19

400 121 26
                                    



"...at si Dad ang nagmamay-ari no'n."

Saglit na hindi siya nakasagot sa sinabi ng kapatid niya. Hindi lang siya makapaniwala na nakapag-asawa ng gano'n kalaking tao sa bansa ang Mama niya.

At nakatira siya sa bahay ng mga ito. Kumakain sa iisang lamesa kasama ng mga ito.

Kunt tatanungin siya noon kung mararanasan ba niyang makasama ang isang importanteng tao sa lipunan, baka tumaas lang ang kilay niya. Bukod kasi sa imposible, hindi rin siya interesado.

Pero ngayong nangyayari na. Na nasa loob na siya ng Wall. Sa tingin niya ay mahalagang malaman kung sino ang mga nasa itaas.

Napatingin siya sa kapatid. Sa loob ng Wall ay kasali ito sa mga nasa itaas. Mga importanteng tao.

Pero kung titingnan, mukhang hindi naman ito masaya sa buhay na mayro'n ito ngayon. Parang may mali.

"Nakakatawa lang minsan, may mga taong gagawin ang lahat para sa kapangyarihan," sabi pa nito.

Napatango siya sa sinabi nito at muling ibinalik ang paningin sa kulay puting gusali ng RMC. Napakaganda at napakamoderno talaga ng pagkakagawa rito. Bukod sa mataas ito, kapansin-pansin din ang pagiging marangya nito.

Maayos at malinis tingnan ang gusali mula sa labas.

Sabay silang napalingon ni Athena sa marangyang itim na sasakyan na papasok na sa tahanan ng Presidente ng bansa. Kahit na medyo malayo ang puwesto nila ay maayos naman nilang napapanuod ang nangyayari.

Ang hindi magkandaugaga sa pagpila ng mga Militar. Ang pagbaba ng Presidente sa sasakyan. Ang pagpalibot dito ng mga bantay nito na tila handang sumalo ng bala para lamang maprotektahan ang Presidente nila.

At dahil may kalayuan, hindi na rin niya maaninag ang mukha nito. Pero kung pagbabasehan ang pangangatawan at tindig, madaling sabihing nasa taas na ito ng lipunan noon pa lang. Isang tao na hindi naranasan ang paghihirap kahit panandalian lang.

"Mondiego. President Mondiego," biglang sabi ng kapatid niya.

"Hindi ba niya hinahanap ang anak niya?" Tanong niya rito habang pinapanuod pa rin ang mga ito.

Kunot ang noo na napalingon siya sa kapatid nang marinig ang mahinang pagtawa nito. Kaunti na lang talaga ay iisipin niya nang may problema sa utak ang kapatid niya.

Kanina lang kasi ay nagsusungit, ngayon naman ay tumatawa dahil sa sinabi niya. Na kung tutuusin, wala namang nakakatawa.

"Ang mga nawawala lang ang hinahanap. Kuya Dylan escaped. Tumakas siya para makaalis dito," nakangising sabi nito.

Ang pagkakakunot ng noo niya ay unti-unting nawala. Bigla ay parang nabuhayan siya.

Nakatakas. Ibig sabihin ay may lugar sa loob ng Wall kung saan siya maaaring makalabas.

Hindi na niya namalayan na medyo nagsisimula na ring lumitaw ang ngiti niya.

Tumaas ang isang kilay ni Athena sa kaniya. "Kung ano man ang iniisip mo, itigil mo na. Masuwerte lang si Kuya Dylan dahil anak siya ng Presidente. Walang babaril sa kaniya kahit umakto siyang kakaiba dito sa loob ng Wall. At ikaw, walang pipigil sa kanila na barilin ka."

Pero sa kabila ng mga sinabi ng kapatid, hindi nabawasan ang pag-asa niya. Ngayon pa ba? Eh nabaril na rin naman siya. Ano ba'ng bago?

Pinilit niyang alisin ang kasiyahan sa mukha bago sumagot dito. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Wala naman akong iniisip."

Ruined (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon