko ang rosaryo ko at di na bumibigat ulit ang balikat ko. Hanggang sa maging normal na ulit ang buhay ko. 





















A/N: Nag enjoy ba kayo basahin? Comment lang kayo kung nagustuhan nyo😊

Tagalog Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon