27

369 119 6
                                    



Hindi nawala sa isipan niya ang iginuhit ng kapatid. Magdamag ay hindi siya nakatulog nang maayos hanggang sa tuluyan na ngang mag-umaga.

Mabigat sa pakiramdam. Gusto niyang makausap si Zach. Baka makumbinsi nito si Athena na sumama sa kanila. Tutal ay mas kilala ni Zach ang kapatid niya. Pero kilala rin niya ang kapatid. Sa maikling panahon na nakasama niya ito, alam niyang hindi iiwan ni Athena ang Mama nila.

Hindi ba't una pa lang ay hindi na ito sumama noon kay Zach?

Alam niyang gusto nang umalis ni Athena. Na gustong-gusto na nitong makalayo. Pero hindi nito magawa dahil hindi nito kayang iwan at pabayaan ang ina. Kung makukumbinsi lang sana nila ang Mama nila na umalis.

Na hindi sa loob ng Wall ang buhay na nararapat sa kanila. Na mas maganda at mas ligtas ang buhay sa labas.

Bumangon siya mula sa pagkakahiga. Umaga na. Ilang minuto na lang siguro ay ipapatawag na naman sila ni Fabio para sabay-sabay silang kumain. Akala siguro nito ay matatawag na silang pamilya kapag gano'n.

Agad siyang naghilamos para mawala ang antok sa sistema niya. Kitang-kita rin sa salamin ang pangingitim nang ilalim ng mga mata niya. Kung kailan malambot ang higaan, 'saka pa siya hindi nakakatulog nang maayos.

'Pag labas niya ng kuwarto ay nagulat pa siya nang makita si Athena na nakaupo sa kama niya habang nakasimangot. Hinihimas din nito ang noo.

Kunot ang noo na nilapitan niya ito at siya na mismo ang tumingin sa hinihimas nitong noo. Namumula iyon at mukhang bubukol din. Tila tinamaan ng kung anong matigas na bagay.

Umupo siya sa tabi nito habang tinitingnang maigi ang noo nito. Napangiwi pa ito bago siya tiningnan nang masama nang sundutin niya iyon. Mukhang masakit nga.

"Napa'no ka?" tanong niya rito.

Sumimangot ito at nag-ikot ng mga mata. "Bato."

"Bato?" pag-uulit niya.

Tumango-tango ito at may kinuha sa bulsa. Isang gusot na papel. Inabot 'yon ni Athena sa kaniya.

Tonight.

Hindi niya na kailangan pang itanong sa kapatid kung ano ang ibig sabihin no'n. Alam niya na.

Sandaling namayani ang katahimikan sa pagitan nila ni Athena. At sa bawat lumilipas na segundo, bumibigat lalo ang pakiramdam niya.

Dapat masaya na siya, 'di ba? Kasi iyon ang gusto niya simula pa lang. Pero hindi niya kayang maging lubusang masaya.

Huminga siya nang malalim at pinitik ang noo ng kapatid.

"Aray!" Sigaw nito bago tinapik ang kamay niya.

Binigyan niya ito ng isang maliit na ngiti. "Paano ka ba kasi nasaktan ng ganyan?" tanong niya rito.

Nag-inat ito ng kamay at paa bago bumalik sa ayos nito kanina. "Tinamaan ng bato. May bumato sa bintana ko. Doon nakalukot ang sulat, ako ang tinamaan. Buti na lang nakabukas, kung hindi, nabasag pa ang bintana."

Napatango-tango siya sa sinabi nito. Iniisip kung sino kaya ang bumato. Si Zach ba? O ang lalaki na iginuguhit ni Athena?

Hindi niya napigilang mapatitig sa kapatid. Mamayang gabi na sila tatakas at hindi niya alam kung makikita pa niya ito ulit.

"Sumama ka sa amin, Athena," sabi niya ulit dito kahit alam niya na ang magiging sagot nito.

Tinaasan siya nito ng kilay. "What? Masyado ka naman yatang na-obsess sa akin. Mas okay na nga 'to, masyado kang makulit. Kailangan ko ng kapayapaan."

Ruined (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon