Chapter 14

251 14 2
                                    

Dumating na yong araw na sinabi ni Luke sa kin para makalas na sina Abegail at ang kanyang ina sa pamilya nila Luke. This time, marami akong nakitang bagong mga mukha. May mga may edad na kasing edad nila tita at tiyang. Madalang lang ang mga ka-edad namin nila Luke.

Ang sama pa rin ng tingin sa kin ni Abegail. Alam kung nasasaktan siya ngayon sa mga nakatali sa kanya. Kasi namumula ang kanyang balat at parang nalalapnos ito. Sa katayuan nila ngayon, naaawa ako. Gusto ko silang tulungan. Sinubukan ko ngang kausapin si Luke tungkol dito pero hindi na daw talaga mababago ang desisyon niya. Baka daw kasi ulitin nila ang ginawa nila sa kin.

"As a punishment for all the wrong doings Trinidad Falls, I will ripped you out of this pack. A punishment that my father should have given a long time ago. And as for you, Abegail. I was disappointed. I never thought you'd do this. You of all people know how mating works. It is not forced. I'm sorry but you will also be ripped out of this pack. A punishment for trying to kill the Luna of this pack." Sabi ni Luke sa kanilang dalawa.

Ngumiti lang si Abegail sa min. Isang nakakakilabot na ngiti. Tumayo nga mga balahibo ko dahil sa ngiting yon. Nakaluhod silang dalawa kaya nakatingala sila sa min.

"You will pay for this. You will nit be happy, Luke. Mark my word." Ika ni Abegail habang nakangiti.

Tinignan ni Luke ang isang lalaki na mas malaki pa sa kanya at tamango. Agad naman na pinuntahan nito ang dalawa. Isa-isa niyang nilagay ang mga kamay nila sa magkabila ng kahoy. May dalawang lalaki naman na pumuwesto sa likod ni Abegail at ina nito na may hawak na latigo. And from there, all I heard was screaming. Lahat ng nandun ay hindi inalis ang mga mata nila sa ginagawa sa mag-ina. Ako, hindi ko napigilan na hindi magtago sa likod ni Luke dahil hindi ko masikmura ang paglalatigo sa kanilang dalawa. Puro sigaw lang at hampas ng latigo sa likod ang naririnig ko.

*

Third Person's POV

Ni isa walang nagbalak na tulungan ang mag-ina. Lahat ay nakatutok lang sa gitna para makita ang pagkakalas sa kanila sa pamilyang pinuprotektahan ni Luke. Masakit man sa kalooban ni Luke na gawin ito pero wala na siyang pagpipilian pa. Ito na lang ang tanging naisip niya para maging ligtas si Ellie at ang buong pamilya nila. Abegail was a threat, he can't deny that. Ang mali niya lang, hinayaan niya si Abegail na maging clingy sa kanya.

Bawat hapas ng latigo sa balat ng mag-ina ay katumbas ng mga sigaw na halos ikabinge nila. Hindi nga nakayanan ni Ellie na makitang nasasaktan ang mag-ina kaya nagtago na lang siya sa likod ni Luke. Pero naririnig pa rin niya ang mga sigaw na kahit siya ay ayaw nang marinig pa.

Dalawang malakas na sigaw ang bumalot sa buong lugar sa gabing yon. Dalawang napakalakas na sigaw na nagpapahiwatig na tapos na ang pagkakalas sa kanilang dalawa. Halos mawalan na ng malay si Abegail pagkatapos ng prosesonh iyon. Ang ina naman nito ay humihingal at haloa hindi na rin makagalaw.

Nanibago si Abegail pagkatapos nun. Wala na siyang marinig na kahit anong boses sa loob ng utak niya. Wala na siyang kahit anong mabasa sa utak nina Luke at ng iba. At tila wala na yong lubid na nagkokonekta sa kanya at sa buong pamilya nila. Nanlaki ang mga mata nito ng mapagtanto na hindi na siya konektado sa pamilyang kinagisnan niya. Hindi na siya konektado sa mahal niya. Bigla na lang tumulo ang mga luha niya ng hindi niya namalayan. Tinignan niya si Luke para magbakasakaling nagkakamali lang siya. Pero bigo pa rin siyang kausapin ito sa pamamagitan ng link nila. Dun na humagolgol si Abegail at nawalan na ng lakas na tumayo pa. Naputol na ang ang lahat ng nag-uugnay sa kanya sa pamilyang naging parte na ng buhay niya. She felt alone. She felt betrayed. She felt lonely.

A loud howl was heard not gar away from the place they were in. Naalarma nga ang lahat dahil dun. Everyone was on the attack position when they saw a Greyish black wolf walking towards them. Gulat na gulat ang halos lahat maliban sa ina ni Luke at ang ina ni Paul. Napangiti naman si Luke maging si Greg. Nagtataka man ay hindi na muna nagtanong si Ellie kung sino ang dumating. Kumalma naman ang lahat pagkaraan ng ilang minuto. Nanlaki naman ang mata ni Trina sa kung sino ang nakita nito. Si Abegail naman ay wala nang pakialam sa nangyayari.

Our Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon