Pagkatapos sabihin ni Caius ang mga katagang iyon ay sumugod na siya kay Luke. Nakahanda naman si Luke sa pagsugod kaya nakaiwas ito. Umiwas na rin si Ellie sa dalawa at nagtago sa kung saan. Nakikita niya ang mga mabibilis na suntok at sipa ng dalawa sa isa't-isa. Sa sobrang bilis ay halos hindi na nito masundan pa ang bawat galaw ng dalawa. May mga nasisirang muwebles ang mga natatapat sa suntok at sipa ng dalawa. Sa mga panahon na yon, hindi alam ni Ellie kung ano ang gagawin niya. Nag-iisip siya ng mga solusyon pero walang pumapasok sa isip niya hanggang sa pumikit na lang siya. Nagbabakasakaling makausap niya si Luna at Hiyas. Hindi naman nabigo ang dalaga at agad niyang nakita ang dalawa. Nakangiti sa kanya at may dala-dalang dalawang maliit na kumikinang na bato. Nagtaka naman ang dalaga kung bakit ganun na lang ang reaksyon ng dalawa samantalang may nangyayaring digmaan sa mga oras na yon.
"Bakit ganyan kayo? Nakangiti? May nagaganap na nga na digmaan ngingiti-ngiti pa kayo d'yan." Tanong ni Ellie sa dalawa.
Nagkatinginan ang dalawa at sabay na sinabi ang mga katagang hindi halos makaimik si Ellie. Hindi siya makapaniwala sa narinig niya galing sa dalawa. Umiiling pa nga siya habang tinignan ang dalawa.
"No. Hindi maaari to. Isang beses lang may mangyari sa aming dalawa." Ika ni Ellie sa dalawa.
"Hmmmm. Hindi mo pa siguro alam ang mga dapat mong malaman tungkol sa mga taong lobo." Sagot naman ni Luna.
"Mukhang tama ka riyan, Luna. Pero Ellie, totoong buntis ka. Oh, dalawa pa nga. Tiyak akong matutuwa si Luke kapag nalaman niya ito." Sabat ni Hiyas.
"Pero... hindi pa dapat. Kailangan ko pang tulungan ang bawat isa..."
"Ellie, alam mo na ang dapat mong gawin. Isipin mo kung ano mas ikakabuti ng nakararami. Gawin mo na agad habang wala pang masyadong nagbubuwis ng buhay." Ika ni Hiyas.
Tumango lamang si Luna at tinignan si Ellie. Tamango lang si Ellie sa dalawa at ibinuka na ulit ang kanyang mga mata. Alam na niya ang gagawin ngayon. Buong tapang siyang umalis sa pinagtataguan niya at hinarap ang dalawa. Bigla na lang siyang pumagitna sa dalawa na ikinagulat ng mga ito. Hinawakan ni Ellie ang kamay ni Caius at ngumiti sa kanya. Mahigpit angbpagkakahawak ni Ellie sa kamay ni Caius dahilan para mataranta ito. Nagtataka man ay nananatiling nag-oobserba si Luke sa ginagawa ni Ellie. Nag-anyong lobo naman bigla si Lukr dahil sa paggalaw ni Caius ng marahas.
"Alam kong pagod ka na sa mahaba mong Caius. Naiintindihan ko na kung bakit mo to ginagawa." Panimula ni Ellie. "I can help you. If you just let me try."
"No! I don't need anything from you except your power. Let go of my hand before I crash yours." Sagot naman ni Caius.
Isang mahinang growl ang pinakawalan ni Luke dahil sa banta ni Caius. A smirk formed on Caius's face and that made Luke angrier. Umiling si Ellie para uminahon si Luke at para mawala ang ngiting iyon sa mukha ni Caius. Nakaramdam ng kaba si Caius for the first time in his vampire life. Natatakot siya sa maaaring mangyari kapag may ginawa si Ellie sa kanya na hindi niya magustuhan. Bumalik sa kanya lahat-lahat ng pinagdaanan niya pagkatapos siyang ilibing ni Alexandria sa gubat. Iniwan siya nito sa pag-aakalang patay na siya dahil sa hindi siya humihinga. Ilang minuto lang ang nakalipas ay bumangon siya galing sa hukay na sobrang nauuhaw at nagugutom. Hindi niya alam kung ang nsngyayari sa kanya sa mga panahong iyon. Ang alam lang niya ay iniwan siya ng minamahal niya.
Bigla na lang tumalbo palayo si Caius na ikinagulat ni Luke. Tinignan niya si Ellie sa mata para makausap ito.
"What just happened?" Luke
"I don't know but somehow I know he's panicking." Sago na lamang ni Ellie.
Naghintay si Luke ng minuto para mag-anyong lobo si Ellie pero niya 'yon ginawa. Ngumiti lng si Ellie at umiling at hinawakan ang kanyang tiyan. Natigilan naman si Luke dahil dun. Aligagang nag-anyong tao ito at hinarap si Ellie. Puno ng galak at kasiyahan ang binata sa nalaman nito. Niyakap niya ang dalaga at hinalikan ng walang sawa. Tumatawa na lang si Ellie sa ginagawa ni Luke. Saya ang bumabalot sa dalawang magkasintahan at that moment. Parang wala silang pakialam sa mga nangyayari sa paligid nila. Nabalik lang sila sa reyalidad ng may marinig silang sigaw ng isang babae. Napatingin silang dalawa sa pinanggalingan ng tinig. Naging lobo ulit si Luke at pinasakay niya si Ellie sa kanyang likod.

BINABASA MO ANG
Our Twisted Fate
Hombres LoboA typical girl trying to get through high school without being bullied at. She's a nobody from the class but an excellent student. No one wants to be her friend and it doesn't bother her. She's happy being alone. She's happy being left alone. Until...