Ellie's POV
Nagising na lang ako bigla. Napabalikwas ako ng bangon at nakita ang isang napakagandang tanawin. Mga naglalakihang luntiang bundok. Bughaw na kalangitan na may ulap. Malamig at presko ang simoy ng hangin. Napangiti na lamang ako. Hindi ito ang mundong kinagisnan ko. Wala namang ganito sa mundong ginagalawan ko. Tumayo ako at naglakad-lakad na lamang.
May naririnig ako na agos ng tubig sa di kalayuan. Pinuntahan ko ito tinignan. Ang repleksyon ng aking mukha sa batis. Halos hindi ko na makilala. Madungis ito puno ng mga galos. Ang mata'y halos wala nang buhay.
Napag-isipan ko na lang na maghilamos at linisan ang aking mukha. Nung mawala na akong makitang dumi ay tumayo na ako at sinundan ang agos ng batis.
May narinig akong mga nagtatawanan. Mga batang nagsisigawan sa di kalayuan. Dalawang bata. Isang babae at isang lalaki. Napangiti na lamang ako dahil sa sobrang pagkakaaliw sa pagmamasid sa kanila. Bigla namang may isang babae ang pumunta sa dalawang bata. Tila ba may sinasabi sa kanila. Nakatalikod ang babae kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. Narinig kong humagikgik ang dalawang bata at tinignan ako ng nakangiti. They were beautiful. So, beautiful to even compare to any ordinary children. Mala-anghel ang kanilang mga mukha. Matangos ang ilong at napakapula ng kanilang labi. They have pinkish skin. Mamula-mula ang kanilang mga pesnge. They have fine thin lips and perfect eyelashes. Medyo bilog ang kanilang mata. Tama lang sa kanilang maliit na mukha. Napangiti ako sa kanilang dalawa. Kulay itim ang buhok ng lalaki at kulay blonde naman ang sa babae.
Lumingon naman ang babaeng kausap ng dalawang bata sa kinaroroonan ko. Namilog ang aking mga mata. Si mama. Ngumiti siya sa akin at tumango siya sa akin at tinignan ang mga bata. Kumaway siya sa kin at pinapapunta sa kanila. Dumating din bigla si papa. Patakbong naglakad ako patungo sa kanila. Mangiyak-ngiyak na tinitignan silang apat.
"Anak. Nagkita ulit tayo." Sabi sa kin ni mama.
"Mama. Mama." Tawag ko kay mama.
Niyakap ko ng mahigpit ang aking ina at umiyak sa kanyang mga bisig. Hinimas himas niya ang likod at pinatahan ako. Nang mahimasmasan ako ay tinignan ko muli si mama at ngumiti siya sa kin. Tinapik naman ako ni papa kaya tinignan ko din siya. Nakangiting linahad niya ang kanyang kamay sa akin. Kinalas ko ang pagkakayakap kay mama at niyakap na rin si papa.
"Ang prinsesa ko. Malaki na talaga. Hindi mo ba nayayakapin ang mga anak mo?" Tanong sa kin ni papa.
Kinalas ko ang pagkakayakap kay papa at tinignan siya. "Sinong mga anak papa?" Tanong ko na lang sa kanya.
"Sila. Ang kambal." Sagot ni papa sa kin.
"Alam mo, kamukha ni Luke ang dalawa. Mahal na mahal mo siguro siya. Haha!" Sabat naman ni mama.
"Pero buntis pa lang po ako ma, pa. Imposible naman pong andito agad sila." Sagot ko naman kay mama.
"Imposible? Andito nga kami ng mama mo, oh. Is this even possible? Patay na kaming dalawa and yet, here we are. Talking." Sabi naman ni papa.
Napakurap kurap naman ako. Oo nga naman. Tama nga naman si papa. Ngumiti na lang ako sa kanilang dalawa. Napakamot na lang ako sa batok ko at hinarap ang dalawang bata sa aking gilid. Nag-squat ako para makausap ko sila ng maayos. Nginitian silang dalawa. I extended my hand to reach the both of them but they were skeptical at first. Tinignan nila si mama siguro para makasigurado na okay lang akong hawakan at lapitan. Tumango si mama at ngumiti kaya dahan-dahan silang lumapit sa kin. Hinawakan ng batang babae ang pesnge ko at humagikgik na lang bigla. Pigil naman ang ngiti ng batang lalaki at sinusibukan na maging matapang ang ekspresyon ng mukha nito. Manang-mana sa ama nito. Suplado. Ngumiti ako sa kanilang dalawa at niyakap sila. Ang init ng mga katawan nila hindi katulad nila mama at papa na malamig. Tinignan ko ang mga magulang ko. Naiiyak ako. Niyakap ko ng mahigpit ang mga anak ko. Ganito pala ang feeling ng isang ina.
"Mama, ang ganda mo po." Sabi ng anak kong babae.
"Syempre naman. Kaya nga maganda at gwapo kayo ng kapatid mo. Tama nga si lola niyo, magkahawig kayong tatlo ng papa niyo. Ang daya naman. Wala akong kamukha." Sabi ko sa kanila.
"Wag kang mag-alala mama. May kaugali ka naman. Annoying and jolly at the same time." Sagot naman ng anak kong lalaki.
Natawa na lang ako sa sinabi ng anak kong lalaki. Hay, manang-mana nga siya sa kanyang ama. Suplado at sobrang straight forward. Tumayo naman ako para makausap ang mga magulang ko. Niyakap ko ulit silang dalawa ng mahigpit.
May isang batang babae naman na pula ang buhok ang dumating. Tinignan niya lang ako ang ngumiti. Nagkatinginan naman sina mama at papa. Tumango lang si papa sa bata at umalis na ito.
"Naku, sinusundo na kami. We need to go." Sabi ni papa.
"Oo nga. Kailangan na naming umalis, anak. Mga apo, tandaan niyo. Wag na wag niyong kukulitin ng sobra si mama. Makinig palagi sa kanya. Okay?" Bilin ni mama sa kambal.
"Opo lola!" Sagot namang ng dalawa.
Naiiyak na naman ako. Ngumiti lang si mama sa kin at hinawakan ang pesnge ko. Niyakap ko ulit ang mga magulang ko. Dahil alam kong hindi ko na ulit sila makikita kahit sa panaginip ko. Iyon ang nararamdaman ko.
"Anak, wag kang umiyak. Andito pa rin kami" sabay turo ni mama sa kanyang puso, "at sa isipan. Wag na wag mo kaming kakalimutan, ha?" Sabi ni mama sa kin.
"Hay, pinapaiyak niyo ako. Naku! Basta, mahal na mahal ka namin ng mama mo." Sabat naman ni papa.
Natawa naman ako sa sinabi ni papa. Tumango lang ako sa kanila at pinahid ang mga luha ko at ngumiti. Humalik ang mga anak ko sa kanilang dalawa at bumalik na sila sa aking gilid.
Dumating ulit ang batang babae para sunduin sina mama at papa. Huling sulyap ko na sa kanila ito. Hinawakan ko ang magkabilang kamay ng dalawang anak ko at sabay namin silang tinignan na pumapasok sa isang malaking pintuan. Dahan-dahan itong sumara pagkatapos nilang makapasok.
"Mama, makikita pa ba natin sila lolo at lola?" Tanong ng anak kong babae.
"Sa tingin ko ay hindi na. Pero ito ang tatandaan niyo, and'yan lang sila sa puso at isip niyo at mahal na mahal nila kayong dalawa." Sagot ko sa kanya.
Ngumiti lang sa kin ang anak kong babae at tumango. Niyakap ko naman silang dalawa ng mahigpit.
"Mama, ikaw naman ang bumalik kay papa. Nagaalala na siya sa iyo." Ika ng anak kong lalaki.
"Pero..." hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil nagsalita naman ang anak kong babae.
"Mama, andito pa kami. We will live. We promise." Sabi naman ng anak kong lalaki.
Tumango na lang ako sa kanila at ngumiti. Hinawakan nilang dalawa ang tiyan ko at bigla na lang silang nawala. Uminit naman ang aking tiyan at may kung anong gumalaw sa loob. Napangiti na lang ako at napapikit na ulit. Hintayin mo lang kami ng mga anak mo Luke. Wag ka nang magalala. Magiging okay rin ang lahat.
-
-
-
-
To those people na nalilito, panaginip lang tong lahat ni Ellie. Hehe
Grabe! Ang ganda at gwapo ng mga anak niya. Sobra! At sa huling pagkakataon ay nakita niya ulit ang mga magulang niya. I'm happy for her.
Kayo ba? Happy kayo? Comment down sa opinions niyo. Hehe
Vote
Comment
Share
Recommend
Love lots,
- applelonio ;)
BINABASA MO ANG
Our Twisted Fate
WerewolfA typical girl trying to get through high school without being bullied at. She's a nobody from the class but an excellent student. No one wants to be her friend and it doesn't bother her. She's happy being alone. She's happy being left alone. Until...