Sa gabing ito, hindi lang ako ang nagluto. Dalawa kami ng mama ni Paul. Kinabahan nga ako kasi siya daw ang pinakamasarap magluto sa kanila. Hinayaan niya akong lutuin ang mga putahing gusto nila Luke. Plus na nga yong pwede sa pangmaramihan ang mga putahing yon. Nagluto din siya ng mga putahing karaniwang niluluto niya sa bahay nila. Nung tinikman ko ang luto ni Beth, para akong pumunta sa langit. Ang sarap talaga, walang halong biro. At sobrang bait ni Beth. Sinasabi niya sa kin kung ano ang sangkap at kung panu gawin. Hindi lahat ng taong masarap magluto binabahagi ang mga alam nila sa pagluluto kaya sobrang nagpasalamat ako sa kanya.
Tinulungan naman kami nila Greg, Luke, Jake at Paul sa paghahanda ng mga pagkain sa garden nila. Hindi ko pa alam na sa garden pala ang handaan at hindi s dining area. Siguro dahil maraming tao ang dadalo sa pagtitipon.
"You ladies done cooking?" Tanong ni Jake sa min ni Jake.
"Jake, speak properly. Someone might not understand you. And yes, we are done." Sagot naman ni Beth.
"Hehe. Yes, Beth." Ika ni Jake.
"We will just get the food. You two can take a bath and do your lady things. The dinner will start at 7:30." Sabat naman ni Luke.
"Okay. Well, I'll be going to my room. You should prepare, too. See you later." Ika ni Beth.
Tumango lang ako sa kanya at nagpahid na ng kamay sa wash clothe. Hinalikan naman ako ni Luke sa labi bago umalis sa kusina. Pumanhik naman ako sa kwarto ko para maligo at magbihis only to find out na andun na pala si Becca at nakabihis na. Napa-wow na lang ako ang sinamaan siya ng tingin. Becca being Becca, she just shrugged it off and smiled at me. May hawak siyang hanger na may mini dress. It was green.
"What is that?" Tanong ko sa kanya.
"A dress for dinner." Sagot niya naman.
"Why do I have to wear a dress?"
"Enough questions. Go take a bath. We have to get ready before 7:30."
Binigay niya sa kin ang towel ko at tinulak na ako papasok sa banyo. Iba din kapag si Becca ang naging bossy, eh. Hindi ka makapagreklamo. Yon ang matinding talent ni Becca.
Pagkatapos ko namang maligo, agad niya akong pinaugo sa upuan para i-blow dry ang buhok ko. Marami pa siyang ginawa na hindi maintindihan. Akala ko mild lang ang gagawing makeup pero andaming ginawa sa mukha ko. Nung natapos siya sa mukha at buhok ko binigay naman niya sa kin ang damit at pinabihis na ako. Earthy pala ang theme ngayon kasi iba't-ibang shade ng green ang nakikita sa ming dalawa ni Becca. Sabay na kaming nagpunta sa garden para lumahok sa hapunan. Nakita ko namang malalaking bilog na mesa ang mga nakahanda sa harden. Akala ko earthy shades ang suot ng lahat pero hindi pala. May ibang nakasuot ng brown namely ang tiyang ko at ang mga ka'tribu niya. Sila tita Marley naman, itim na may halong pula. May ibang nakaputi lang at ang iba naman ay asul.
Nakita ko namang nakaupo na sina Luke at ang iba sa isang mesa. Dun na kami lumapit ni Becca at umupo. As usual, katabi ko si Luke. Halos lahat kami ay may shade of green. Ngayon lang napansin na color coordinated pala ang pagsasalong ito.
"Luke, what's with the color matching?" Tanong ko sa kanya.
"Well, the color represents the tribe or the pack or the clan that you came from." Sagot naman niya sa kin.
"So, I am one of your pack now?"
"Yes. You are my Luna. So, you belong to me and my pack."
Ngumiti lang ako sa kanya at tinignan ang mga taong nag-uusap usap. Inanunsyo naman ni Luke na pwede nung kumuha ng pagkain at inumin. Sa mesa ni tita Marley, wala ni isang tumayo at pumunta sa mesang may pagkain. Instead, may lumapit sa kanila at may binigay na basket na puno ng mga bote. Alam kong sila lang ang mga bampirang andito kaya sila lang ang nakakaattract ng atensyon dahil na rin sa kanilang source of food.
"Okay. Okay. You smell blood. Go back to your own food business." Ika ng isang lalaki na nasa mesa ni tita Marley.

BINABASA MO ANG
Our Twisted Fate
WerewolfA typical girl trying to get through high school without being bullied at. She's a nobody from the class but an excellent student. No one wants to be her friend and it doesn't bother her. She's happy being alone. She's happy being left alone. Until...