the curse

203 2 0
                                    

Hello readers, first time ko po dito nais ko lang pong ibahagi ang kwento ko, Hindi ko naman po hinihiling na maniwala kayo pero ito po ay hango sa mga totoong pangyari sa buhay ko. Sana po magustuhan nio.😀

Namuhay kami ng simple simula ng nawala ang papa ko, apat kaming magkakapatid at pinapagkasya lamang ang naiwang salapi ni papa para sa pang araw-araw naming pangangailangan.

It all started when I was in grade 8 May mga bagay na nangyayari na ako rin sa sarili ko hindi ko kayang ipaliwanag, hindi ko alam kung guni-guni lang ba? At nagkataon lang ba ang mga nangyayari, kasi kapag may nasusulyapan akong mga bagay nahuhulog sila pero nangyayari lang kapag natingnan ko ang isang bagay na hindi ko inaasahan. Yun tipong habang naglalakad ka bigla kang napatingin sa likod mo kahit di mo gusto tapos may nangyayari dun sa natingnan mo The F Coincidence lang yan sabi nila pero masasabi mo pa bang coincidence kung makailang beses nangyari? HINDI diba?

Niyaya ako ng may-kaya kong tita(kapatid ni papa) na pumunta sa kanila para magbakasyon,
Hindi naman ako nagdalawang isip sa alok niya, kasi alam kong medyo magaan buhay don so ayon don ako nagspent ng summer after a year don na naman ako pero this time kasama ko na mga kapatid ko December nun kaya don na rin kami nagpasko hanggang sa isang gabi...

Lumabas ako para magpaload..
Kaya lang house rule is bawal daw lumabas ng 8, lumabas ako kahit 11 na kasi kailangan ko talaga ng load Tas pagkakatok ko ng gate yung pinsan ko nakabukas sakin
""Oh.. gabi na ah(tingin sa orasan) alam mo naman na bwal na diba?""(medyo galit) tahimik naman akong pumasok,

kinabukasan ako Pinagalitan nila akong lahat...sinumbong ako sa ginawa ko kagabi....Minura,sinigawan ...
""babye Gel kahit kailan hinding hindi ka na makakabalik dto""sabi ng pamangkin ko na nang-aasar

Napuno ako ng galit sa sobrang galit ko nasabi kong ""mamatay ka sana :),mahaba na ang isang buwan."" pabulong na sabi ko sa sarili ko..

Pinauwi ako samin pinahiya pako ng tita ko..:'-( ""kahit hagkan mo pa ang sahig hinding hindi ka na makakabalik dito sabi ko sa sarili ko edi ok.

After a month

Kakauwi ko lang galing school ng nakatanggap kami ng balita
""Ga si___ patay na"" sabi niya.
Sabi ko ha?? Patay? Eh ang lusog at lakas pa nun a
""Ambot gani nak amo to gani nga nagpuli dayon Auntie mo balik pa manila""
(Ewan ko nga anak, kaya nga dalidali umuwi tita mo pa manila)

Ambigat sa dibdib hindi ko alam ang mararamdaman ko kung masisiyahan ba ko dahil nakaganti ako sa kanya? O magiging malungkot kasi kadugo ko parin sya
Tanong ko lang Coincidence parin ba?

Ps. Pasensya na po at napakahaba next na lang po yung part 2

Ger
Antipolo

Tagalog Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon