PART TWO: Pasilip

378 120 5
                                    


Inside The Wall

---


Napadilat siya ng mga mata nang maramdamang huminto na sa pag-andar ang sasakyang sinasakyan nila. Ilang saglit pa ay narinig niya ang tila pagbukas ng isang gate bago muling nagpatuloy sa pag-andar ang sasakyan. Huminto rin ito kaagad at narinig muli niya ang pagsara ng gate.

Mukhang nasa loob na sila ng Wall.

Ang ipinagtataka niya lang ay kung bakit sa likod sila dumaan. Hindi sila sa harapan pumasok.

Marahang inalalayan siya ni Ark sa pag-upo nang maayos. Masakit pa rin ang sugat niya kung saan siya nabaril. Kahit pa nabigyan na siya ng paunang paglunas nito. Ang sabi pa nga nito ay baka abutin ng ilang araw o linggo bago siya ulit makalakad o makatakbo nang maayos at walang iniindang sakita.

Tatlong kalampag sa sasakyan at isa-isa nang bumaba ang laman ng mga nasasakyan. Mga unipormadong Militar.

Maingat na tinulungan siya ng Uncle Ark niya na makababa sa sasakyan. Ang una kaagad na napansin niya ay ang ilan pang mga sasakyan na katulad nang sasakyan na sinakyan niya.

Maraming mga Militar sa paligid. Ang iba ay bumababa pa lang din sa mga sasakyan. At ang iba ay nagbababa ng mga gamit... at tao.

Nakita niya kaagad ang mga bihag na sasagipin sana sila na marahas na hinihila ng mga Militar pababa sa sasakyan. Ang mga pagpalag at pagsigaw ng mga ito ay rinig na rinig niya.

Kaya siguro sa likod sila idinaan. Para hindi magkagulo ang mga tao sa loob ng Wall. Dahil base sa nakikita niya, malayo ang mga tao sa kinalalagyan nila ngayon.

Bigla ay tila natuyo ang lalamunan niya nang makita ang nanlalaban na si Rose. Nakita pa niya kung paanong ihinagis ito sa sahig ng mukhang naiinis nang Militar.

Lalapit na sana siya upang tulungan ito ngunit pinigilan kaagad siya ni Ark. Seryoso ang mukha na umiling ito sa kaniya.

Madiin na naikuyom niya ang kamay.

"'Wag kang gumawa ng bagay na siguradong pagsisisihan mo sa huli, Margaret," seryosong sabi nito.

Mapaklang napangisi siya rito. "Ikaw ba? Hindi ka man lang ba nagsisisi sa ginawa mo?"

"Nailigtas kita. 'Yon ang mahalaga sa akin."

Gusto niyang matawa. Hindi ba't dapat ay maging masaya siya dahil iniligtas siya nito. Gumawa ito ng paraan para mabuhay siya.

Pero hindi niya magawang magpasalamat. Hindi niya kayang maging masaya.

Dahil kahit ilang beses pang sabihin ng Uncle Ark niya na mahal siya nito at itinuturing na siya nitong parang anak. At kahit iniligtas siya nito sa paghihirap at kamatayan, hindi no'n mababago ang katotohanang tinalikuran sila nito.

Trinaydor.

Ipinagkanulo.

At mas masahol pa sa kamatayan ang ginawa nito sa kanila. Dahil malaki ang tiwala nilang lahat dito.

Siguro nga totoong lumalabas ang tunay na pagkatao ng isang tao kapag nasa bingit na siya ng kamatayan. At kahit ilang beses pang ikatuwiran ng Uncle Ark niya na ginawa nito ang lang bagay para mailigtas siya, isa lang ang nakikita niya.

Handang gawin nito ang lahat basta mabuhay lang.

Nakagat niya ang ibabang bahagi ng labi nang makitang dinadala na ng mga Militar ang mga bihag. At wala man lang siyang magawa.

Ruined (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon