nagpakamatay si je.i

223 5 0
                                    

Hi po. Silent reader here. Napapa comment pag di mapigilan sa sobrang gaganda ng mga stories. Gusto ko lng ishare yung experience ko. Di naman creepy. Pero sana magustuhan nyo.

--
Bata pa ko ng ligawan ako ni Je.i (Tawag ng anak ko sa kanya kasi bulol)
Napahirapan ko naman sya pero di kalaunan sinagot ko din. Nalaman ito ng mga magulang ko. Nag iisang babae lang ako saming tatlong magkakapatid. Nagalit si mama dahil di pa daw pwede. Pinipilit nya kaming pag hiwalayin pero pinaglalaban ni je.i ang relasyong namin. Dumating sa point na kinailangan na kong papuntahin ni mama sa probinsya para mailayo kay je.i dahil bukod sa bata pa ko e ayaw nya talaga ito para sa akin. Nag aral ako nun sa probinsya, tumira ako sa tita ko (kapatid ni mama) tuloy parin ang relasyon namin ni je.i kahit malayo ako. Tawagan kami lagi pagka galing ko ng school. Lagi din kami magkatext pag vacant kami sa school. (whole day kasi ang klase sa probinsya) Hanggang isang araw bigla nlng kaming naghiwalay ni je.i kaya iyak ako ng iyak nun. Pakiramdam ko naman e pinili nyang hiwalayan nlng ako para makapag focus ako sa pag aaral ko. Tinanggap ko yun kahit sobrang sakit. Isang taon ang lumipas bunalik ako ng manila. Umuwi nako samin at di na ulit babalik ng probinsya. Pinagpatuloy ko ang 3rd yr ko sa dati kong school. Nagkabalikan kami ni je.i at nalaman nanaman ni mama. Galit na galit nanaman sya. Nakita nya kaming magkasama at halos hubaran nya na ko sa kalsada habang hinihila palayo kay je.i nun. Umuwi akong umiiyak, sinisinghalan ako ni mama sa kwarto ko pero wala akong maintindihan sa sinasabi nya dahil ang tumatakbo lang sa isip ko ay kung bakit ayaw nya ko maging masaya. Wala na, di na kami ukit nagkausap ni je.i pero ang daming kaibigan ko ang naghahatid sakin ng balita tungkol sa kanya. Bantay sarado ako kay mama, hatid sundo sa school kahit 3rd yr nako.
Fast forward. (naka move on nako) lumipas ang araw, buwan taon at nagka pamilya ako. Di kami kasal ng kinakasama ko pero may isa kaming anak. Nalaman kong nambababae sya kaya hiniwalayan ko sya't di na kami nagkaayos pa. Nalaman ito ni je.i mula sa iba din naming kaibigan. Di nagtagal bumabalik sya sakin pero di na naging kami. Lagi syang nakikiusap na bigyan ko pa ng chance yung naputol naming relasyon noon. Pero hindi ko sya pinakinggan. Una sa priorities ko ang anak ko mula nung nawala ang dadi nya. Bumalik ako sa oag aaral. Sa twing uuwi ako laging nandyan si je.i inaalagan ang anak ko. Papa je.i na nga ang tawag sa kanya nito. Madalas dadating sya sa bahay may dalang gatas at ng anak ko at nag aabot ng ampaw sa bata. Di sya nagtatagal sa bahay sa twing nandun ako. Pero ang kwento ng mama ko'y ok na sila at halos 4 na oras kung alagaan ni je.i ang anak ko sa bahay. Isang gabi noon pumunta sya sa bahay, nagpaalam syang matagal daw syang mawawala. Nagpaalam din sya sa anak ko. ""sa bahay kayo tulog ngayon pwede? Papasok na ko bukas at di ko na alam kng kelan ako makakabalik"" alok nya. Syempre laking tanggi ko dahil, bakit naman kami matutulog sa bahay nila e may bahay naman kami. Nung gabing yun maaga akong natulog sa kwarto namin ng anak ko dahil may maaga akong orrientation sa ayala kinabukasan. (nag apply kasi ako ng tabaho) Kinabukasan paalis nko nang maisipan kong daanan sana si je.i sa bahay nila dahil sabi nya papasok sya sa trabaho at pwede kaming mag sabay .paalis. (pakunswelo at makapagpa salamat sana sa mga tulong nya samin ng anak ko bago sya umalis) kaso naalala kong para syang babae kumilos at baka sa tagal nyang mag asikaso e ma-late ako sa puluntahan ko kaya humakbang ako paatras. Umalis na ko.
3pm noon july 13, 2013 nasa kalagitnaan parin ako ng orrientation at briefing para sa magiging trabaho ko nang bglang nag vibrate ang phone ko ""WALA NA SI JE.I"" -mama. Syempre wala na yun kasi malamang pumasok na sa trabaho yun kagaya ng sabi nya. Nag vibrate ulit. ""PATAY NA SI JE.I"" -mama. Jusko! Panong patay?? Patapos na yung orrientation. Unalis na ko. Bumyahe ako pauwi, ang daming text ng mga kaibigan na namin na pareho lng sa text ni mama. Umiiyak ako pauwi. Nakarating nako. Wala nakong nadatnan kundi mga taong naka kumpol sa daan nakatingin sa pag dating ko, kanya kanyang buka ng bibig di ko sila marinig, diretso ako sa bahay ni je.i pero wala. Wala akong nakitang je.i dun. Nanay nya't mga kapatid na umiiyak nakatingin sa higaan nyang puno ng dugo. Pulis. SOCO. Bakit may SOCO? Nag baril pala si Je.i😭 nanlumo ako. Nanghina. Wala na si je.i. Patay na si Je.i. Nagpakamatay si Je.i😭

Sa burol nya nun lagi ako nakabantay. Lahat ng sisi sakin napunta. Kesyo di na daw tumingin sa iba si Je.i

Isang gabi habang kinakusap ko sya sa kinahihimlayan nya, buong puso akong humingi ng tawad sa hindi pag bigay ng pagkakataon sa amin. Nawala ako sa focus ng makita kong lumuha ang mata nya. Oo lumuha. Tinawag ko ang mama nya. Natunghayan nila ito. Nalungkot lng ako lalo dahil naririnig parin pala nya ako.

Tanghali noon, umuwi ako sa amin dahil ilang gabi nakong puyat sa pagbabantay at sa pagtulong sa lamay. Natutulog ako noon sa sahig lang sa sala namin. Nagising ako sa malamig na hangin at sa dampi ng isang kamay sa pisngi ko. Pag mulat ko wala namng tao. Alas kwatro na pala ng hapon. Nag ayos ako't bumalik sa lamay, yun pala'y hinahanap ako ng mga kamag anak ni Je.i na bagong dating lang. Gusto raw ako makausap. Para sa akin si Je.i ang gumising saakin nun.

Ilang araw matapos ang libing nya, naglalaro kami ng anak ko sa sala namin nang bigla nyang tinuturo ang upuan. ""Papa Je.i"" sambit nya. Niyakap ko anak ko, sabi ko wala na papa Je.i ""No. Ayan oh upo, babay daw ganto"" minuwestra nya sakin ang pag wave ng kamay nya. Nagpaalam na siguro si Je.i sa samin.
Ilang taon nadin mula nung mawala sya. Pero pag nagkaka oras ako ay dinadalaw ko oadin sya sa puntod nya. May mga pangyayari paring kakaiba sa twing dinadalaw ko sya tulad ng pagpapaamoy nya sakin ng oabango nya. Kaya ang dasal ko'y sana masaya na sya kung nasaan man sya.

--"

K
Rizal

Tagalog Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon