doppelganger

193 0 0
                                    

Iba't-ibang Kwento

----------

Nangyari 'to when I was around 6 years old. Nasa labas ang lolo ko while I was lying down the couch, nanood ng TV. Since commercial break, tinignan ko muna ang paligid. When suddenly, may lumabas na babae galing sa room ng tito ko papunta sa room ng grandma ko, akala ko si mommy (grandma pero mommy ang tawag namin ng mga kapatid at cousins ko sa kanya) kasi parehong-pareho talaga ang suot nilang dalawa ni mommy. Kaya tinawag ko si lolo at sinabi ko na dumating na si mommy kaya pumasok siya agad at tinanong ako kung saan daw si mommy, ""nasa kwarto po niya,"" sagot ko. Pinasok namin ang kwarto ni mommy at hinanap namin siya, pero walang mommy sa kwarto. Ilang sandali lang, dumating si mommy kasama ang tito ko at sinabing kakarating lang daw nila galing sa school ng tito ko.
----------
""Shadow""
Hindi lang isa ngunit dalawang beses. Una ko siyang nakita nung nanonood kami ng TV ng mga lil bros ko habang nasa second floor ang mga lil sis ko. Tinawag ako ni mommy, so lumapit ako. Since hindi pa sinabi ni mommy sakin kung bakit niya ako tinawag, napatingin ako sa second floor, bumaba ang isa kong kapatid na itago nalang natin sa pangalang ""Che"" so yung isang kapatid ko nalang yung naiwan dun, itago natin siya sa pangalang ""Arra"". So yeah. Nakatingin pa rin ako sa second floor kahit may sinasabi si mommy. And...
-
-
-
-
May dumaan sa likod ni Arra. Hindi ko mabatid kung ano siya. I considered calling it ""Shadow"". Nanlaki ang mga mata ko at agad kong tinawag si Arra. Lumapit si Arra sakin, pikon, ""bakit ba??"" tanong niya. ""May nakita akong dumaan sa likod mo. Ewan ko kung ano yun. Basta dumaan siya sa likod mo."" bulong ko sa kanya. Nagpasama siya sakin papunta sa second floor at... Walang tao... Walang bumaba, walang umakyat. May bintana??? Naka-lock... Inunlock niya??? Walang ladder, daanan, etc. pababa... Nilagyan niya ng ladder??? Wala naman kaming ladder... Magnanakaw??? Imposible...
Pangalawa naman, sa school. Papunta pa ako ng school nun. Hinatid ako ng lolo ko. Naka-fence ang school pero since second floor ang room namin, makikita pang siya kung nasa labas ka ng school. So yun nga. Napatingin ako sa room namin, may nakita akong parang tao pero hindi rin ako sure kung ano siya. Matangkad kaya akala ko yung classmate ko kaya nagmadali akong umakyat kasi akala ko late na ako pero pagdating ko dun...
-
-
-
Lock ang room. Nasa labas pa ang mga classmates ko. Wala pa dun yung matangkad kong classmate.
----------
""Monster!!!""
Itong story naman na 'to ay sa cousin ko. Mga 2 years old pa siya nung nangyari 'to. Itago nalang natin siya sa pangalang ""Ces"". Naglalaro siya sa sala ng bahay nila (napasyal kasi kami sa bahay nila e.) while nasa kwarto ako, naglalaptop. Laro ako ng laro, biglang pumasok yung tito ko sa kwarto kaya may kasama na ako, natulog siya.
-
-
-
-
-
""Monster!!!"" sigaw ng isang batang tiyak kong si Ces kaya agad akong lumabas.
Ces: *crying* Nanay I saw a monster!
Nanay: Where's the monster?
Ces: *crying* Outside the window.
----------
Sorry kung bitin.
Sorry kung maikli lang.
If you find it non-sense, sorry.
Hindi kasi ako masyado marunong magsulat ng story kaya pagpasensyahan niyo na ako.
•••••••••••

althea_ck👽

Tagalog Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon