lalaking naka itim

131 1 0
                                    


Hello sa inyo! Ako nga pala si maria. Ako'y 18 years old na. At ako ay nakaranas ng isang nakakatindig balahibong experience sa loob ng aming bahay.

Gabi na nun at matutulog na sana kami ng aking kapatid na si lia. 12:00 pm na nun ng gabi pero gising pa din ako. Hindi ako makatulog ng mga oras na yun. Hanggang sa maramdaman ko na parang may nakatingin sakin.

Tiningnan ko ang buong kwarto pero wala naman akong nakita na kahit ano. Ipinikit ko sandali ang mata ko pinipilit kong matulog pero ayaw talaga.

Hanggang sa biglang may nagsalita sa tabi ko. Tinatawag nya ang pangalan ko. Natakot ako. Kasi kaming dalawa lang naman magkapatid ang nandun sa loob ng kwarto.

Tapos pagdilat ko nagulat ako sa aking nakita. Lalaking naka itim ang tumambad sa mukha ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Pinigilan kong sumigaw dahil ayokong magising ko ang kapatid ko. Kaya ang ginawa ko ay pumikit at nagdasal.

Dinasal ko ang ama namin at nang matapos ko na ang dasal ay idinilat ko na ang aking mata. Pagdilat ko nawala na ang lalaking itim na kaninang nakatingin sakin ng malapitan.

Gumaan ang pakiramdam ko. Hanggang sa nakatulog na lang ako.



Yun lang po salamat po sa pagbabasa ng aking nakakagakot na experience.



~maria, bulacan

Tagalog Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon