20

368 122 11
                                    



"I am so dead. Lagot ako kay Dad," bulong ulit ni Athena sa tabi niya.

Magkatabing nakaupo sila sa isang mahabang upuan sa loob ng Head Quarters ng mga Militar. May apat na Militar na nasa loob na tila nagbabantay sa kanila. Kilala ng mga ito ang kapatid niya. Marahil ay dahil sa katayuan nito sa loob ng Wall. Napapansin din niya ang tila nananaliksik na mga tingin nito sa kaniya. Na para bang iniisip kung ano ang kaugnayan ni Athena sa kaniya. O kung sino siya.

Ang Mama nila ang pinatawaagan nila sa Militar na nakahuli sa kanila. At sinabi ng kapatid niya na magdasal na siya na 'wag umabot ito kay Fabio. Dahil siguradong lagot sila.

Dahil ayaw na ayaw pa naman daw ni Fabio na nakakaladkad ang pangalan nito sa kahihiyan.

"Kasalanan mong lahat 'to eh!" Umiirap pang sabi nito.

Napabuga na lang siya ng hangin at hindi ito pinansin. Paanong kasalanan niya? Sinabi ba niyang sundan siya nito? Hindi naman ah.

"Pero kung hindi ka niya sinundan, malamang na may tama na rin ng bala ang ulo mo," Bulong din ng konsensya niya.

Sabay silang napalingon sa kakapasok pa lang sa kuwarto na si Ark. Kunot ang noo nito nang madako ang paningin sa kaniya. Iniwasan niya ito ng tingin.

"Looks like you're dead too," komento ng kapatid niya.

Sa pagkakataong 'yon ay siya naman ang napairap dito. Wala na siyang kaugnayan kay Ark. Pilit nga niyang iniiwasan ito sa loob ng Wall.

Tumayo ang mga Militar sa loob at sumaludo sa Commander nila.

"Ano'ng problema rito?" tanong ni Ark sa ilang Militar sa loob.

"Curfew, Sir. Hinihintay na lang namin ang magsusundo sa kanila," sagot ng isa.

Tumango si Ark sa kausap bago naiiling na hinarap siya. Marahil naisip na nito ang totoong dahilan kung bakit nasa labas siya. Pero ano pa nga ba'ng nakakapagtaka, 'di ba? Wala namang dahilan para mas magtagal pa siya sa loob.

Nasa labas ang Pamilya niya.

Biglang napalingon siya kay Athena. Nakayuko na ito at tila may malalim na iniisip. Mukhang malayo na nga ang tinatakbo ng utak nito. Hiling lang niya ay hindi lalaki ang gumugulo rito. Masyado pa itong bata para ro'n.

Napakunot ang noo niya sa isipin. Hindi ba't kakasabi lang niya sa sarili na nasa labas ang pamilya niya? Bakit pati ang buhay ni Athena ay masyado niyang iniisip?

Nakapikit na ito at isinandal ang ulo sa pader. Huminga nang malalim pero nanatiling tahimik.

Kahit hindi sila lumaking magkasama, kahit madalas na mas masarap itong batukan dahil sa ugali nito, hindi ba't kapatid niya pa rin naman ito?

"Puwede bang 'wag mo akong tingnan." Sabi nito na dumilat panandalian at inirapan pa siya.

Isa sa mga araw na 'to ay baka mabatukan na talaga niya ang kapatid. Makakatikim na talaga ang bastos na batang 'to sa kaniya.

Napalingon siya sa Uncle Ark niya nang mapansing kinakausap na nito ang mga Militar.

"Sige na. Ako na ang bahalang magbantay sa kanila rito hanggang sunduin sila," sabi nito.

Nagsalitan saglit ng tingin ang mga Militar. Napatingin din ito sa kanila.

"Paano ang anak ni Mr. Lorenzano?" tanong ng isa.

"Ako na nga ang bahala."

Tumango na lamang ang mga ito at iniwan na sila. Naging mas tahimik na ang silid. Bumalik sa pagsandal sa pader si Athena habang nakapikit at siya naman ay nanatiling hindi umiimik.

Ruined (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon