Chapter 17

209 8 2
                                    

Nung nakauwi na kami nakita kong nakaupo si Luke sa may lamesa. Nung nakita niya ako, tumayo siya bigla at niyakap ako. Tinignan ko si Gertrude pero ngumiti lang siya sa kin at pumunta sa tabi ni Greg. Niyakap ko na lang din siya. Naramdaman kong nanginginig ang mga balikat niya. Umiiyak siya. Kumawala ako sa pagkakayakap niya at tinignan siya.

"Why are you crying, Luke? What happened?" Tanong ko sa kanya.

"Nothing. Don't mind me crying. I am just happy that you're safe." Sagot niya sa kin.

Niyakap niya ulit ako at ngumiti na lang ako. Pumunta naman kami sa may lamesa dahil may ipapakita ako kay Gertrude. Dumating na rin sina tiyang at tita Marley na kitang-kita ang pag-aalala sa mga mukha. Nung nakita nila ako ay med'yo nag iba na ang mga awra nito. Kinumusta nila ako at ang rami pang tanong. Sinigurado ko naman sa kanila na okay lang ako.

Kinapa ko ang bulsa ko at naramdaman kong may laman ito. Kinuha ko iyon at naalala na kelangan ko palang ipakita iyon kay Gertrude. Hindi ko pa nga naipapakita sa kanya ay nanlaki na ang mga mata nito. Maging si tita ay nag-iba din ang ekspresyob ng mukha.

"What really happened back there?" Tanong ni Gertrude sa kin.

"I-I wws know. Gusto ko lang tulungan sina Luke kanina. Labas ako sa sasakyan. Nung lumabas lang ako pero bigla na lang humandusay yong mga kalaban nila Luke. May usok na lumabas sa mga katawan nila at naging isang itim na bola. Hinawakan ko yon at naging ganito." Sabi ko sa kanila.

Ipinakita ko sa kanila ang isang maliit na itim na bola. Nagkatinginan sina tita at Gertrude. Nanlaki ang mga mata niya. Tinignan niya si Tita at tumingin sa kin. Kinakabahan ako sa mga naging ekspresyon nila. Hindi ko alam pero hindi maganda ang sasabihin nila sa kin.

"This is why I hate my job!" Sigaw ni Gertrude. "You are not going to leave this house. Not until you give yourself to your mate. F*ck this job!"

Bigla na lang nag-walkout si Gertrude na sinundan naman ni Greg.

"Woah! Calm down, Gert. As for you, wag ka na munang umalis sa bahay na to. Please." Sabi ni tita sa kin.

Sinundan ni tita si Gertrude at umalis na rin. Nagkatinginan naman kami ni Luke at biglang namula ito. Nagtataka nga ako kung bakit siya namumula. Pero nung na-gets ko ang sinabi ni Gertrude, parang nahiya ako at bigla na lang uminit ang mga pesnge ko.

"Ahh, Ellie. Don't mind what Gertrude said." Sabi ni Luke.

"O-Okay." Sagot ko na lang.

*

Paakyat na kami ni Luke sa kwarto ng madaanan namin ang isang kwarto. Andun ata sina Gertrude at iba pang elder. May pinag-uusapan sila. Dadaan lang sana kami nang marinig ko ang pangalan ko. Tumigil ako at nakinig. Nakikinig na rin si Luke kasama ko.

"That gem is bad news. Vampires don't have souls. No offense meant." Ika ni Gertrude.

"None taken. We're technically dead but we're not dead either. But Gertrude is right. The gem is bad news. I've seen that kind of gem." Sagot ni Tita.

"So, what you are telling me that she extracted the remaining lige out of the vampires. Or the venom from the body of the vampires but the process will kill the body?" Tanong naman ng tiyang.

"Yes. And the only person who did thay was her mom. I mean, I had to conceal that part of the history because it's very, very dangerous. She can wipe out an entire clan if she wants to and even her grandmother is afraid of her mom." Sagot naman ni Gertrude.

"So why the mating suggestion?" Deritsong tanong ng nanay ni Luke.

"The baby can help conceal and control that power. I don't kno why but it works. It's the only way to control it." Sagot naman ni tita.

"Well, the side effect is that the baby will carry it. I hope all of the carrier of the power is a girl. If the next generation is a boy, that's a big problem." Segunda naman ni Gertrude.

Hinila na ako ni Luke papalayo sa lugar na yon. Pumasok na kami sa kwarto at pinaupo na niya ako sa kama. Tumayo siya at pumasok sa loob ng banyo. Hindi ko na pinansin kung ano man ang ginagawa niya sa loob dahil wala na ang isip ko doon.

Why? Is this a curse? Ma? Bakit ganito ang binigay mo sa kin? Nung una, okay lang sa kin kasi hindi masyadong delikado. Pero ngayon, ayoko na nito. Ayoko na ng binigay mo sa aking regalo. Hindo ko alam kung bakit sa kin pa naibigay to. Parang kahapon lang normal pa ako. Isang normal at ordinaryong babae lang pero ngayon, isang napakadelikadong babae na pwedeng pumatay ng libo-libong tao sa isang iglap lang.

Naramdaman ko na lang na may yumayakap sa kin sa likod. Napangiti naman ako dahil doon. He always makes me feel like I'm the most beautiful girl in the world. Kumalas ako sa pagkakayakap at hinarap siya. Nabigla ako sa nakita ko. Hindi si Luke ang yumakap sa kin kundi ibang tao. Napatayo ako at lumayo sa lalaking nasa harap ko.

"Sino ka? Pano ka nakapasok dito? Asan si Luke? Luke! Luke!" Sigaw ko na lang.

Tumawa lang siya at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Ngumiti siya ng napaka mapanindig balahibong ngiti. Halos hindi na nga ako humihinga ng dahil dun. Hindi ako makagalaw sa sobrang takot at kaba. Kung panaginip man ito gusto ko nang magising. Ayoko nang makita ang lalaking ito. Please, wake up. Someone!

*

Nagising na pang ako bigla. Hinahabol ko ang hininga ko. Hindi naman nagising si Luke sa pagbangon ko. Mahimbing siyang natutulog sa tabi ko. Kahit papano, bumalik sa dati ang takbo ng puso ko. He really makes me relax. Ang maamong mukha nito. Ang bawat detalye ng kanyang mukha na kahit araw-araw kung nakikita, hindi pa rin akong nagsasawang tignan. Napangiti na lang ako at bumalik na sa paghiga. Niyakap ko siya ng mahigpit at niyakap niya rin ako pabalik.

Bad dreams. Palagi na lang akong dinadalaw ng masamang panaginip. Hindi ko alam pero kinakabahan na ako dahil dito.

*---

Follow

Vote

Comment :)

Applelonio ***

Our Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon