Chapter Eight.2

377 19 12
                                    

Tahimik lang ako habang nakikinig sa mga paliwanag ni Tita Marley sa kin. Maging si tiyang ay hindi rin nagsasalita. Nalaman ko na isang lobo si papa at siyang pinuno ng tribo nila. Si mama naman ay isang imortal. Hindi siya isang bampira pero hindi siya namamatay. Naging mag-asawa silang dalawa dahil hindi nilubayan ni papa si mama. Tulad ng sa amin ni Luke. Nung ipinanganak daw ako may nakitang pangitain ang isang gabay na kilala ni tiyang tungkol sa kin. Katulad ng nakita ni Becca. Natakot ang mga magulang ko kaya napagdesisyonan nila na ilayo ako sa buhay na kinagisnan ni mama at papa.

"Naging bampira ako dahil na rin sa nakagat ako ng isang bampira nung mga panahon na tinulungan ko sila na iligtas ka. Hindi alam nila ate yon. Si Robert, asawa ko ay isang bampira rin. Nung araw na inataki sila ng mga masasamang bampira, hindi na namin sila natulungan. Mabuti na lang at naitago nila ang amoy mo sa pinagtataguan mo noon. Kahit ako ay hindi ka maamoy." Sabi sa kin ni tita Marley.

"Ellaine, wag kang magalit sa mga magulang mo. Gusto ko lang nilang ilayo sa kapahamakan. At ngayon na hindi na talaga mapipigilan ang propesiya, andito lang kami para gabayan ka at protektahan laban sa mga kalaban." Sabi naman ni Tiyang sa kin.

"Ano ba talaga ako?" Tanong ko sa kanila.

"Isa kang lobo." Sagot ni tiyang.

"At isa ka ring imortal." Segunda ni tita Marley.

Mahaba-haba pa rin ang ipinaliwanag nilang dalawa sa kin. Minsan na rin daw akong namatay nung bata pa ako. Nahulog daw ako sa isang malalim na hukay at namatay. Nung hinawakan daw ako ni mama, bigla na lang daw akong huminga at nabuhay. Dun nila nalaman na kaya pala isang imortal ang mama ko ay dahil sa kanyang kakayahan na mapagaling ang isang tao o ang bawian ng buhay ito. Napupunta sa kanya ang buhay ng taong gusto niyang bawian ng buhay at kaya niya ring ipasa ang buhay na yon sa namatay. Dun din nila nalaman na tinutugis din pala siya ng mga bampira.

Dun na nagpasya si papa na ilayo kami sa kahit anong nagdudugtong sa amin at sa mundo ng mga lobo at bampira. Paminsan-minsan dumadalaw pala si tiyang sa amin para kumustahin kami. Nasabi niya rin na minsan ko na siyang nakita nung dumalaw siya nung wolf form niya. Natawa pa nga siya nung bigla na lang daw akong tumakbo patungo sa kanya at niyakap ang isa niyang paa na walang pagaalinlangan.

"Sandra, kelangan mo nang sabihan ang tribo niyo para makapunta na sila dito." Sabi ni tita Marley kay tiyang.

"Alam ko. Pupuntahan ko na sila ngayon. Kelangan mo na ring sabihan ang mga bampirang kasapi niyo patungkol dito. Kelangan na nating maghanda." Sagot naman ni tiyang kay tita.

Tinignan nila ako pagkatapos nilang mag-usap. May pagtataka ang kanilang mga titig kaya ngumiti na lang ako sa kanila. Nagtataka siguro sila kung bakut hindi pa ako umiiyak o nagwawala dahil sa mga nalaman ko ngayon-ngayon lang. Kahit ako, hindi ko alam kung pano ko tinatanggap ang mga ito ng kalmado. Hindi ko nga maintiidihan kung bakit ganito ako kakalmado ngayon. Siguro natanggap ko na sa sarili ko na may kakaiba talaga sa kin kaya ganito. I wish I had the chance to ask my parents what's going on. Yong makausap sila tungkol sa mangyayari sa kin. Kasi naguguluhan pa rin ako kung bakit naging ganito ang takbo ng buhay ko ngayon. Nung isang buwan lang maayos pa ang buhay ko. Normal pa naman ako pero ngayon malalaman kong lobo pala ako at imortal. What a twist of fate it is.

*

Kinagabihan, umalis na muna sina tiyang para puntahan ang tribong kinabibilangan nila. Habang si tita Marley naman ay tinatawagan na ang lahat ng kasapi at kaanib nila sa kayang grupo. Si Luke naman, nasa tabi ko lang at hindi ako iniiwan. Andito lang kami sa loob ng kwarto buong maghapon. Okay nga sa kin dahil ayaw ko munang lumabas at masinagan ng araw. Paminsan-minsan, pumapasok si Becca para kumustahin ako at dalhan kami ng pagkain ni Luke. Pero agad naman siyang umaalis dahil ayaw niya rin muna aking hawakan. Ayaw niya kasi yong feeling kapag may nakikita siyang pangitain. Naiinis lang siya pagkatapos.

Our Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon