Uhm. Hello po pero hindi po ito story. Ito po ay isang babala. Para lang po ito sa mga magulang na. At May anak na.
BE AWARE!!!
HINDI SAKIN TO MOMMIES PERO BASAHIN NYO 😱
MR. PICKLES
Sa mga parents na dyan, be aware sa mga pinapanood niyo sa bata o sa napapanood nila. So ito na nga, nakaugalian ko na ngang panuorin sila ng movie sa phone ko, which is educational naman habang ginagawa ang gawaing bahay. Masyado kase silang malilikot katulad ng mga tipikal na bata. Sila ay nasa 2 taon at 5 taon parehong lalake. Hindi sa pag yayabang ngunit maswerte ako dahil matatalino ang mga anak ko. So, 5pm pinanood ko sila sa phone bago magsaing para matahimik sila sa isang tabi. Ayun na nga, nagsaing ako at naririnig ko silang sinasabayan pa yung kanta sa Chuchu tv. Nalibang ako sa gawain, di ko napansing walang tugtog at tahimik silang nanonood. Nagtaka ako kung anong pinanonood nila at nag iba pa sila ng pwesto, magkaharap sila dalawa. Kinuha ko yung phone at first time kong napanuod ang Mr. Pickle. Tinanong ko ang panganay kong anak kung sino ang naglipat sa movie na ito at napakasama, makamundo. Masamang impluwensya maging sa matanda dahil sa pagkakaintindi ko ng story si MR.PICKLE ay si satanas na nagkatawang aso. Search it sa youtube guys kung nacucurious kayo. Nakakatakot grabe, lantaran na ang satanismo. So balik tayo sa story.. Hindi ko inaasaahan ang sinagot ng anak ko, ang sabi niya si "MAMA MARY" daw. Inisip ko, kathang isip niya lang yun dahil may santong maria kami sa kwarto. Pero kinilabutan ako at sobrang takot ang naramdaman ko kahit pa, ganun ang nasa isip ko. Hindi ako makabalik sa gawaing bahay sa takot na nafifeel ko. Para bang pagkatapos niyang banggitin yun, bigla kong naramdaman na may nakatingin sa akin mula sa likuran ko. Kaya sa pag hindi ko pagpapahalata, tinawag ko muna ang mga anak ko at kunwari'y nakipag usap na sana wag ulit panunuorin yung MR. PICKLE at inexplain ko sakanya kung bakit. Then he asked me na,
Son: "Mama sabi ni Mary kase e, mama siya ni Jesus diba?"
Me: "Opo and daddy niya si joseph"
S: No! No! No! Si mr.pickle ang daddy niya
Then tumawa siya ng kakaiba na akala mo nakarinig ng jokes o parang kiniliti. Then tinignan niya yung bunsong kapatid niya na busy sa pagkain, then he asked me again na,
SON: Ma putulin nalang natin legs mo, tapos lagay natin kay baby para malaki na agad siya. Hahahaha
ME: Masama yang sinasabi mo anak ha, yan ba tinuturo sayo sa school? Etc.. Etc..
S: No! Si Mr.Pickle HAHAHAHA
Then tumingin siya sakin ng masama. nagalit talaga siya at sinabi niyang nakakainis ka!! Hindi mo ko binili ng Ball! Puputulin ko ulo ng Baby mo tapos yun nalang gagawin kong ball. Pati kamay niya, paa niya tapos natawa na naman. Guys dun na ko nagsimulang kutuban, nagtuyan ang balahibo ko. Halos paliguan ako ng kilabot. Kinuha ko yung mga anak ko at tinapat sa ulo nila ang kamay ko, habang binabanggit ng malakas ang "IN JESUS NAME" then prayer pero nakakapag taka na nagpupumiglas siya. Dahil nga masunurin at matalinong anak ay hindi naman siya ganoon kung seryoso na ako pero ibang iba ang anak ko at umiiyak habang nagwawala, binabangit niyang "AYAW KO SAYO! PANGET KA! DURAAN KITA" Then kinukuha niya kamay ko at parang kakagatin. So ng mga oras na yun alam kong may kakaiba na, oo. But hindi ako nagpadala sa takot! Nanalig ako sa panginoon, nanalangin habang nakayakap sa anak ko. Iyak siya ng iyak at kahit ako naiiyak na. Nakatulog siya pagkatapos magwawala at kakaiyak. Hiniga ko yung anak ko sa Sala namin after ng mangyare. Sakit sa puso bilang nanay
Di ko namamalayan na yung bunso ko e, pumasok ng kwarto dahil 2 taon e kahit pa siguro anong mangyare e wala lang sakanya. Kampante akong naglalaro siya, maya maya pa. KUMALABOG sa kwarto, napakalas sabay iyak ng anak ko at naka turo sa santong maria. Laki ng bukol sa noo ng anak ko. Sorry guys, but kinuha ko yunh santo at binasag sa likod bahay namin. Di ko alam bakit ako napasabi ng "P*tang in*mo demonyo". Pagkatapos magamot ang anak ko, inapoy ako ng lagnat.#Ctto
BINABASA MO ANG
Tagalog Horror Stories
HorrorKababalaghan, Katatakutan, Misteryo, Masamang Espirito, Demonyo Multo, Engkanto, Tiyanak. Handa na ba kayong matakot? Kaya nyo bang harapin ang takot nyo? Alamin natin yan sa librong 'to.