Chapter 26

184 10 0
                                    

Sumugod na ang grupo ni Luke sa bayang pinagtataguan nila Caius at ng mga lipon nito. Nalaman din nila na yon pala ang dating tahanan nina Marley at ng ina ni Ellie. Walang masyadong nagbabantay kaya madali lang sa kanila ang makapasok. Idagdag pa na kilala nila si Marley kaya wala masyadong dugo ang dumalak. Nung may nakatunog na nakapasok sila kaya biglang may tumunog na kampana hudyat na may mga kalabang nakapasok. Agad na naging alerto silang lahat dahil baka bigla na lang sumugod ang mga kalaban nila out of nowhere.

Wala pang ilang minuto ay may mga nakapalibit nang mga bampira sa kanilang lahat. Hindi naman sila nakaitim lahat at may mga naka-uniporme pa.

Hindi na muna nag-anyong lobo sina Luke ang iba dahil kaya pa nila ang makipaglaban sa normal na anyo. Hindi naman malalakas ang nakakasagupa nila ngayon kaya walang problemang napatay nila ito. Hindi naging abo ang mga katawan ng mga ito pero kailangan pa ring sunugin para hindi na ulit mabuhay.

Unti-unti na silang umaabanti at sunusundan si Marley sa bawat tinatahak nito. Pumasok sila sa isang bahay at dun muna nagtago at para na rin daw matabunan ang amoy ng mga taong lobo. Isa kasi daw iyang spice shop kaya kahit anong sighot ng mga bampira ay hindi sila maaamoy.

Kita sa mga mata ni Luke ang pagkasabik na makita ang kanyang pinakamamahal. Sa bawat kalye ay may nakakasagupa silang mga bampira at ang iba ay mga kawal ng ina ni Marley na si Alexandria. Mabangis na sinugod naman ng tiyahin ni Ellie ang bawat mga kalaban kaya medyo nanibago ang mga kasamahan nito. Nung malapit na sila ay bigla na lang dumami ang mga kalaban nila. Silang lahat ay naging seryoso na. Maging ang mapaglarong si Jake ay hindi na ngumingiti at naging seryoso na rin.

"Oh, you know. I've been wanting to kill you Marley. Where is Gertrude? Ha! That bitch!" Ika ng babaeng katulad ni Gertrude na isang immortal.

"You know what? I really don't care. Oh, and by the way, this is her boyfriend Greg. He doesn't like it when someone calls his girl a bitch." Sagot naman ni Marley.

"Stop the fuzz and let's end this." Sabat naman ng bampirang lalaki.

Isa-isang sumugod ang mga kalaban kena Luke. Medyo nahirapan sila dahil marami ang mga umaatake sa kanila. Nasuaugatan na nga ang iilan sa mga kanila kaya napilitan nang mag-anyong lobo ang iba. Walang kahirap-hirap naman na iniiwas ni Marley ang mga kalaban nito at para lang sumasayaw sa bawat pag-iwas nito. Lahat ng sumusugod sa kanya ay balewala lang at lahat ay napapatay niya. Mabangis man pero maingat naman ang tiyahin din ni Ellie na si Sandra. Ang bawat galaw ay precise at walang mintis. Tila parang naglalaro lang ang dalawa sa mga kalaban nito.

"Woah! Opss! Where are you going, Samantha? Not gonna run away, are you?" Tanong ni Marley sa babaeng kanina ay iniinsulto siya. Na-corner niya kasi ito.

"Bitch! You were always a bitch!" Sigaw na lang ng babae.

Ngumiti lang ng nakakatakot si Marley at unti-unting sinakal ang babae. Nagtaka pa sanang gamitin nito ang kapangyarihan pero ang hindi alam ng babae ay hindi naapektuhan si Marley doon. Simula nung naging bampira siya ay, na-immune na siya sa mga ganung kalaseng kapangyarihan. Tumawa lang si Marley bago nilagutan ng hininga ang kalaban. Binitiwan niya ang katawan nito na parang wala lang at tumulong na sa mga kasamahan nito.

"Marley, grab Luke at go to Ellie. Isama mo na rin si Greg at Paul. Kami na ang bahala ni Jake ng iba pa rito. Sige na!" Sigaw ni Sandra.

Tumango lang sila at nagsimula nang tumakbo patungo sa isang kastelyong hindi kalayuan sa bayan. May mga bantay silang naabutan sa bukanan ng papasok sa kastelyo kaya naantala ang pagpasok nila. Kilala ni Marley ang mga iyon. Mapait na ngumiti si Marley dahil na rin sa mga kaibigan niya dati ang mga iyon. Ngayon, wala na. Hindi na ata siya kilala ng mga ito dahil man lang sila natigilan nang makita siya.

Our Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon