Like always, maaga akong nagising para magluto. Pagkatapos magluto, nagpahinga ng konti at naligo na rin. Buti na lang at walang pasok sa first and second subject namin. As for the five transferees, wala pang text galing sa kanila. Naghihintay siguro sila sa text ko. Matext na lang nga sila.
"Ellaine! May naghahanap sa'yo sa labas. English speaking! Ikaw na bahala sa kanila!" Sigaw ni tiyang mula sa labas.
"Opo!" Sagot ko na lang.
Sino na naman kaya 'yan? Wala naman akong kaibigan sa school na english speaking. Wala nga rin akong matatawag na kaibigan sa school, eh. Nagmadali na lang ako sa pagbibihis para makita kung sino man 'yan silang naghahanap sa 'kin.
May nakita akong isang Hammer na sasakyan. Wow! Ang yaman naman ng naghahanap sa 'kin? Long lost relatives, ikaw ba 'yan? Lumabas na lang ako at nilapitan ang sasakyan. Nagulat na lang ako ng may biglang yumakap sa 'kin. Nanlaki pa nga mga mata ko, eh. Isang malaking question mark ang nasa-utak ko ngayon. Who the heck would hug me like this?
"Ah, sino ka? Bakit mo ako niyakap?" Tanong ko na lang.
Humagikgik lang 'yong yumakap sa 'kin at bumitaw na sa pagkakayakap sa 'kin. At may mga tumawa naman sa likod ko.
"Oh, you. You forgot. I'm Rebecca. Remember hun? The transferee." Sagot ni Rebecca.
Nag-form na lang ng 'O' ang bibig ko at napakamot sa ulo. Hehe! An awkward smile was plastered on my face. At sa tingin ko, sobrang pula ko na. Natawa nga sila Greg at Jake. Habang si Paul naman naka-smile lang. Si Luke naman parang ewan pa rin. Parang constipated pa rin.
"You're so cute when you blush. Hehe." Komento ni Rebecca.
"Yeah. Right. What are you doing here? I was about to ah, text the five of you na sa school na lang tayo magkita." Tanong ko sa kanila.
"We, well, Becca decided that she wanted to pick you up here at your home. It's a good thing your address isn't hard to find." Sagot ni Greg.
"Yeah! I wanted to surprise you. It was a struggle to make Luke come with us but he can't say no to me. So, here we are. Are you ready?" Dagdag naman ni Rebecca.
"Ahh, yeah. Almost. Let me get my things and we can go to school." Sagot ko sa kanila.
Dali-dali naman akong pumunta sa loob para kunin ang baon ko at bag ko. Nagpaalam na ako kay tiyang at lumabas na ng bahay. Huminto naman ako midway patungo sa saksakyan nila Rebecca. Wala kasi sila dun. Nagtaka naman ako kasi nga hindi nila alam ang lugar na 'to. I was a bit worried for them baka kasi pagtripan sila ng mga tambay, eh.
Pero nung nakita ko sila sa karenderya ni tiyang, nakahinga ako ng maluwag. Pinuntahan ko sila doon para tawagin na. Nung nakita ako ni Rebecca bigla na lang niya akong niyakap. Okay, what's with her and hugs? It's a bit annoying now.
"Oh, you're here. We despirately need you. We have a list of dishes on our hands that we need to taste. And we need someone who knows what they look like." Sabi ni Rebecca.
Tinignan ko naman sila Greg for confirmation at tumango lang sila sa 'kin. Binigay naman ni Rebecca ang isang kapirasong papel at tinignan ko. Wow! Ang dami naman ng mga pagkain na 'to. Siguro seryoso 'yong mga magulang nila na e-explore talaga ang pagkapilipino nila. Balita ko kasi they have Filipino blood pero hindi na ganun nakikita sa kanila kasi natabunan na.
"So, can you help us?" Tanong ni Rebecca sa 'kin.
"Okay. I can help you. But is this really the time to find these dishes? I mean, we need to go to school and all." Sabi ko sa kanila.
"Just answer a yes or no." Reklamo ni Luke.
Parang ang sama ng tipla ng lalaking 'to ah. Tinaas ko lang ang kilay ko sa kanya at hindi siya sinagot. Ngumiti naman ako kay Rebecca at tumango. Halos tumalon naman sa saya si Rebecca at umupo na sa isa sa mga bakanteng mesa. Nilagay ko na ang mga gamit ko doon at nagsimula nang kunin ang mga pagkain na nasa listahan nila.
BINABASA MO ANG
Our Twisted Fate
Loup-garouA typical girl trying to get through high school without being bullied at. She's a nobody from the class but an excellent student. No one wants to be her friend and it doesn't bother her. She's happy being alone. She's happy being left alone. Until...