1

938 145 44
                                    



Fifteen years later...

Nakasimangot na sinundan niya ang kaniyang ama. Palagi na lang kasi siya nitong hindi pinapayagang lumabas kasama ng mga Scouts o 'yong mga kumukuha ng supplies nila.

"Sige na, please. Gusto kong sumama kayla Uncle Ark. Nakapag-training naman na ako kagaya ng iba! Bakit hindi ako puwedeng lumabas?!" parang batang nagmamaktol na sabi niya.

Hindi siya pinansin ng ama at dumiretso sa puwesto ng mga scouts upang tingnan kung handa na bang umalis ang mga ito. At siya, bilang isang makulit at matigas ang ulo na anak ni Seth, Lider ng HLG, ay hindi nagpatinag at itinuloy pa rin ang pangungulit sa kaniyang ama.

"Para saan pang nag-training ako kung ikukulong mo lang din ako sa kampo? Gusto kong makatulong, ama," pangungumbinsi niya rito.

Kagaya kanina, hindi pa rin siya nito pinansin hanggang sa tuluyan na itong nakalapit sa mga scouts. Nakita niya kaagad ang Uncle Ark niya.

Tumayo ang mga scouts sa pagkakaubo para magbigay galang sa lider nila. Agad na lumapit si Ark kay Seth at tila magkapatid na nagpapaalam na nagyakapan ang dalawa.

Naiintindihan niya naman kung bakit. Dahil kapag nasa labas ka na, wala ng katiyakang makakauwi ka pa ng ligtas o buhay. Marami na ang nawala at namatay sa grupo nila. Isang malaking sampal sa kanila tuwing nababawasan sila. Bawat isa kasi ay may nakatokang trabaho. At kapag naiiwan ang trabaho, hindi madaling nakakausad ang papalit dito.

Napalingon sa kaniya ang Uncle Ark niya at sinenyasang lumapit siya rito. Sumunod naman siya.

"Bakit nakasimangot ka, Margaret? Aalis na ang Uncle Ark at lahat, wala ka man lang pabaon na ngiti. Ni hindi mo pa ako niyayakap," biro nito sa kaniya.

Mabilis naman siyang yumakap dito. Kung tutuusin, mas naging malapit ang loob niya sa Uncle Ark niya kaysa sa sarili niyang ama. Hindi naman dahil masama itong ama sa kaniya. Mas naging mabuting lider nga lang talaga ito sa samahang HLG kaysa sa naging mabuting ama sa kaniya.

Ang Uncle Ark niya ang madalas na nandiyan para sa kaniya. Ang sumusuporta sa mga ginagawa niya. Naniniwala ito sa kakayanan niya. Ayaw pa nga siya noong payagang mag-train ng kaniyang ama, pero napilit lang ito ng Uncle Ark niya.

Inilalayo siya masyado ng kaniyang ama sa labas. Ayaw nitong nangingialam o nanghihimasok siya sa mga ginagawa ng mga scouts. Ang mga natutunan niya raw sa training ay para lang depensahan ang sarili niya. Hindi para ipasok sa gulo at alanganin ang sarili niya.

Minsan ay nakakaramdam na siya ng hinanakit sa ama pero pinipilit na lang niyang intindihin ang pinanggagalingan nito. Ikaw ba naman ang mamuno sa mga tao? Ang pilitang punan ang mga pangangailangan ng grupo. Ang protektahan at siguraduhing walang mapapahamak at magugutom sa kanila.

Mahirap nga namang magpaka-ama kapag maraming tao ang nakasandal sa'yo.

Pero kahit na. Bakit naman ang Uncle Ark niya ay nagagawang magpaka-ama sa kaniya.

Sa tingin niya ay dahil iyon sa nangyaring pagtakas noon. Wala na siyang maalala, pero naikuwento na sa kaniya noon ng Uncle Ark niya.

Marami raw ang namatay at nahuli sa grupo nila. At sa kasamaang palad, kabilang doon ang kaniyang ina.

Hindi niya alam kung saan. Kung kabilang ba ito sa mga namatay o nahuli ng mga militar. Pero halos gano'n lang din naman. Kapag nahuli ka, para ka na ring namatay.

"Uncle Ark, kumbinsihin mo nga si ama na sasama ako sa inyo," sabi niya rito.

Mahinang natawa ang Uncle Ark niya bago ginulo ang kaniyang buhok. "Kapag sinabi ng ama mo na hindi, hindi puwede, Margaret. Malay mo sa susunod, payagan ka na."

Ruined (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon