Actually kwento lang sa'kin to nung kaklase ko mula elementary-hs.
About 'to sa ate nya at dun sa bagong tinitirhan nitong apartment. Hindi ko na maalala kung saan yung exact location nung apartment pero taga-Rodriguez, Rizal lang kami nung classmate ko. Eto na yun.
So, dun tayo sa ate nya. Since nagtatrabaho yung ate nya (panganay sa kanilang 4 na magkakapatid) hindi sya dun tumitira sa bahay nila sa Urban. Malayo kasi yung bahay nila sa pinagtatrabahuan kaya para makatipid ay umupa nalang ito.
Actually, parang hindi nga apartment yung inuupahan nito kasi walang ibang nakatira dito bukod sa ate nya. E dahil sa sanay yung ate nya na magulo sa bahay nila, ang ginagawa daw nito kapag umuuwi sya ay sisigaw sya ng ""Nandito na ko!"" sa may pinto ng apartment para narin siguro di nya maisip na nag-iisa lang sya at saka papasok at magpapahinga na.
One time, sobrang pagod na pagod daw yung ate nya kaya nakalimutan nitong magsabi ng 'Nandito na ko'.
Nahiga nalang daw diretso yung ate nya dun sa sofa at pumikit.
""Oh, nandito ka na pala?""
Nanigas daw yung ate nya sa sobrang takot nung narinig nya yan. Di nya alam kung pipikit ba sya or didilat eh.
Kaya ayun, simula nung nangyari yun hindi na bumabati yung ate nya. At naghanap narin sila ng apartment na may mga kasamang totoong tao na.
Ps. Kaya pala walang may gustong umupa dun kahit sobrang mura.
Pps. Hindi sinabi sa kanila nung landlady na may ganung issue yung apartment.
KaibiganNiRia
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories
HorrorKababalaghan, Katatakutan, Misteryo, Masamang Espirito, Demonyo Multo, Engkanto, Tiyanak. Handa na ba kayong matakot? Kaya nyo bang harapin ang takot nyo? Alamin natin yan sa librong 'to.
