23

357 117 1
                                    



Napabalikwas siya ng bangon nang biglang pumasok si Athena sa kuwarto niya. Pagkasilip niya sa orasan sa ibabaw ng pinto sa silid niya ay alas nueve na pala ng umaga. At base sa itsura ni Athena, mukhang hindi pa ito nakakapagpahinga magmula nang dumating galing sa bahay ng Presidente.

Ni hindi man lang siya nagising nang umuwi ang mga ito. Marahil ay dahil anong oras na rin siya nakatulog. Kasalanan 'yon ni Zach.

Babatiin niya sana nang magandang umaga ang kapatid kaso mukhang hindi maganda ang timpla nito. Kung ang masamang tingin nito sa kaniya ang indikasyon. At pati na rin sa madiin na pagkakahawak nito sa bitbit nitong bagay.

"Bakit ganyan kang makatingin? Ano'ng ginawa ko?" nagtatakang tanong niya.

Sumilip ito saglit sa labas ng kuwarto niya para tingnan kung may ibang tao sa paligid bago isinara ang pinto at ini-lock.

"Muntik mo na namang patayin ang sarili mo! 'Di ba at sinabi ko na sa'yong tutulungan kita? Bakit ba kilos ka nang kilos mag-isa?!"

Kumunot ang noo niya. Iniisip kung ano ang tinutukoy ng kapatid bago maalala ang ginawa niya. Nilibot niya ang bahay at nagnakaw ng kutsilyo at baril.

Pero paanong nalaman ni Athena? Mag-isa lang naman siya.

"P-Paano mong nalaman?" kinakabahang tanong niya. Paanong hindi siya kakabahan? Kung nalaman ng kapatid niya, malamang ay malaman din ni Fabio.

Napailing ito sa kaniya. "Dahil sa ginawa mo, mas kailangan nating bilisan ang pagtakas mo. Hindi ka nag-iisip." Naiiling na sabi nito.

Nakagat niya ang labi niya. Mukhang malaking problema ang ginawa niya. "Paano mo nalaman?"

Umikot ang mga mata nito sa kaniya bago inilapag sa kama niya ang bagay na hawak nito. Napakunot ang noo niya nang buklatin ni Athena 'yon.

"Laptop ang tawag diyan. Ewan ko ba kung paano n'yo kinaya na wala kayong technology noon sa kampo n'yo," sabi nito.

Hindi na lang siya umimik at pinanuod ang ginagawa ng kapatid. Kung ano-ano ang ginawa nito hanggang sa ihinarap nito ang bagay na 'yon sa kaniya.

May pinindot ang kapatid niya at halos manlaki ang mga mata niya nang mapanuod ang sarili. Kitang-kita kung ano ang mga ginawa niya. Ang pagkuha niya ng pagkain. Pagnanakaw ng kutsilyo sa kusina, pati na rin ng baril ni Fabio.

Halos manlamig ang katawan niya. Kaya ba komportable si Fabio na iwanan siyang mag-isa sa bahay nito? Dahil may mga mata ito sa loob?

"Hindi na ako nagugulat na wala kang alam tungkol sa security cameras. Pero sana man lang hindi ka kumilos mag-isa. Sabi ko na nga ba at may gagawin kang kakaiba. Buti na lang at naunahan ko si Dad sa footages," sabi ni Athena sa kaniya.

Hindi niya naintindihan ang ilan sa mga sinabi nito, pero mukhang ang ibig sabihin ng kapatid niya ay ligtas siya sa ngayon. Sana. Kasi sayang ang mga pinagpaguran niya kung biglang sugurin siya ni Fabio at barilin gamit ang isa sa malalaki at mahahabang baril nito.

"Ano ba'ng nangyayari?" tanong niya.

Napabuga ito ng hangin bago nagsalita. "Sa ngayon ay hindi muna mapapanuod ni Dad ang videos mo. I hacked the system. At para makasiguro, nag-send ako ng virus. Pero ilang araw lang ang itatagal no'n. Dad will obviously hire someone para ayusin ang problema. At mapapanuod niya ang video. Kapag nangyari 'yon, kailangan wala ka na rito. Dapat ay nakatakas ka na."

Natigilan siya sa sinabi nito. Pinaikli niya ang panahon para makapagplano sila nang maayos. Kung hinintay niya na lang sana si Athena bago kumilos. Hindi sana aabot sa ganito ang problema niya.

Ruined (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon