Ang ganda ng umaga. It's raining and gloomy. I like it! It's more my mood. Like all the time.
"Ellaine! Bumangon ka na d'yan! Hindi kita pinapakain para lang mag-buhay prinsesa!" Sigaw ng butihin kong tiyahin.
"Oo na ho. And'yan na!" Sigaw ko pabalik.
Agad-agad na akong bumaba para tulungan ang tiyahin ko sa pagluluto ng mga pagkain para sa kanyang karenderya. At oo, isa akong cook dito.
Nagsimula na akong magbalat ng dapat balatan. Hiwain ang mga dapat hiwain at magluto ng mga dapat lutuin. Sabi ko naman kasi sa inyo, isa akong cook dito. Mga iilang putahi rin ang niluluto ko bago ako makapasok sa paaralan. Batugan kasi 'yong asawa at anak ng tiyahin ko kaya ako na ang gumagawa ng dapat ginagawa nila. Nasanay na rin ako sa ganito kaya wala nang reklamo.
"Pagkatapos mo d'yan. Kunin mo 'yong baon mong pera sa alam mo na. Kuha ka na rin ng kanin at ulam d'yan." Sabi ng tiyahin ko habang nagliligpit ng mga ginamit ko sa pagluluto.
Tumango lang ako at bumalik na sa pagluluto. Hindi ko alam pero mas pinagkakatiwalaan pa ako ni tiyang sa pera kesa sa anak niya at asawa niya. Haha! Galit nga sa 'kin 'yong pinsan kong 'yon. Pati asawa niya trip na rin akong alilain dahil lang dun. Pero keri lang. Bahala sila sa buhay nila. Alam naman kasi ni tiyang na sugapa ang mga 'yon sa sugal kaya hindi niya sinasabi kung nasaan ang pera nakatago. Buti nga sa kanila.
Hay, natapos na rin sa pagluluto. Agad na rin akong nag-ayos ng mga dadalhin ko sa eskwelahan. Nagpahinga ng konti at naligo na rin. Kumuha na ako ng pera sa wallet ni tiyang. Tama lang na makabili ako ng patawid uhaw at pamasahe at sa mga may biglaang bayarin. Kumuha na rin ako ng babaoning pagkain para pang lunch ko.
"Tiyang! Alis na ako. Magtetext ako sa'yo mamaya kung may mga gagawin kami sa eakwelahan mamaya or wala." Sigaw ko nalang sa tiyahin ko.
Tumango lang siya bilang sagot sa 'kin. At 'yon, umalis na ako. Sumakay ng jeep papuntang school.
*
"Elle! Tawag ka ni Miss Fabrias." Sabi sa 'kin ni Niño.
"Ha? Bakit daw?" Tanong ko naman sa kanya.
Nagkibit-balikat lang siya at umupo na sa upuan niya. Ano na naman kaya ang kelangan ni Miss ngayon? Hindi ko rin kasi maintindihan ang babaeng 'yon eh. Palagi ba naman akong tatawagin pero wala namang kahit anong pinapagawa sa 'kin. Andun lang ako sa likod niya nakatunganga for a minute or two. Pagkatapos nun pinapaalis na niya ako. Iba din ang trip ng babaeng 'to, eh.
"Ma'am, tawag niyo daw po ako?" Tanong ko sa kanya.
"Ah, oo. Dalhin mo 'to sa admin. Sabihin mo, i-check 'tong mga files ng mga bagong lipat na students. Kulang kasi. I need to know everything about them. After that, you may go to your class." Sagot niya ng hindi ako tinitignan.
"Okay po." Sabi ko na lang pagkakuha ko sa mga folders.
So, may bagong lipat pala. Siguro marami-rami din sila kasi med'yo mabigat ang mga 'to. Hays! Ito ang hirap basta scholar ka sa isang paaralan. Ikaw palagi ang inuutusan ng mga teachers at ibang pang mga nasa-faculty. Buti na lang talaga hindi mahihirap na utos ang inuutos nila sa 'kin.
Pagkatapos kong dalhin lahat ng folders sa admin, dumiretso na ako sa classroom ko. Pagbalik ko dun, wala pa rin si Sir Trias. Palaging late na naman 'yang teacher na 'yan. Hindi ko alam kung bakit. May mga bagong mukha din akong nakita sa loob pero deadma na lang kasi wala naman akong kilala talaga sa clasaroom. Mas prefer ko na ako lang mag-isa. Less drama pa.
"Hoohhh! Sorry, I'm late again. Good morning and settle down people!" Bati sa 'min ni Sir Trias. "So, I have a list here of the new tranaferees. Tatawagin ko sila so they can introduce themeselves to us. Mr. Bermudez, Mr. Smith, Ms. Williams, Mr. Weatherly and Mr. Peterson. Please do introduce yourselves."
BINABASA MO ANG
Our Twisted Fate
WerewolfA typical girl trying to get through high school without being bullied at. She's a nobody from the class but an excellent student. No one wants to be her friend and it doesn't bother her. She's happy being alone. She's happy being left alone. Until...