Chapter 13

286 16 9
                                    

Ilang araw na rin akong tinuturuan ni Gertrude kung pano ko makokontrol ang kapangyarihan ko. At hindi siya madali. Promise! Kung mahirapan ako sa pinapagawa ni Greg sa kin nun sa training grounds, mas mahirap itong pinapagawa ni Gertrude sa kin. Concentration is a must daw. Dapat ko daw kausapin ang babaeng nakikita ko everytime na pinipikit ko ang mata. Wala nga akong ginagawa pero napapagod ang katawan ko. Parati nga akong nababatukan ni Gertrude dahil kung saan malapit ko nang magawa dun naman ako med'yo nawawala sa concentration. Kelangan daw kasi dapat na wala akong ibang iniisip para tuluyan yong makuha ang pagkontrol sa kapangyarihan ko.

"You must not think of anything, Ellaine. Clear your thoughts. Deep breaths. You can do it." Sabi niya sa kin.

Ginagawa ko naman ang mga sinasabi niya eh. Ang hirap lang talaga. Pinikit ko ulit ang aking mga mata at nakita ko na naman ang babae. Nasa isang madilim na lugar kaming dalawa. Siya lang ang pinanggagalingan ng liwanag para may makita kaming dalawa. Nakangiti siya sa kin at tela may hinahawakan.

"Alam mo ba kung bakit hindi mo magawa?" Tanong niya sa kin.

"Hindi at alam mo yon."

Tumawa lang siya sa sagot ko at tinignan ako sa mata. Bigla na lang lumiwanag ang buong paligid. Hinawakan niya ang kamay ko at bigla na lang akong lumiwanag.

"Ellie, alam mo kung pano gamitin ang kapangyarihang ibinigay sayo. Nakalimutan mo lang. Pagsikapan mong alalahanin ang lahat ng mga bagay na nakakapagpasaya sa yo. Ang mga malulungkot na bagay na nakakapagpa-iyak sayo. Nasa gitna ng lungkot at saya ka humugot ng lakas. Alalahanin mo ang lahat ng itinuro ko noon sayo." Sabi niya sa kin.

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"Alalahanin mo lang." Sagot niya ulit at nawala na siya.

Bigla ko na lang minulat ang mga mata ko pagkatapos ng pag-uusap namin. Hindi ko alam kung ano ang pinagsasabi niya. Pano ko malalaman na hindi ko nga alam kung ano ang sinasabi niya. Nung tinignan ko ang paligid, nakita ko ang mukha ni Luke na nakakunot at med'yo nag-aalala. Nilapitan naman ako agad ni Gertrude at hinawakan ang ulo ko. Huminga naman siya ng malalim at tumango kay Luke. Nagtataka na nga ako sa mga ikinikilos nila. Dun ko lang napansin na nakahiga pala ako at nasa loob kami ng isang kwarto. Bamangon naman ako bigla pero napabalik rin ako ng higa dahil bigla na lang akong nahilo. Inalalayan naman ako ni Luke para makahiga ng mabuti. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ako sa noo.

"Love, take a rest. You've been training hard." Sabi sa kin ni Luke.

"Anong oras na ba?" Tanong ko sa kanya.

"It's three in the morning, love. Go back to sleep. I'll be here when you wake up later." Sagot niya sa kin.

"Ah, alas tres ng madali--- alas tres ng madaling araw? Eh, kanina lang alas onse pa lang eh. Hindi ako nakakain ng haponan at lunch? Ano bang nangyari?" Sunod-sunod na tanong ko.

"Woah! Slow down. About the training, when closed your eyes for the last time, you fainted. I didn't know why. You suddenly just fainted. You were convulsing, thank heavens for that. Though, you didn't wake up when I tried to wake you up." Sagot naman ni Gertrude.

"What?! Pero ilang minuto lang kaming nag-usap. Panung nangyaring---?"

"There are instances that it felt like minutes when your talking to your light. But when your in the real world, it'll be like hours or more. It was my bad not telling about that part." Sagot ulit ni Gertrude.

Tumango na lang ako sa kanya. Ngumiti siya sa kin at hinawakan ang kamay ko. At dahil wala nga akong kain, bigla na lang tumunog ang tiyan ko. Wow! Alam kong narinig nilang pareho yon. At sobrang nakakahiya. Kung pwede lang sana akong lamunin ng kama ngayon, nagpalamon na ako. Siguro pulang-pula na ako ngayon. Natawa naman si Luke at Gertrude. Timing naman na dumating si Paul at Becca na may dalang mga pagkain. Nakisabay na rin si Jake at Greg na may dalang inumin. Nakangiting tinitignan ako ni Becca habang biglang nakabusangot si Greg nung nakita niya si Gertrude.

Our Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon