Chapter 20

209 8 0
                                    

Ellie's POV

Ngayong lang ako kinabahan ng ganito. Hindi ko alam kung pano ko sila kakausapin o haharapin. Matagal din akong nawala at hindi nagpakita sa kanila kaya baka galit sila sa kin o anoman. Nasa tabi ko lang si Jessa at nakangiting humarap sa mga lobong nasa-harap namin. Parang wala lang sa kanya ang mga naglalakihang lobo sa harap namin. Unti-unting nagiging tao ang mga lobo sa harap namin kaya medyo nailang ako. Natawa pa nga si Jessa dahil alam niyang hindi ako sanay makakita ng hubad na katawan.

Binigyan naman pinabigyan naman ni Jessa ng mga pangsaplot ang mga bisita para hindi na daw ako mailang. Ang babae talagang to, medyo nakakainis minsan. Nakita ko agad ang mapupungay na mata ni Luke na nakatingin sa kin. Maging si tiyang ay halos maiyak na sa kinatatayuan niya ngayon. Seryosong tinignan ni Greg si Jessa at ang mga kasama nito. Habang si Paul at Jake naman ay nag-aabang lang ng sasabihin ni Luke at Greg kung ano dapat ang gawin.

"Magandang hapon sa inyo. Ako ng pala si Jessa at ako ang pinuno ng tribong ito. Sana ay maging magkaalyansa tayo para mas mapalawig pa natin ang komonidad ng mga taong lobo." Ika ni Jessa.

"Ako nga pala si Luke. I am her mate." Pagpapakilala ni Luke kay Jessa.

Naging pormal naman si Jessa pagkatapos nun. Maging ang lahat ng mga tao sa likod namin ay naging pormal rin. Si tiyang naman ay naging uneasy pero kalaunan ay naging okay din. Nagpakilala din si tiyang kay Jessa at lahat ng kasama ni Luke. Kahit hindi sabihin ni Jessa ay naging uneasy siya nung nagsasalita na si Luke. Halata naman sa ekspresyon ng kanyang mukha at maging ang mga galawa niya. Ngumingiti man pero limitado lang iyon at hindi na siya nag-jojoke.

"I am here to fence my mate. And I want to thank you for keeping her safe." Sabi ni Luke kay Jessa.

"Yes, king. We didn't know she is your luna. But we are honored to have her as our visitor." Sagot naman ni Jessa sabay ngiti.

"Jessa, tama ba ako? Ikaw ba ang anak ni Eumee at Erwin Samaniego?" Sabat naman ni tiyang.

"Oo, ako nga po iyon." Sagot naman ni Jessa.

"Mmm. Kaya pala magkahawig kayo ni Eumee. Kung gusto mo ay iimbitahan ka at ang tribo mo para sa isang pagtitipon. Para naman magkakilala ang mga taong lobo sa lugar na to." Tiyang.

"Magandang ideya yon. Magpadala lang kayo ng mensahe at agad kaming pupunta. Salamat sa imbitansyon." Jessa

Nag-usap-usap muna kaming lahat bago kami tuluyang umalis. Pero bago pa man kami makaalis ay bigla na lang may alolong kaming narinig. Nawala naman ang ngiti sa labi ni Jessa at bigla na lang naging seryoso. Maging sina Luke at ang iba ay iba na rin ang naging ekspresyon sa mukha kaya kinabahan na ako. May mga nagsisigawan na mga babae at mga bata kaming naririnig. Patakbong pumunta naman si Danilo kay Jessa na tila natataranta na. May narinig naman kaming mga hagikgikan at tawanan.

"Pinuno may mga bampirang sumasalakay sa ating baryo. Hindi namin alam kung nila tayo sinasalakay." Hingal na sabi ni Danilo kay Jessa.

"Hindi nila pwedeng gawin to. May kasunduan ang mga bampira at taong lobo. Bakit nila tayo sinasalakay? Maghanda kayo. Ilikas ang mga bata, babae at matatanda. Papuntahin silang lahat dito." Sagot naman niya.

"Hayaan mo kaming makatulong sa inyo Jessa." Sabi naman ni tiyang.

Tumango lang si Jessa at naging lobo na sa isang iglap. Naging lobo na rin si tiyang at iba pa. Sumama si tiyang kay Jessa pati na rin si Jake at Paul. Kinakabahan man ay tinapangan ko na rin ang sarili ko para hindi ako nalumunin ng aking mga iniisip. Nag-usap sina Luke at Greg at narinig ko na lang na binabanggit nila ang pangalang Caius Spencer. Hindi pamilyar sa kin ang pangalan dahil ngayon ko pa ito narinig mula sa kanila. Nababasa ko sa mga mukha nila ang pag-aalala.

Our Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon