Two weeks naming hinintay ang gabing ito. Ang gabing buo ang buwan. Sabi nila kapag full moon daw, d'yan mas lalakas ang mga lobo at bampira. Sabi din ng kalahi ng mama ko, ang full moon daw ang pahiwatig na magiging ganap na makapangyarihan ang mga katulad namin. Hindi ko nga alam kung ano ba dapat ang mararamdaman ko ngayon. Halo-halo kasi. Nakikita kong lahat sila ay naghahanda para sa kin. Maging si Luke ay naghahanda rin. Parati akong pinapaalalahanan ni tiyang at Greg sa mga dapat kong gawin. Kelangan ko daw tanggapin ng buo ang lobong kakausap sa kin at kung ano-ano pa. Si tita Marley naman, hinawakan ang kamay ko at palaging sinasabi na tanggapin ko kung ano man ang pipiliin ko. Ako raw kasi ang pinaka-una sa lahi namin kaya hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kin.
Mag-aalas dose na ng hating gabi ng pinalabas nila ako sa tent. Andito kami ngayon sa isang malawak na luntiang lugar. Dun nila ako pinatayo sa gitna ng bilog na mga sulat. Hindi ko nga maintindihan mga yon. Lahat ng tao ay nakaputi. Maliban na lang sa mga bampira na kulay itim ang mga kasuotan. Hindi na nga ako mapalagay. Nung nasa pinakataas na ang buwan, bigla na lang nanakit ang buong katawan ko. Tila ba parang nababali ang mga buto ko. Napasigaw na lang ako sa sobrang sakit at halos hindi makagalaw. Bigla na lang akong natumba at pagkatapos nun may mga naririnig na lang akong mga nababaling mga buto.
*
Third Person's POV
Halos hindi makatingin si Luke sa kanyang sinisinta. Muntikan na nga niya itong puntahan para hawakan ngunit pinigilan siya ng kanyang ina. Wala namang magawa si Luke kundi ang hintaying matapos ang ganitong mga proseso kay Ellie. Lahat sila ay halos hindi na makapaghintay kay Ellie.
Puro sigaw lang ang naririnig nila galing kay Ellie. Nakahiga na ito na tila binubogbog ng kung ano. May mga konting balahibo na ang lumalabas sa katawan ni Ellie. Hindi magtatagal at magiging lobo na rin siya.
"Ellie." Tawag ng isang tinig kay Ellie.
"Sino ka?" Sigaw niya dito.
"Ellie, ako si Luna ang lobo mo. Kasama ko si Hiyas. Sundan mo lang ang tinig ko." Sagot naman ng tinig sa kanya.
Kahit masakit ang katawan ni Ellie, ay pilit pa rin niyang tumayo at maglakad para sundan ang tinig na kumakausap sa kanya. Halos gumapang na siya sa sobrang sakit ng katawan niya. Nung may nakita siyang liwanag agad niya itong pinuntahan hanggang sa may makita siyang dalawang imahe sa di kalayuan. Isang babaeng nakaputi at isang malaking lobo na puti rin.
"Sino kayo? Nasaan ako?" Tanong ni Ellie sa dalawa.
"Andito ka sa mundong hindi sagap ng pangkaraniwang tao. Ikaw lang ang nakarating dito. Ako nga pala si Luna, ang iyong lobo." Sagot ng putong lobo sa kanya.
"At ako si Hiyas. Ang pamanang kapangyarihan ng iyong ina sa yo. Handa ka na bang tanggapin kaming pareho?" Segunda ng babae.
"Panu? Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko nga alam kung sino ako. Kung ano ako." Ellie
"Ellie, isa kang lobo." Luna
"At isa ka ring imortal." Hiyas
"Ano ba ang dapat kung gawin?" Ellie
Nagtinginan sa isa't-isa at ngumiti. May bigla malakas na hangin na halos tumangay kay Ellie. Naging puting bola ang puting lobo at ang babae. Nagpaikot-ikot ang dalawa sa isa't-isa. Halos hindi na masundan sa mata ang bilis ng pag-ikot ng dalawa hanggang sa naging isa ang mga ito at matingkad na bolong puti.
"Hawakan mo lang kami, Ellie. Wag kang matakot. Kami ay ikaw at ikaw ay kami." Sabay na sabi ng dalawang boses.
Nagsimulang abutin ni Ellie ang puting orb na nakaharap sa kanya hanggang sa mahawakan niya ito. Mainit. Sobrang init ang naramdaman ni Ellie. Napasigaw na naman siya sa sobrang init at sakit ng katawan.
Napatingin ang lahat sa biglaang pagsigaw ni Ellie. Nagsisigawan na ang mga imortal na tao at parang nagsasaya na sila. Maging si Marley at napangiti na lang habang tinitignan ang kanyang pamangkin. Umaangat ng dahan-dahan ang katawan ni Ellie habang nababalutan ng puting liwanag. Naging sobrang liwanag nito kaya lahat sila ay napa-iwas ng ilang segundo. Nang nawala ang liwanag ay bumalik na ang tingin nila sa gitna. Di magkamayaw ang mga kalahi ng ina ni Ellie sa pagsigaw at pagkanta ng isang musikong hindi pamilyar sa iba.
Isang napakalaking lobo ang nasa harap nila ngayon. Isang puting lobo na para bang kumikinang. Tinignan naman ng lobo si Luke. Napangiti na lang si Luke at maagap na naging lobo para daluhan ang kanyang kabiyak sa gitna. Lahat ng may lahing lobo ay nag-transform para maging lobo. Habang ang mga bampira naman ay naging pula ang mata, tumulis ang mga kuko at tila mag-iingay na rin.
Ito ang gabing napakasaya sa kanilang lahat. Tanging si Becca lang na nasa gilid ng lobong si Jake ang normal at nagsasaya.
Nung nakauwi na silang lahat sa bahay, isa-isa nang naging tao ang mga lobo at bumabalik na sa normal na anyo ang mga bampira. Puno ng tawanan at halakhakan ang buong bahay nila Luke. Hindi na nakihalubilo si Ellie dahil sa sobrang pagod na nadarama nito. Sinamahan naman ni Luke si Ellie papunta sa kanyang kwarto.
"Are you okay?" Tanong ni Luke kay Ellie.
"Oo. Med'yo napagod lang but I'm okay." Sagot naman ni Ellie.
"They are celebrating for you."
"Yeah. I can see that. But why?"
"They have found the lost princess. And I have found my mate."
Ngumiti lang si Ellie sa sinabi ni Luke.
*
Ellie's POV
Sinamahan lang ako ni Luke sa kwarto para magpahinga. Dun kami nagkwentuhan at nagharutan. Oo, harutan. Haha! Busy ang mga tao sa ibaba para magsaya. Hindi man maintindihan kung bakit pero masaya na rin ako. Ngayon, nakahiga na lang kaming dalawa ni Luke sa kama. Ginawa kong unan ang kanyang braso habang nakayakap sa kanya. Ngumiti lang siya sa kin at hinalikan ako sa noo.
"I love you, Luke."
"I love you more, Ellaine Mendoza."
Napangiti naman ako sa sinabi niya. Pagkatapos nun, hindi ko namalayan na nakaidlip na pala ako.
*
"We finally found them, sire." Sabi ng lalaki.
"Good. We need the girl as soon as possible. We don't to delay things anymore." Sagot naman ng isang lalaki.
Tumango lamang ang lalaki at umalis na sa kwarto. May hawak na baso ang lalaking kulot ang buhok na may lamang dugo. Dahan-dahan niya itong ininom hanggang sa maubos. Napangiti ito ng nakita ang buwan sa kalangitan.
"I hope she doesn't have someone. It's pain in the neck when a girl has a mate. I have to kill her mate to get her. And this time, I won't let her go. Not this time."
Tumalon naman ang lalaki mula sa ika-limang palapag ng gusali at walang problemang nakalapag sa kalsada. Maingat siyang tumayo at tinignan ang lahat ng tao at ginayuma para kalimutan ang lahat ng nakita nila. Balik sa normal naman ang lahat at naglakad na siya papalayo.
BINABASA MO ANG
Our Twisted Fate
Hombres LoboA typical girl trying to get through high school without being bullied at. She's a nobody from the class but an excellent student. No one wants to be her friend and it doesn't bother her. She's happy being alone. She's happy being left alone. Until...