Hindi po ito story, kinda like a story but not exactly. at silent reader dn naman po ako, nag submit po ako one time kaso lang natabunan siguro ng ibang stories pero cge lang.
Matagal na po ito at somehow bumalik na naman last week. Hindi lang ako sure pero may times na may naririnig ako na wala namang may nakakarinig. And no, hindi po voices yung naririnig ko. Wala naman po akong traumatic experiences pero may times talaga na yung mga naririnig ko sobrang malakas yung tunog at ako lang pala yung nakakarinig.
Like one time po, nanood lang ako ng TV habang nakahiga then dinig ko talaga yung parang makina ng barko sa labas ng bahay naman na parang dumaan sa kalsada. Hindi ko po initindi kaso lang mas lumakas talaga yung ingay na parang nasa labas lng ng bintana ko. Tinakbuhan ko sina mama that time tas sabi nila wala namang dumaan sa kalsada at walang ingay daw sa labas.
Then sumunod na ang iba pang sounds like malakas na authentic sounds ng jet plane pero parang nasa labas lang ng bahay ko na as in sobrang lapit pero wala naman. Then yung parang mga fighter planes sa world war II na parang dumadaan sa ibabaw ng rooftop namin. Hindi ko alam pero nadidinig ko talaga. And dont ask na kung bakit alam ko yung sounds ng fighter planes sa mga world war, palagi akong nanood ng documentaries at alam ko talagamg authentic yung plane sounds sa documentaries pareho rin sa mga narinig ko.
Lastly po yung recent, dinig ko po ang parang pumiprino yung isang train. Yung tunog na unti unti ng tumitigil yung train tas doon imposible nang magka train doon sa amin kasi iloilo kami walang train dito kaya I'm asking if some of you experience these, kahit hindi yung mga specific sounds na narinig ko, pero authentic at parang totoo talaga yung naririnig mo? Can someone help me, di ko talaga mahanap sa research, some of you might know.
Potato Potato Ching Chong Tomato
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories
HorrorKababalaghan, Katatakutan, Misteryo, Masamang Espirito, Demonyo Multo, Engkanto, Tiyanak. Handa na ba kayong matakot? Kaya nyo bang harapin ang takot nyo? Alamin natin yan sa librong 'to.