8

428 132 9
                                    



Apat na araw. Saktong ika-apat na araw at tapos na ang pag-aalala nila sa mga kasamahang nasa labas. Tapos na ang pag-iisip sa kalagayan ng mga ito. Tapos na ang maya't mayang paghiling at pagdarasal na sana makauwi ang mga ito ng ligtas.

Kaya lang ay may problema.

Oo nga, nakauwi ang mga ito ng kumpleto. Ang mga bag na dala ng bawat scouts ay may mga laman. May bitbit pa ngang ibang gamit ang ilan. Kung tutuusin, isa sa mga matagumpay na pangunguha ng supplies ang lakad ng mga ito---

Kung hindi lang parang mga hayop na nag-aangilan sina Zach at Rex.

Kahit ano pa ang awat ng ibang mg tao ay patuloy pa rin sa palitan ng maaanghang na salita ang dalawa. Halatang may nangyari sa labas na hindi pinagkasunduan ng dalawa.

Nang akmang aamba ng suntok si Rex ay humarang ang isa pang scout. Kung tinamaan no'n si Zach, malamang na dugo ang mukha nito.

Kanina, pagpasok pa lang ng mga ito sa kampo, ang galit na boses kaagad ni Rex ang narinig nila. Sumisigaw ito habang idinuduro ang mukhang napupuno na rin na si Zach. Mukhang malapit na rin itong mapuno kay Rex.

Susuntok pa sana ulit si Rex nang mahawakan ito ng isa sa mga kuya ni Rose. Galit na bahagyang itinulak ito ni Erik. Mas matanda ito 'di-hamak kay Rex. Mas malaki rin ang katawan.

Hindi niya na kayang isipin ang mangyayari kapag napuno na ito kay Rex. Baka ilang buto ni Rex ang mabali.

Medyo may kayabangan din kasi si Rex. Kaya kailangang sindakin kung minsan.

"Tumigil ka na, Rex," nagbabantang sabi nito.

Galit na pinukol ng tingin ni Rex si Zach na nananahimik pa rin. Pero masama na rin ang tingin nito kay Rex.

Napabuga siya ng hangin. Buti na lang at hindi umabot sa gulo ang away ng mga ito.

Napatingin siya kay Zach. Hindi niya tuloy mapigilang isipin kung ano ba ang nangyari. Kilala rin kasi ito bilang malakas mang-asar.

"Bitiwan mo nga ako! Bakit hindi 'yang bobo na Zach na 'yan ang hawakan niyo!" Sigaw ni Rex dahil hinawakan ito ng isa pa sa mga scout.

Napatingin sila sa direksyon nila Rex. Galit na galit na talaga ito.

Mas diniinan nang scout ang pagkakahawak kay Rex. "Tumigil ka na," banta nito.

Sasagot pa sana si Rex pero biglang dumating na ang kaniyang ama. Kunot na ang noo nito. Mukhang malayo pa lang ay alam na nitong may nangyayari nang kaguluhan.

"Bitiwan mo nga ako!" galit na sabi ni Rex at binawi ang braso sa isang scout. Hinayaan na ito.

Sinamaan ng tingin ni Rex si Zach, gano'n din ang ginawa ni Zach dito.

"Ano'ng nangyayari dito?" kunot ang noo na tanong ni Seth nang makalapit.

Hinarap kaagad ni Rex ang kaniyang ama. Magsisinungaling siya kung sasabihin niyang hindi siya interesadong malaman kung ano ang nangyari.

Kasi gusto niyang malaman.

"Itong lalaking 'to..." Sabay turo sa direksyon ni Zach, "ay pinakawalan ang na-hunt kong pagkain!" galit na sabi nito.

Lalong kumunot ang noo ng kaniyang ama na napatingin sa direksyon ni Zach. Kahit siya ay napakunot ang noo.

Bakit papakawalan ni Zach ang na-hunt ni Rex? Kaya naman pala galit na galit ito. May karapatan talaga itong magalit.

Ruined (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon