Chapter Six

406 26 12
                                    

Tinatawagan ko na lang si tiyang na kena Becca ako kakain ngayon. Pumayag naman si tiyang pero dapat 10pm andun na ako sa bahay. Tuwang-tuwa naman si Becca dahil dun. Pagdating namin sa mansyon nila, agad akong hinila ni Becca papunta sa kwarto niya para ayusin. Formal dinner daw kasi kaya kelangan naming mag-ayos. Buti na lang daw marami siyang dala na mga pang-formal attire. Sobrang excited nga niya dahil maayusan na naman daw niya ako.

"I will just do a little bit of makeup on you. You look beautiful without makeup anyway." Sabi niya sa 'kin.

Tumango lang ako sa kanya. Namimili naman kaming dalawa ng susuotin namin ngayon sa walk in closet niya na mas malaki pa sa kwarto ko. Akala ko nga iilang damit lang ang dala niya kasi 'yon naman talaga ang sabi niya. Pero nung nakita ko ang iilan niya, halos buong rack puro dresses. Hindi ko alam kung ano ang konti sa paningin ng babaeng 'to.

"So, I'll be wearing this. Ikaw?" Siya.

"Hindi ko pa alam. Hanap muna ako."

"Okay."

Sa rami ba naman nito, tiyak na makakakita din ako. Hindi ko type ang pink kaya pass ako d'yan. Ayoko din ng green. Dun ako napadpad sa mga kulay blue na damit. May navy blue na med'yo elegante na masyado. 'Yong iba naman hindi ko nagustuhan. Pero something caught my attention. Pastel blue siya. Simple pero napakagandang tignan. Tinry kong suotin at nagkasya naman sa 'kin. Tignan ko ang repleksyon ko sa salamin. Napangiti na lang ako. This is what I'm wearing tonight. Hindi ko naman namalayan na nasa likod ko pala si Becca.

"Wow! You look like a goddess. Oh, my! I can't wait for the boys to see you. Haha!" Sabi na lang niya.

Namula naman ako. Wow! Goddess talaga? Hindi pa nga ako nangangalahati sa ganda niya, eh. But it's good to hear na maganda rin pala ako sa paningin ng iba. I hope Luke will love my outfit for the night.

*

Nakakahiya sa kanila kasi parang ako lang ang hindi bagay sa loob ng bahay na 'to. Lalo na nung nakita ko na ang ina ni Luke. She is the goddess, not me. Parang nanliit nga ako sa sarili ko. Wala pa lang ako sa kalingkingan ng mama ni Luke. She has flawless fair skin na lahat ng babae ay pinapangarap. Thin fine lips that is to die for. Pinkish skin and cheeks. Sa sobrang ganda niya kahit ano ang suotin niya, bagay na bagay sa kanya. Kahit nga siguro basahan kaya niyang gawing elegante. Malalaman mo talaga na galing siya sa marangyang pamilya dahil ang hinhin gumalaw nito. Kung ngumiti ay pahinhin rin.

"Ellie, dear. Are you not enjoying the food you eat?" Tanong ni Ma'am Holly sa 'kin.

"Ah, no ma'am. It's delicious." Pormal na sagot ko sa kanya.

"Oh, dearie. You are too formal. Just call me aunt Holly. Okay? Eat more. I'm sure Luke would say the same." Sabi niya sa 'kin ng nakangiti.

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Tinignan ko naman si Luke na kaharap ko sa mesa. Nasa kabilang side kasi siya ng table. Nasa gitna kasi si ma'am este aunt Holly. At sa right side of the table si Luke, Greg, Paul at Jake. Kami naman ni Becca sa left side ng table. Masyadong pormal ang mga kobyertos kaya med'yo nahihirapan ako kung ano ang gagamitin. Buti na lang tinuturuan ako ni Becca.

Nung natapos kami sa pagkain, lumipat naman kami sa may swimming pool na may billiard table. Dun na nagdala ng beer ang mga lalaki. Nagtanggal na ng sapatos si Becca at naupo ng naka-indian seat sa sofa. Nagtatanggal na rin ng necktie ang mga lalaki at hinubad na ang mga jacket nila. Tinutupi na rin ang mga polo nila hanggang siko. Nagtaka naman ako kasi sa pagkakaalam ko formal gathering 'to. Ngumiti naman sa kin si Becca at tinignan ang mga boys. Lumapit naman sa 'kin si Luke at hinalikan ako sa labi. Nagulat naman ako dun at tinignan sila Becca at ang iba. At alam kong namumula na ako ngayon sa hiya.

Our Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon