Habang tumatagal mas lalong naging mahigpit ang mga tiyahin ko. Kahit ang ina ni Luke ay naging mahigpit na rin. Hindi na ako makalabas ng walang ibang kasama. Simula nung nagparamdam ang pinuno ng kabilang clan ay naging alerto na sila. Kahit sa eskwelahan ay halos nakabantay na sa akin. Minsan nga ay hindi na ako pinapalabas ng bahay nila Luke dahil amoy na amoy nila ang pinuno ng kalaban nila.
"She has to stop her studies after the next full moon." Ika ng ina ni Luke.
"I know. We need to tell her." Sagot naman ni tiyang.
"Oh, and you need to claim her. I know this all too sudden but, hell is coming and you're hellish grandmother wants you back." Sabat naman ni Gertrude.
Hindi na lang ako nagsasalita. Ayokong magsalita dahil ayokong mag-break down. This is all happening too fast. Hindi ko naman alam na mangyayari to. Hindi ko naman alam na magbabago ang lahat sa isang iglap lang.
Tinignan na lang ako ni Luke ngumiti. Hindi ako makangiti pabalik. Hindi ko na sila napapansin sa puntong iyon. Kahit hinawakan ni Luke ang mga kamay ko, wala pa ring epekto. I shut them out. Ayokong makipag-usap sa kahit kanino ngayon. Gusto kong mapag-isa.
Bigla na lang akong tumayo at umalis sa silid na iyon. Hindi ko na pinapansin ang mga tanong nila sa akin. Wala na akong pinapakinggan ngayon. May mga naririnig akong sigaw pero dere-deretso lang ang takbo ko palabas ng mansyon at palabas ng subdivision na yon. Hindi ako lumilingon. Takbo lang ako ng takbo.
Hindi ko na alam kung saan na ako napunta. Malayong kalsada na yon. Buti na lang walang tao, kaya magpalit na ako ng anyo at naging lobo. Tumakbo na lang ako patungo sa kakahuyan. Hindi ako lumilingon at lalong hindi ko naririnig ang mga bilong sa aking isip. Sinarado ko ang isip ko para hindi nila makita kung nasaan ako. Ayoko na muna silang makita sa ngayon. Gusto kong mapag-isa.
*
Third Person's POV
Lahat ay natataranta sa paghahanap kay Ellie. Hindi nila alam kung saan pumunta si Ellie. Hindi rin nila mahanap ang amoy nito. Luke is all over the place para lang mahanap siya. Halos na ata ng mga lugar na alam nilang pupunta siya ay napuntahan na rin nila pero nabigo silang makita siya.
"Please, tell me. Nahanap niyo na ba ang pamangkin ko?" Tanong ng tiyahin niya.
"I'm sorry pero hindi pa po. Even Becca can't pinpoint where she is at the moment." Sagot naman ng isa sa mga tauhan ni Marley.
"Marley! Guys! Let the kid be. She needs time to think. Maybe all of this is too much for her to swallow. Maybe the things she knew, ngayon lang nag-sink in sa kanya. Hayaan muna natin siya." Sigaw ni Gertrude.
"Hindi niya ba naiisip na buhay niya ang itinataya niya ngayon? Delekado sa kanya ang umalis ng mag-isa lalo na na alam na natin na nandito lang sa palagid ang mga kalaban. They are plotting to abduct her for pete's sake." Sagot naman ni Marley.
"I know! I know. But please, give her a day or two. She'll come around once she sort her feelings out. Her life now is complicated like before. We can't expect her to be calm. She's only eighteen. She needs to cool off." Patuloy ni Gertrude.
Napaisip din silang lahat sa sinabi ni Gertrude. Maging si Luke ay napaisip din. Hindi nila inalala ang nararamdaman ni Ellie. Tumayo na lang si Luke at umalis sa loob ng silid at pumunta sa tree house kung saan niya dinala si Ellie nung binigyan ni ito ng regalo. Nag-aalala man ay wala ring magawa ang mga kaibigan niya sa nangyayari ngayon pero alam nila na nasasaktan at sobrang nag-aalala si Luke sa kanyang kabiyak ngayon. Sinundan naman nila Becca, Paul, Jake at Greg ang kanilang kaibigan. Pumunta din sila sa tree house at dun na sila nag-usap.
"Dude, everything will fine. She'll come around. But we will do everything that we can to find her." Sabi ni Greg sa kanya.
"Luke, you need to understand her. I am, too, is worried for her. But let's wait for her to calm down. She's taking this all in too fast that's why she ran away." Segunda naman ni Becca.
"It's just that I feel useless right. I can't find my mate and I can't help her on this. It's so frustrating that I can't help her right now. I wanted to support her on what she wants. I want to comfort her but she's not here. I want to hug her tight. Say things like it's going to be fine but I can't." Sagot na lang ni Luke. "What if something happens to her? I can't protect her. What if she's in trouble or something? I can't help her."
Doon na bumuhos ang mga luha ni Luke. Hindi niya alam kung ano ang mag susunod na gagawin niya ngayon. Kahit si Becca ay naluluha na rin. Hindi nila alam kung gaano kasakit para kay Luke ang hindi makita ang kanyang mahal. Peri nakikita nila ito. Niyakap na lang niya ang kanyang pinsan at hinayaang umiyak ito. Ang mga kaibigan niya humawak lang sa balikat nito bilang pagdamay sa kanya.
Habang nagkakagulo ang tao sa mansyon, nakarating naman sa isang liblib na lugar si Ellie. Hindi niya alam kung saan na siya nakarating. May isang malaking lobo din ang nasalubong niya kaya natigilan sa sa pagtakbo. Masama ang tingin sa kanya ng lobong kaharap niya kaya pinilit niya na lang na bumalik sa pagiging tao. Nagtago siya sa likod ng puno para matabunan ang hubad niyang katawan.
"Wala akong balak na masama. Dumadaan lang ako." Sigaw ni Ellie.
May narinig siyang kakaibang tunog kaya dumangaw siya mula sa likod ng puno. Nakita niya ang isang lalaki na hubad. Nataranta siya sa kanyang nakita kaya napatago ulit siya sa likod ng puno. Medyo namumula din siya dahil hindi niya sukat akalain na makakakita ulit siya ng hubad lalaki.
"Anong ginagawa mo sa gubat na ito? Sino ang mga kasama mo?" Tanong ng lalaki sa kanya.
"A-Ah, w-wala. Ako lang mag-isa. Sorry talaga. Hindi ko sinasadya ba mg-trespass sa inyong lugar. Hayaan mo, aalis na lang ako." Sagot naman ni Ellie.
"Hindi ka pwedeng umalis. Kailangan kitang dalhin sa amin. Kailangan kang makausap ni pinuno." Sabi ng lalaki.
Magsasalita na sana si Ellie ng biglang may biglang nagsalita. Ngayon, ay isa iyong babae. Napadungaw ulit siya mula sa likod ng puno. Hindi na nakahubad ang lalaki kaya nakahinga siya ng maluwag. May nakita naman siyang isang babae na kasing tanda ng ina ni Luke. Medyo morena at kulot ang buhok. Nakangiti ito at may dalang tela. Naglakad ito papalapit sa kanya kaya medyo kinabahan si Ellie.
"Naku! Pagpasinsyahan mo na lang yang anak kong si Danilo. Masyadong seryoso sa kanyang ginagawa. Ito, ibalot mo sa sarili mo." Sabi ng ginang. "Ako nga pala si Teresita. Ako ina ng lalaking iyon. Halika't pumunta tayo sa tribo namin."
"P-Po? Pero kasi..."
"Naku! Wag kang mag-alala. Mababait ang mga taong lobo dito. Halika na hiya."
Tumango na lamang si Ellie at sumunod sa ginang. Napaisip naman siya sa sinabi ng ginang. Taong lobo. Hindi lang pala ang tribo ng kanyang tiyahin ang taong lobo. May iba rin pala. Pero kahit kinakabahan siya ay taas noo pa rin niyang sinundan ang ginang patungo sa isang lugar.
Sana naman ay mababait talaga sila. Ika ni Ellie sa kanyang sarili.
*
*
*
*
*
*Ito na yong update. Haha! Kasi nga na-excite na si kathniel25_grace21 mg-update na lang ako. Hahaha! Para sa yo to. Labyoo :*

BINABASA MO ANG
Our Twisted Fate
WerewolfA typical girl trying to get through high school without being bullied at. She's a nobody from the class but an excellent student. No one wants to be her friend and it doesn't bother her. She's happy being alone. She's happy being left alone. Until...