Wahhhhhhh! Ayoko na! Nakakapagod na! Sobra! Huhuhu! I regret everything. Bakit kasi ang hirap ng pinapagawa ni Greg sa kin. Kaya ko pa yong pagtakbo ng ilang ikot eh. Pero ito?! Ito?! Gusto ko tuloy siyang itakwil bilang kaibigan ko. Hindi man lang ngumingiti ang mokong na to. Kahit yong salitang "kaya mo yan" o yong "you can do it", wala. Puro, "go" lang at pasigaw pa.
"Ellaine! Don't make me come up there. Just do what I did!" Sigaw ni Greg.
Oh, di ba? Parang hindi lang kami magkaibigan. Makasigaw eh, parang aliping sagigilid ako. Malapit ko ngang batuhin ng bato yang lalaking yan kung hindi niya lang ako nahuli. Naku!
"I don't care if you're the alpha's mate. As long as you're here at my torretory, I am the boss." Dagdag niya pa.
I officially hate him. I can't wait to get out of here and make him suffer. Kukutusan ko talaga siya pag nakalabas na kami dito. Isang milyong batok ang makukuha niya galing sa kin mamaya. Huhuhuhu! Pagod na ang katawan ko. Gusto ko nang magpahinga. Ayoko na talaga. And I'm only doing the rope climb.
"Tumahimik ka nga d'yan! Hindi ka nakakatulong, eh!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
"Missy, don't speak back to your trainer unless you are spoken to. Got that?" Greg.
Hindi ko na siya sinagot. Hindi ko na nga siya pinansin pagkatapos kung magawa ang pinapagawa niya sa kin. Nung nag-water break ako, kahit anong gawin niyang kausap sa kin wala siyang makuhang matinong sagot sa kin. Five minute water break was done, nung pinatakbo niya ulit ako ng sampung rounds sa oval. Kahit nung sumisigaw na siya sa kin, hindi ko na siya pinansin at tumakbo na lang.
Nung natapos naman kami sa training namin, deretso na akong pumunta sa kotse. Hindi ko na siya hinintay kasi galit pa rin ako sa kanya. Nakinig na lang ako ng music sa cellphone ko gamit ang ear piece. Wala akong balak na kausapin si Greg ngayon kaya manigas siya.
*
The second day was still the same. Paulit-ulit lang ang ginagawa ko. Takbo dito, gapang doon. Akyat dito, higa doon. Wala namang pinagbago maliban na lang sa pakikitungo ko kay Greg. Hindi ko pa rin siya kinakausap hanggang ngayon. Nagtataka nga sila Luke pero na-gets na rin nila kung bakit. Hindi na nga ako kumain masyado dahil nawalan ako ng gana.
"Five minute break." Sabi sa kin ni Greg.
Tumango lang ako sa kanya at naglakad papunta sa mga gamit ko. Nagtangka naman siyang kausapin ako pero deadma lang talaga ang ginawa ko. Wala pa akong ganang makipag-usap sa isang gagong katulad niya. Gets niya naman siguro yon.
*
Friday. Panglimang araw na ng physical training namin. By this time, siguro kumalma na ang nararamdaman kong galit kay Greg. Nakita ko kasi kung bakit siya ganun kapag training namin. Pero ayoko pa ring makipag-usap sa kanya. Hindi ko alam pero mas okay sa kin na hindi na muna kami nag-uusap. Hindi niya rin ako kinakausap. Ramdam niya siguro na ayoko sa kanya sa ngayon kaya walang nabubuong conversation sa ming dalawa.
Dumating naman bigla si tiyang at si tita Marley kasama si Luke. Hindi nga maipinta ang mukha ni Luke ngayon, eh. Si tita Marley nakangiti lang na ewan. Habang si tiyang parang gustong pumatay ng tao. Hindi ko nga alam kung ngingiti ba ako ngayon o matatakot o tatakbo palayo sa kanilang lahat. Parang ayoko atang makita ang mangyayari ngayon. Maging si Greg parang nag-iba din ang templa ng mukha. Kung seryoso siya kanina, mas sumeryoso siya ngayon.
"Hindi ko gusto ang ginagawa mo sa pamangkin ko, tuta." Sabi ni tiyang kay Greg.
"I am not a pup. You dare say that?" Sagot ni Greg. "Old wolf."
BINABASA MO ANG
Our Twisted Fate
Loup-garouA typical girl trying to get through high school without being bullied at. She's a nobody from the class but an excellent student. No one wants to be her friend and it doesn't bother her. She's happy being alone. She's happy being left alone. Until...