Hello po!
pero dahil sobrang bz, hindi na po
ko nakakapagbasa. pero this time, kayo po ang una kong naisip sa
nangyayari ngayon dito sa kwarto namin. gusto ko lang po sana magshare
at huminge na din po ng suggestions or tips kung anu man to. pass po
sana sa mga comments na wala namang katuturan at mga sobrang
judgemental commentors. pakihide na din po ng identity ko. at sana
mapost po. thanks! so here it goes. nitong past few days lang nama
siya actually nangyari. live in kami ng partner ko. nung unang dating
ko dito, lagi siyang binabangungot dahil sa panaginip niya. pero
nawala na din yun mga after 2months of living together especially,
magkatabi kaming matulog kaya may kasama siya. then nito lang mga
nakaraang araw, almost a week to be exact, nagising siya ng madaling
araw. around 4 or 5am kasi naiihi siya. nung umupo siya sa bed at
akmang tatayo na, napansin niyang basa ang bedsheet namin,
specifically, sa bandang pwet niya (yung pagnakahiga) lalo na naked
kami parehas. nakasanayan na kasi talaga naming matulog ng naked lalo
na sobrang init ngayon ng panahon. nagtaka siya kasi hindi naman daw
siya umihi, hindi naman daw mapanghe. basa lang daw talaga na parang
tubig kasi nung inamoy niya, wala namang amoy. imposible namang tulo
ng ulan galing kisame kasi hindi naman umuulan at walang butas bubong
namin. nagtataka talaga siya. nung umihi na siya (me cr kami sa
kwarto), andame niya daw pong nailabas na ihi. tantya niya nasa isang
tabo (normal size) yung inihi niya. inalis niya nalang sa isip niya
yung pagtataka kaya nakatulog ulit. after nung incident na yun,
nagpapanty na kami parehas (parehas po kaming girl) matulog. at the
same time, sobrang creepy na din ng nararamdaman namin every time na
matutulog na kami. tapos madalas na din siya ulit bangungutin. but
this time, hindi na siya nananaginip. binabangungut siya kahit gising
yung diwa niya tsaka umuungol siya. yung tipong umiiyak na
nahihirapang huminga. akala ko dahil lang sa hika niya pero iba na
talaga. tsaka kahit sobrang antok na kami, hindi kami makatulog. yung
kahit gusto mo nang matulog, hndi ka makatulog. lagi na din akong
napapatingen sa pinto namin kahit hindi ko sadyain. pero pagtinitigan
ko ng mabuti, wala naman akong nakikita. sobrang creepy lang kasi.
kaya sana may mkapagsuggest ng pwede naming gawin. P.S. > sa mga
judgemental commentors po, wag po muna sana kayong magcomment ng kung
ano2 kung hindi naman po kayo makakapagsuggest ng tama. salamat.Riyujih
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories
HororKababalaghan, Katatakutan, Misteryo, Masamang Espirito, Demonyo Multo, Engkanto, Tiyanak. Handa na ba kayong matakot? Kaya nyo bang harapin ang takot nyo? Alamin natin yan sa librong 'to.