Chapter 29

202 8 0
                                    

Third Person's POV

Alalang-alala na si Luke kay Ellie. Halos hindi siya mapakali sa kanyang unuupuan. Maging si Sandra na kanyang tiyahin ay ganun rin ang nararamdaman. Nasa isang pagamutan sila ngayon. Mabuti na lang at may pagamutang alam Caius. Hindi na sumama sa loob si Caius at umalis na lang ng walang paalam. Si Alexandria naman ay nasa kamay na ng mga kasamahan nila at dinala na sa isang pribadong bahay malapit sa mansyon nila Luke. Labas-pasok ang mga doktor at nurses sa loob ng emergency room dahilan para mas lalong nangamba silang lahat. Busy naman sa pag-update si Greg kay Gertrude kung ano na ang nagyayari.

"Luke, everything is going to be fine. Ellie's a fighter. Don't lose hope. She can make it." Ika ni Jake sa kanya.

"I know. It's the baby I'm worried about." Sagot naman ni Luke.

Nanlaki naman ang mata ni Sandra sa narinig niya. Natigil ito sa paglakad at tinignan lang si Luke. Nagtaka naman si Greg at ang iba pa sa inasal ni Sandra. Nung nakabawi sipang lahat ay tinignan na nilang lahat si Luke. Tinaas naman ni Luke ang kanyang kilay dahil sa mga reaksyon ng kasama niya.

"What do you mean? Is she, is she pregnant?" Tanong ni Sandra.

He slowly nodded to answer her question. Napangiti naman si Greg at umiling. Nanliit naman ang mga mata ni Sandra at balak pa sanang sugurin si Luke ng may lumabas na doktor at hinanap ang pamilya ni Ellie. Agad na tumugon si Luke at Sandra sa pagtawag ng doktor.

Sinabi ng doktor na okay na ang lagay ni Ellie at ng mga bata. Hindi naapektuhan ang kahit na anong vital organs ni Ellie. Madyo marami ang nawalang dugo dahil sa pagkakasaksak kay Ellie sa tagiliran pero kaya naman daw'ng abunuhan ng dugo. She only needs rest and mga tatlo o apat na araw ay pwede na siyang ma-discharge. Nakahinga naman ng maluwag ang lahat. Pero si Luke nakatulala lang. Nagtaka naman ang lahat ng dahil sa reaksyon ni Luke. Hinarap ni Luke ang doktor at matamang tinignan sa mata. Medyo nailang ang doktor pero hindi ito nagbawi ng tingin kay Luke.

"Doc, what did you say about the baby?" Tanong ulit ni Luke sa doktor.

"Ah, that would be babies, sir. You're wife is pregnant with twins. Now, if you'll excuse me, I'll be checking some other patients." Sagot ng doktor at umalis na.

Napaupo naman si Luke dahil sa nalaman. Dalawa ang kanyang anak. Bigla na lang siyang tumawa dahil sa kagalakan. Dalawa ang anak na ibibigay ni Ellie sa kanya. Doble ang saya na nararamdaman niya ngayon.

"Well, twins. That's a bit too much. Can I have the other?" Birong sabi ni Jake.

Nabatukan naman ni Luke si Jake dahil doon. Natatawang hinawakan ni Jake ang kanyang batok at kinamayan si Luke. Maging si Greg ay masaya para sa kaibigan niya. Si Sandra naman ay halos maningkit na ang mata sa kakatingin kay Luke. Nung napansin ni Luke iyon ay nagtaas na siya ng dalawang kamay bilang pagsuko.

"I will talk to you later after all of these are done. Got that punk?" Sabi na ang ni Sandra.

Tumango lang si Luke kay Sandra at ngumiti. Everyone was cheering for Luke. Masaya sila para sa kaibigan nila. Sa wakas magiging okay rin ang lahat. Dahil wala nang mangugulo sa kanilang dalawa ng kanyang mahal.

Nagulantang naman silang lahat ng may sumigaw sa di kalayuan. Nakita nila si Marley na nakatayo sa entrance ng ospital. Maging ang ibang staff ay nagulat sa ginawa niya. May mga galos at sugat pa ito sa mukha kaya may mga nurse na lumapit sa kanya para alalayan. Sa sobrang inis naman ni Marley ay nasigawan niya lahat ng mga dumadalong nurses sa kanya at tuloy tuloy pa rin ang paglalakad patungo sa kinaroroonan nila Luke.

"Why did you fucking leave me on that fucking place?!" Pasigaw na tanong ni Marley.

Nakanganga naman silang lahat dahil ang alam nila ay patay na si Marley. Nakita mismo ni Luke iyon. Natatandaan pa niya na inihagis ni Caius ang katawan niya sa lupa na wala nang buhay. Kaya malaking palaisipan sa kanya ang biglang pagkabuhay ni Marley at nakasunod pa ito sa kanila dito sa ospital. Natauhan naman si Luke ng masampal siya ni Marley. Medyo malakas iyon kaya rinig sa buong lobby ang pagkakasampal sa kanya.

Our Twisted FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon