Chapter Three

543 38 92
                                    

It's been a week since naging tourguide ako ng mga bagong lipat na students. Hindi naman sila mahirap pakisamahan maliban na lang dun kay Luke na akala mo sobrang laki ng kasalanan ng mundo sa kanya. Ewan ko ba sa lalaking 'yon kung ano ang problema niya sa mundo. Pero kapag nakikita ko siya na nakatulala, hindi ko halos makontrol ang sarili ko gusto ko siyang yakapin at halikan. I don't know what's happening to me pero 'yon ang gusto kong gawin. Pero pinipigilan ko lang ang sarili ko na gawin 'yon. Nagtataka na nga rin ako kung bakit ganito ang inaasal ko simula nung nakita ko siya. It's like I'm drawn to him or something. It's weird.

"Miss Mendoza, good job on being the best guide for the new students. Maaari mo nang itigil ang pagiging guide sa kanila." Bungad ni Miss Fabrias sa :kin. "And can you bring this to the admin office. After that, you may go back to your class."

Tumango na lang ako sa kanya at kinuha ang mga files sa table niya. Agad ko naman iyong inihatid sa admin office at bumalik na sa classroom. As usual, late na naman si Sir Trias. Hindi na bago sa 'min 'yon. Haha! Pero siya ang pinakamabait na teacher para sa 'kin. Siya 'yong tropa-tropa lang na teacher. Walang kang masama masasabi sa kanya. Magaling siya magturo kahit med'yo hindi halata sa itsura niya.

"Oh? Elle! Sit here. Tabi tayo." Sabi ni Becca sa 'kin.

Tumango lang ako at pumunta na sa kabilang upuan na tinuro niya. Kausap ni Paul si Luke habang si Greg at Jake naman busy sa kani-kanilang mga cellphone. Nung dumating naman si Sir Trias, agad na nagsimula ang klase. Hanapan na naman ang X ni Y at reserba pa si A. Hindi ko alam kung pano natuturo ni Sir sa 'min :to pero kahit papano naiintindihan ko. Buti na lang talaga magaling siya na guro kung hindi matagal na akong bagsak sa subject na to.

*

Madali lang lumipas ang oras. Hindi ko nga namalayan na tapos na pala ang klase sa araw na 'to. Hindi ko nga alam bakit ang bilis natapos ng araw na 'to. Haha!

"Elle, san ka?" Tanong sa 'kin ni Greg.

"Bahay. Uwi na ako. Bakit?" Ako

"Hatid ka na namin." Becca.

"Wag na. I can manage. Malapit lang naman bahay namin dito. Sige na. Una na ako." Sabi ko na lang habang tumatakbo palayo.

Ayoko na silang abalahin. Isang linggo na nila akong hinahatid sa bahay. Nakakahiya na. Hindi pa naman nila ako ganun ka'close.

Naglalakad lang ako pauwi. Hindi ko alam kung bakit peri nakasanayan na. Med'yo malapit lang kasi sa bahay kaya nilalakad ko na lang. Tipid din sa pamasahe. At nakakapag-isip din ako ng malinaw kapag ganito. Hindi ko naman namalayan na may sumusunod sa 'kin. Med'yo kinabahan na rin ako kasi madaming yapak ang naririnig ko. May sipol akong naririnig at mga hagikgikan din. Hindi ko nga maintindihan ang mga pinagsasabi nila dahil na rin siguro sa sobrang kaba. Binilisan ko na lang ang lakad ko para madali ako umabot sa kanto namin para makahingi ng tulong sa mga tambay dun sa 'min. Halos maiyak na nga ako sa kaba.

"Hoy, miss. Teka lang. Gusto ka lang namin makausap. Bago lang kasi kami dito." Sabi ng lalaki.

"Wag mo akong hawakan. P-please." Reklamo ko sa kanya.

"Oy, palaban si miss. Gusto ko ang mga ganyan. Haha!" Lalaki number two.

Mangiyak-ngiyak na ako sa sobrang takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Bigla ko na lang nasapak ang isa sa mga lalaki at dali-daling tumakbo. Narinig ko namang magmura 'yong lalaki at sinabing sundan nila ako. Hindi ko na alam kung saan na ako patungo basta ang nasa-isip ko lang ngayon ay ang makatakas sa kanila. Ayoko pang mamatay! Ayoko!

Our Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon