Brunei 1980's

187 3 0
                                    

Actually story to ng tita ko abroad, kakakwento nya lng kase ULIT (paulit ulit nya kase knekwento samen kase feel na feel nya talaga 😱 ).

Tita's POV (para intense 😁😨)

First time ko mag-abroad nun. Mananahi (sewer) ako dun sa isang company dun na halo halong lahi ang nagtatrabaho.

Sa loob din ng compound ng company yung pinag-i-stay-an namin, double deck yung mga bed at dahil nga bago lang ako sa taas ako napa-pwesto kase wala nang bakante sa baba.

One night nanaginip ako parang me nagduduyan ng bed ko pero yung direction ng galaw is hindi pa side na normal na pag-duyan, papuntang ulo at pa-paa yung galaw, then pagtingin ko sa paanan ko takot na takot ako.. . 😨😨😨
May malaking nilalang na hugis tao. Itim sya at puro pula yung mata 😨😨😨😱😵🙏.

Kinabukasan wala akong pinagsabihan kase isip ko nga nanaginip lang ako ng masama pero few days after nun nangyari saken nagbago yung tingin ko na panaginip lang talaga yun ...

Gabi .. Tulog na lahat ng magising kame sa sigaw ng kasama namen sa kwarto na bago lang din dun sa company. Pinuntahan namin sya pero nakapikit pa din siya at nakataas yung kamay na para bang may humihila sa kanya patayo tapos sigaw pa rin ng sigaw.
Yung isang kasama namen na medyo matapang umakyat dun sa bed tapos pinagsasampal yung kasama namen na sigaw ng sigaw.
Ayun nagising sya pero tulala lang, nung nahimasmasan tsaka sya nagkwento. Same ng na-experience ko pero mas nakakatakot.

Niyuyugyog daw yung kama nya ng malaking lalaki na itim at pula yung mata tapos hinihila sya.. .gusto daw sya isama kaya nagsisigaw na sya.
Tapos nun madami din nag-open ng ganung experience pero eto yung pinaka grabe. Di lang pala basta panaginip yun kasi halos lahat sila naranasan yun.

Nagpausok daw ng insenso sa bawat room doon after that incident (chinese kase me hawak sa kanila) pero me times na may kwento pa din na ganun yung mga bagong workers na dumadating dun... .

At marami pang kababalaghan na nangyayari sa paligid ng kompanyang yon na ngayon ay sarado na.

Ayu

Tagalog Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon