aswang

206 1 0
                                    

Yes. Aswang nageexist talaga sila. I live somewhere in Mindanao and this story happened here. There's this woman and let us name her Elia. She's around 35-40 years old and may anak na siyang babae. Kabaranggay lang namim si Elia dati pero ngayon lumipat na kami sa kasunod na baranggay lang at medyo malapit lang kami kaya nakakarinig din kami ng mga balibalita tungkol sa kanya. Few years ago nung namatay ang pinsan kong babae and yung baby niya dahil sa panganganak. Gabi ng burol non sa bahay ng tita ko (nanay ng pinsan kong namatay). Katabi lang ng bahay nila e may punong mangga na tanim pa ng lolo ko. Medyo matanda na yung puno kaya sobrang yabong na nito. Nakatira na kami nun sa kabilang baranggay kaya kapag pumunta kami dun e nagttricyle kami. Laman ng tricycle nun yung dalawa kong tita and yung tito ko na siyang nagddrive ng tricycle. Habang papasok sila at dadaan pa sa ilalim ng puno ng mangga e nakaramdam sila na medyo lumakas yung ihip ng hangin at maya maya pa may naririnig silang parang may kung anong tunog na parang humahampas sa hangin. Napatingin yung tita ko sa itaas at may naaninag daw siyang lumilipad sa itaas ng puno ng mangga. Di sila nakaimik dun dahil nabigla nga sila at sabi nga ng tita ko e para lang daw silang nananaginip nung nakita nila yun. Kinabukasan ikwenento nila samin yun at sabi pa ng isa kong tita e si Elia daw yun na pinaniniwalaan nilang aswang. Isang beses daw e nakita nila si Elia sa gitna ng palayan na umiiyak mga bandang madaling araw na kapag tinatanong nila ito kung bakit e di daw siya sumasagot. Minsan na din daw na humaba yung dila nito habang nagsisisigaw atsaka agad naman nilang pinatawag yung pari para mabless siya. Kapag naman okay siya e makikita mo siya sa simbahan araw araw dahil nangongolekta siya at adorer sa simbahan. May sabi sabi din na hindi niya ginustong maging ganun at pinilit lang siya ng nanay niya. Ikong

Mindanao

Tagalog Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon