11

443 132 9
                                    



Sa paglabas nila sa Zach sa kampo, may mga ilang bagay siyang nalaman at natutunan mula rito.

May mga ilang sinabi si Zach tungkol sa sarili. Kagaya na nga lang nang tungkol kay Zeus. Ang aso nito.

Kasama pala ito ni Zach noon sa labas. Nagmistulang bantay at kaibigan niya si Zeus. Ayos naman sila, kung hindi lang nito kinailangang takasan ang bandidong nakasalubong.

Kagaya ni Rex, ang habol din nito ay ang aso. Na kinailangang patakasin din ni Zach. Na kahit mahirap para rito ang malayo sa itinuring nang kaibigan na aso, mas naisip ni Zach na mas may tsansa itong mabuhay kung makakalayo.

At isa sa pa sa mga nalaman niya na nakapagpatindig ng balahibo niya, no'ng malamang muntik ng kainin si Zach no'ng bandido.

No'ng una ay ayaw pa niyang maniwala. Akala niya ay tinatakot lang siya nito. Hanggang sa ipakita nito ang isang tila marka ng kagat sa kanang braso nito.

Hindi siya makapaniwala nang sinabi 'yon ni Zach. Na kakainin ng tao ang kapwa tao. Pero kagaya rin nga ng sabi nito, hindi niya alam ang pakiramdam nang sobrang nagugutom.

'Yong hindi na siya makakapag-isip nang maayos dahil ang pagkalam na lang ng sikmura ang nararamdaman niya. Ang pagkauhaw.

Ang kagustuhang malagyan ng laman ang tiyan para madagdagan at pahabain ng isa pang araw ang buhay.

Tama si Zach. Hindi niya alam ang pakiramdam nang walang laman ang sikmura.

Pero kahit pa. Hindi niya pa rin masikmura ang impormasyon na 'yon.

Ano na ba ang nangyayari sa mga tao?

Nagpapatayan para sa kapiranggot na laman.

"Kapag nagutom ka na nang sobra, Margaret, lahat nang may buhay ay laman tiyan sa paningin mo."

Hindi nawala sa isip niya ang sinabing 'yon ni Zach. Alam niyang hindi maganda ang dinanas ni Zach sa labas kung ang pagbabatayan ay ang kalunos-lunos na sitwasyon nito nang nakita ito ng mga scouts sa labas.

"Buti pa ang mga tao sa loob ng Wall. Wala silang problema sa pagkain," mahinang sabi niya.

Naalala niya kung paanong tumigas ang itsura ni Zach dahil sa sinabi niya.

"At sa tingin mo ay hindi ginagawa nang nasa loob ng Wall ang lahat para hindi sila magutom? Mas masahol sa loob, Margaret. Mas hindi kakayanin ng sikmura mo."

At ang mga sinabing 'yon mismo ni Zach ang gumulo nang husto sa isipan niya.

Hindi siya tanga. Isa lang ang patutunguhan ng mga sinabi nito.

Nakapasok na si Zach sa loob ng Wall.

At may mga nakita at nalaman ito. Baka alam din ng ama niya. Baka alam na rin ng Uncle Ark niya.

Baka naghihintay lang ito sa mga sasabihin ni Zach. Sa mga handa ng sabihin ni Zach.

Dalawang araw na ang lumipas simula no'ng lumabas sila sa kampo ni Zach. Hindi pa nasusundan ang paglabas na 'yon.

Sinabi kasi ni Zach na magiging kahina-hinala kung madalas siyang mawawala. Lalo na at maya't maya siyang hinahanap ng kaniyang ama.

Napangiti siya bigla ng maalalang may bayabas pa siya sa tent niya. Ang malaking puno pala ay ang bayabas.

Ilan lang ang mga bunga no'n, pero binigyan siya ni Zach ng tatlo. Palihim din kasi nitong binibigyan ang matandang si Julius. Para man lang daw sumaya ito.

Ruined (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon